Chapter 14

240 7 1
                                    

Chapter 14

Cassano's Organization.

Lately, napapasin kong napapadalas na ang pagsabay sa amin ng foremen ni Nikolaus tuwing umagahan at hapunan dahil palagi silang may mahalagang pinag-uusapan. Wala naman problema sa akin 'yun at mas gusto ko pa nga iyon dahil hindi naman na sila iba sa akin. Para ko na silang mga kaibigan kung i-trato at ganoon din naman sila sa akin. Si Nikolaus lang ang may ayaw. Naiintindihan ko naman dahil siya ang boss dito.

Kahapon, nabasa ko ang pangalan ng grupo nila na nabanggit sa isang dyaryo. Hindi ko alam kung sila iyon dahil marami namang Cassano sa mundo pero base sa dyaryong nabasa ko, nakipag-alyansa ito sa isang gobernador sa Italia.

Posible kaya... na ang mga magulang niya ito?

"Miss Malia, ayaw mo ba ng pagkain?" Napaangat ang tingin ko kay Ryker. Nagsisimula na pala silang kumain habang ako ay may malalim na iniisip.

"Uh, hindi. May iniisip lang ako."

"Are you thinking about what happened earlier, Miss Malia?" Saad naman ni Faolan at agad naman s'yang siniko ni Avel.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong ko. Umakto naman si Faolan na may binubuhat. Napakunot naman ang noo ko, hindi siya naiintindihan. Pero maya-maya lang din ay nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya.

Bigla naman akong namula nang maalala nga iyong nangyari. Binuhat ako ni Nikolaus na parang isang bride na alam kong nakita nila. Kaya nga sila ngayon mga nang-aasar sa akin.

"Ten tententen tententen," kumanta pa si Nero na sinabayan agad nilang lahat maliban sa aming dalawa ni Nikolaus. Seryoso lang siya at parang walang pakielam sa nangyayari. Ako lang ata ang apektado sa pang-aasar nila. Ngayon ko lang din napansin na wala pala si Theron. Siguro ay hindi iyon umuwi rito at sa asawa niya umuwi kagabi pagkatapos ng party. Wala rin kasi siya ipatawag kami ni Nikolaus.

"Tumigil nga kayo," namumulang sabi ko, sinasaway na sila. Tumigil nga sila pero nagpipigil pa rin ng tawa.

"Do you want this?" Nalipat naman ang atensyon ko kay Nikolaus nang alukin niya ako ng ulam na kakaserve lang ni Manang Susan. Bagong luto iyon na chicken adobo at amoy na amoy ko pa ang aroma.

Alam kong hindi lang ako ang napatingin sa kanya kundi silang lahat. Nagsimula na naman tuloy ang asaran nila sa amin Nikolaus. Mga kinilig, nagsitilian, at nagkilitian pa sila sa isa't isa. Napasapo nalang ako sa noo ko at napabuntong-hininga, hindi na alam ang gagawin sa kanila.

Bakit ba sila nang-aasar dyan? Ramdam ko tuloy na mas lalo akong namumula. Idagdag pa 'yung nangyari kanina sa loob ng kwarto niya.

"Sweet, bossing," rinig ko pang sabi ni Avel na sinundan pa ni Briggs.

"'Do you want this?'" Panggagaya pa nito kay Nikolaus habang nakatingin ito sa katabi n'yang si Avel na may paghawak pa sa baba.

Matalim ko silang tiningnan lahat habang mahigpit ang pagkakahawak sa tinidor na hawak ko. Napatikom na sila ng bibig pero nandoon pa rin ang pagpipigil. Iyong meeting nila ay nauwi sa pang-aasar.

"Let them be," saad ni Nikolaus at pinaglagyan ako ng adobong manok sa plato ko. Nagsimula na naman tuloy ang tuksuhan pero hindi ko na lamang sila pinansin at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos ng umagahan, nawala na sila dahil may kanya-kanya na silang mga dapat gawin na pinapagawa ni Nikolaus. Iyong iba ay umalis na pero iyong iba ay nanatili pa rin dito sa mansyon.

Nung isang araw, nag-ikot-ikot ako sa mansyon ni Nikolaus dahil bago ulit ito sa akin lalo na't mas malaki ito kesa roon sa unang mansyon niya kung saan niya ako unang dinala. Napansin ko na parang may laboratoryo sa bandang dulong bahagi ng mansyon. Hindi ako sigurado kung laboratoryo nga iyon pero madalas kong nakikitang nagtitipon tipon doon ang foremen ni Nikolaus at sila lang ang puwedeng pumasok doon.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon