"Okay, mukhang wala naman pala kaming kailangan ikabahala. Maraming salamat, umaasa kami na mas iaangat mo pa ang kompanya." Tumango si sakuragi sakanila, tumayo naman ang mga board of directors at ganon din si sakuragi, nakipag kamay ito na tinanggap naman ni sakuragi.

Nang makalabas na ang mga board of directors, doon lamang bumuntong hininga nang malalim si sakuragi. Napangiti ang secretary sa kanyang kanyang boss.

"Sir, ang galing niyo kanina. Parang hindi ko nga kayo nakitaan nang kaba e. Napakaayos niyong tignan." Ani nito kay sakuragi, ngumisi naman si sakuragi sa sinabi nito.

"Salamat. Akala ko kasi talaga hindi tatalab ang ideyang iyon e. Buong linggo ko pa namang pinag aralan iyan iyan." Ani sakuragi, ngumiti naman ang kausap nito bago tumango.

"Gusto niyo po bang maghanda na ako nang makakain niyo?" Tanong ng secretary kay sakuragi.

"No need na, dadalawin ko si lolo ngayon." Ani sakuragi, tumango ito at sumunod na kay sakuragi nang lumabas na ito ng conference room.

Nakita niya pa ang apat na nag uusap kaya nang makita nila si sakuragi ay agad silang lumapit para mangamusta sa pinag meetingan.

"Kamusta? Anong sabi nila?" Tanong ni sachi

"Approved. Hindi ko na poproblemahin pa ang pangi'question nila sa kakayahan ko. Salamat sainyo." Nakangiting sabi ni sakuragi bago tinapik sa balikat si sokomo at hajime.

"Susss, wala lang iyon. Ikaw pa ba? Malaki na rin ang naitulong mo samin no." Ani hajime

"Oo nga pala, dadalawin ko si lolo sa hospital, sasama ba kayo?" Tanong ni sakuragi sa mga ito. Nagkatinginan pa sila at masayang tumango .

"Syempre naman," masiglang sagot ng mga ito

"Sir, isesend ko nalang sainyo ang mga kailangan niyong basahin na mga documents. Pasensya na sir, pero kailangan din po kasi ng kompanya iyon e." Tumango si sakuragi bago ito tinapik sa balikat.

"Don't worry mr. Secretary, gagawin ko ang lahat para sa company ni lolo. Tsaka Pwede ka nang umuwi kung wala kanang gagawin."

"Sige ho sir, Salamat."

America,

     Healty'ng naideliver ni aki si baby saki, three months old na ito ngayon at napakalusog, walang araw na hindi ito pinipicture'ran ni aki para sa magandang memories. Gusto rin kasi nitong ipakita kay sakuragi ang baby nila habang lumalaki. Namimiss niya nang masyado si sakuragi pero kailangan niya na munang mag grow on her own. Kasama niya naman ang kanyang ina na nag aalaga sa kanyang anak habang pinag sasabay niya ang pagtatrabaho at piniling mag patuloy ng pag aaral. Hindi naging madali ang adjustment ni aki sa bagong environment, madaming mga latina ang may ayaw sa tulad niya kaya medyo nahihirapan pa si aki na makibagay sa kanila.

Nalaman pa ng ilang na may anak na siya kaya mas lalo lamang natuon ang pambubully ng iba sakanya. Until may isang lalaki ang tumutulong sakanya na iavoid ang mga bullies sa school. Tristan ang pangalan nito, and he's a gay! Alam ng karamihan ay lalaking lalaki siya, pero tanging si aki lamang ang nakakaalam na bakla ito.

"Sis, nasan ang baby cutieee ko?" Tanong ni Tristan pagkapasok palang ng bahay nila, naiiling namang sinundan nang tingin si tristan dahil sa outfit nito.

"The hell bakla, bakit ganyan suot mo? Akala ko ba ayaw mong mabuking na bakla ka?" Takang tanong ni aki sa kaibigan

"Chill ka lang, wala namang nakakita pagkaalis ko ng bahay e. Tsaka may baon akong damit pamalit." Ani tristan

"Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin sa parents mo na bakla ka, for sure naman pakikinggan ka nila." Ani aki dito

"No, Ayoko. Tsaka wag na nga natin pag usapan ang tungkol sakin. Ang pag usapan natin is, gaano ba kagwapo ang tatay ng baby cutieee ko?" Tanong ni Tristan

"Si sakuragi? Well, for me lang ha? Napakagwapo niya, matipuno ang pangangatawan at may malamig na titig na talagang kikilabutan ka." Ani aki na tila kinikilig.

