"Tyra?" Tumingin siya sa akin, "Ano'ng nangyari sa 'yo?" May tumutulong dugo galing sa ilong niya. "Gabi na, bakit hindi ka pumapasok sa loob?"

Umiling siya. "Nagpapahangin lang. Si Eya?"

"Tulog na, kanina pa pagkababa ng tawag mo. Okay ka lang ba? Kanina nagmamadali kang umalis tapos tinawagan ka namin at nakausap ka namin sa cellphone tapos biglang nandito ka na ulit ngayon, namumutla. Ano ba'ng nangyari?" Nag-aalala king tanong, ngumiti lang siya at umiling.

"Puwede mo ba akong alalayan papunta sa duyan at saka gusto ko ng maligamgam na tubig." Hirap niyang sambit, inalalayan ko siyang maglakad papunta sa duyan, bumalik ako sa kubo namin at kumuha ng maligamgam na tubig.

Pagbalik ko sa duyan at hinihilot niya na naman ang kilay niya.

"Ito na yung tubig, uminom ka muna."

"S-Salamat."

"Masakit ba ang ulo mo? Bakit mo ginaganyan ang kilay mo?"

"Ginagawa ko 'to kapag nahihilo ako o kapag sobrang sakit ng ulo ko. Salamat."

Iniwan ko muna siya saglit, bumalik ako sa gate at isinarado yun. Dumeretso din ako ulit sa kubo para kumuha ng basang bimpo at jacket.

"Suotin mo muna, malamig ngayon." Pagkasuot niya ng jacket ay hinawakan ko siya sa pisnge, pinunasan ko ang natuyong dugo sa may ilong niya.

Napatingin ako sa labi niya, napalunok ako. Pagtingin ko sa mga mata niya ay nakatingin din siya sa akin.

Malungkot ang mga mata niya, ibang-iba sa nakikita ko noon, palaban. Parang ngayon pakiramdam ko nanghihina siya.

"I love you." Bulong niya at pilit na ngumiti.

"T-Tyra.."

"Alagaan mo ang anak natin.."

"Tyra, aalagaan natin. Mahal din kita." Hinalikan ko siya sa noo.

"At alagaan mo rin ang kakambal ko."

"Ha?" Kunot-noo kong tanong, bigla niya akong hinalikan sa labi kaya hindi na ako nakapagtanong pa.

-

"Thank you Mami, ang dami po nito."

Naalimpungatan ako, kinapa ko si Eya sa tabi ko, wala na siya.

Paglabas ko ng kubo ay nadatnan kong magkayakap si Eya at Tyra.

"Hi Dada! Good morning po. Grabeng surprised po ito! Ang dami ko pong hopia oh, iba-ibang flavor, dala po ni Mami. Kain po tayo Dada, gusto po ba ninyo ng kape?"

Kay Tyra ako tumingin.

"Ipagtitimpla kita." Sabi ni Tyra at tumayo para pumunta sa maliit naming kusina.

"Inom ka ng tubig ha."

"Opo Dada. Dada, ang happy ko po, katabi po pala natin matulog si Mami SB kagabi?"

Napatingin ako ulit kay Tyra.

Katabi namin?

Pero kagabi, pagkatapos nung- Ah, sabi niya iwan ko daw siya sa duyan, kahit gusto ko siyang samahan ay ayaw niya, doon na lang daw siya magpalipas ng gabi.

"Dada?"

"Ha? Ano 'yon Eya?"

Napasimangot si Eya. "Ang dami ko na pong naikuwento tapos wala po pala kayong narinig."

"Sorry na, may iniisip lang."

"Ang aga po n'yan ha. Magkape na po kayo, baka inaantok pa po kayo."

"May naalala lang talaga. Sige na, ubusin mo na 'yang kinakain mo." Kunot-noong lumapit si Eya sa akin at tiningnan ako sa mukha.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now