"May picture ka ba niya?" Tanong muli ni tristan

"Wala e. Tsaka dati meron akong picture, kaso nawala phone ko.." ani aki

"Sayang naman. Five months na kayo ni tita dito, pero di pa tayo lumalabas para mag bar." Malungkot na ani tristan sa kaibigan, umirap si aki sa tono ng boses ng kaibigan.


"Iwan ko sayo, uunahin ko pa ba iyan, alam mo namang may anak ako Diba? Sa tingin mo magagawa ko pang magparty samantalang may anak akong nag hihintay sakin sa pag uwi. Tsaka pagod na si mommy, palagi na lang siya ang nag aalaga sa anak ko." Ani aki kay tristan na napabuntong hininga ng malalim dahil wala din naman siyang napala sa pangungumbinsi dito.


"Fine. Edi dito nalang ako mag stay hanggang mamaya, gusto ko rin namang makita itong inaanak ko. Mabuti rin na wag na tayong umalis." Giit nito na animo'y kanina ay hindi ito nangungulit sa pag alis nila. Naiiling na lamang si aki bago kinuha ang bottle na lalagyan ng gatas ni baby saki.



ŌSAKA, HOSPITAL..

    Nakarating na si sakuragi at mga kaibigan nito sa hospital kaya agad silang dumeretso sa kwarto ng lolo nito. Sa limang buwan na lumalaban ito para sa kalagayan nito, mas lalong nakakaramdam ng takot si sakuragi, anytime pwedeng bawiin ang lolo niya, kaya hanggat nakikita at nakakasama niya pa ito ay sinusulit niya ang pagkakataon.


"Sakuragi?" Tawag pansin ni sokomo


"Bakit?" Sagot ni sakuragi pabalik kay sokomo, medyo hesitant pa ito sa itatanong dahil mukhang obvious na rin naman ang sagot sa itatanong nito.


"A-ano, c-curious lang naman ako. Bat mo naisipang tanggapin ang pagmamanage ng company niyo?" Mabilis na tanong ni sokomo, nagkatinginan pa ang tatlo pang kasamahan dahil doon, siniko pa ni hajime si sokomo dahil sa walang kwenta nitong tanong.


"Hm, para sa future ng anak ko. Gusto ko, sa oras na makita ko na siya mayroon na siyang bahay na matitirhan. Ayaw ko matulad siya sa ibang bata na pinapabayaan nalang ng magulang, gusto ko ang anak ko, nasa maayos na matitirhan." Ani sakuragi na may ngiti sa labi, si sachi naman ay tila nakaramdam ng lungkot dahil doon.


Dahil kahit nirehect na siya ni sakuragi noon, ay hindi parin nawawala ang nararamdaman niya para kay sakuragi. Nag aalala si sachi na baka pag dumating na ang totoong babaeng magmamahal sakanya ay pabayaan na siya nito, close na close na sila at ayaw niyang dumating ang araw na makita niya si sakuragi na may ibang babaeng kasama.


"Oo nga naman, para sa anak ni sakuragi gagawin natin ang lahat para maging maayos ang lahat bago siya dumating dito." Pasigaw na ani sachi na ikinagulat ni hajime at sokomo,



'hindi naman dapat ganon ang maging reaction niya, bakit parang pilit na pilit.' ani sa isipan ni hajime samantalang si sokomo naman ay napatingin kay jun na nakayuko.


"Salamat Sachi, pero hindi niyo na kailangan pang gawin iyan.. ako ang gagawa non dahil anak ko naman iyon." Ani sakuragi kay sachi, wala namang naging imik si Sachi ng marinig iyon.


'hanggat hindi pa bumabalik ang babaeng iyon sa buhay ni sakuragi, may chance pa ako para baguhin ang isip niya at ako ang piliin niya.' ani sachi sa pursigidong iniisip.









The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Onde histórias criam vida. Descubra agora