CHAPTER NINE

993 47 3
                                    


There's no complete joy,
One's happiness can be someone else's pain ...

.....................................................

Nasisilaw ako sa liwanag ng araw na tumatama sa akin. Medyo malamig na ang simoy ng hangin pero heto at andito kami sa dagat upang sulitin ang week ends.

Kasama ko ang swimming team, sina Haruka, Makoto, Rin, Nagisa, Rei at kasama ko din sina Ayato, Yunan at Cupid. Wala ibang babae na isinama ang mga ito dahil, ahm trip lang daw nila
 

Well nasa private resort kami nina Yunan, what do you expect?! Eh di sila na ang mayaman.

Andito kami sa rest house nila at inaayos ang gamit namin, bukas pa ng hapon kami uuwi. Buti na nga lang at pinayagan sina ng mga kapatid niya sumama siya, pero katakot takot na paalala ang binigay sa akin ng mga ito. Pero malaki naman ang tiwala ng mga ito sa tatlong kaibigan ko.

"Tara na dagat Chi, karera tayo" yaya sa akin ni Nagisa, well baby face sya at tinaguriang 'the penguin' dahil sa bilis nitong lumangoy sa tubig pero mabagal pag nasa lupa.

"Mamaya na ako, magluluto pa kasi ako ng kakainin natin" ang bilis naman ng mga ito na mag langoy.

"Gusto mong tulungan na kita para mapabilis ka?" Tanong naman sa akin ni Makoto, well sya naman ang 'killer whale' sa team. Kahit matangkad at malaki ito ay hindi naging mahirap dito ang swimming, at sya ang pinaka KUYA namin.

"Kaya ko na to, samahan mo na lang si Nagisa, andito naman sina Cupid eh"

"Whoo here I come" sigaw ni Cupid na nagtatakbo na sa dagat at hinila pa si Nagisa.

"Hindi ko na aasahan ang pinsan ko. Pero kaya ko na to Mako-chan. Sumali ka na sa kanila, alam ko namang kanina mo pa din gustong maglangoy" ngumiti naman ito.

"Sige Chi, sunod ka na lang mamaya"

"Sige" at nagtatakbo na din ito.

Pumunta na ako sa ref para tingnan kung anung pwede niyang maluto, hindi na ako nagulat ng makitang punong puno iyon ng pagkain, pinahanda talaga siguro ni Yunan ang mga iyon.

Nagulat naman ako ng may pumatong sa balikat ko, at si Haruka iyon na nakapatong ang baba sa balikat ko, tamad ito na parang si Kuya Shu, pero pagdating sa usapang swimming napaka aktibo nito.

"Anung gusto mo Haruka?" Tanong ko dito ng mapansin niya na nakatitig din ito sa mga laman ng ref.

"Gusto ko ng melon shake na may fresh coconut meat" tamad na sabi nito

"Melon lang meron tayo eh, gusto mo lagyan ko na lang ng nata de coco?"

"O-kay" tamad pa ding sagot nito, hindi kayo maniniwala na sya ang 'dolphin' swimmer sa team. Magaling ito sa lahat ng styles ng swimming.

"Hoy Haruka, tarang magpaunahan sa paglangoy!" Sigaw naman ni Rin, sya naman ang 'shark' na mabangis sa paglangoy pero lagi namang natatalo ni Haruka.

Tumingala si Haruka at tiningnan si Rin. Nagulat naman ako ng mag umpisa na itong maghubad sa harap ko, pero naka swimming trunks na ito.

"Ok tara, pagnatalo kita ikukuha mo ako ng buko sa punong yon" sabay turo sa puno ng niyog.

"Deal, pero pag ikaw ang natalo hindi ka pedeng lumangoy uli mamaya" tumango lang ito at nagtakbuhan na papunta sa dagat, sumama na din doon si Rei na 'butterfly' swimmer ng team at si Ayato at Yunan andun sa verandah at nagpapahinga.

Nag umpisa na syang magluto, pakiramdam niya ay nasa bahay pa din siya dahil puro lalaki pa din ang kasama nya. Parang kapatid na din naman niya ang mga ito lalo na si Yunan, Cupid at Ayato na simula ng mag college ako ay kasama ko na.

Matapos ang dalawang oras ay nakapagluto na ako ng grilled squid na may lamang ensalada. Roasted chicken at chow fan rice. Tapos nag gawa din ako ng melon shake na may nata de coco at mango jelly. And perfect, mamaya na lang siguro kami kakain, maaga pa naman.

Kaya nagbihis na din ako ng two piece swimsuit na white ang black with lacy details. Nagtapis lang ako ng towel, pababa na ako ng hagdan ng madapa ako, kaya pumikit na lang ako at inintay ang pagbagsak ko sa buhangin.

Pero nagulat ako ng maramdaman kong hindi ako sa buhangin nahulog kundi sa isang tao. Pag angat ng mukha ko ay nakita ko si....

"Kuya Azusa?!" Gulat na tanong ko, samantalang ito naman ay namumula na ang mukha. Mabilis naman akong tumayo ng makita ang posisyon namin. "Ahm, anong ginagawa mo dito? Mag isa ka lang?"

"Ano actually, dumaan lang ako dito para tingnan ka. Sinabi kasi sa akin ni Kuya Masaomi na andito kayo sa private resort nina Yunan, eh malapit lang yung pupuntahan ko dito" mabilis na sagot nito.

"Ganun ba? Gusto mo munang kumain?" Yakag ko sa kanya. Kumuha na din muna ako ng robe para isuot, naiilang na din kasi ako.

"Wag na, nakakahi---"

"Yow Azusa" napatingin naman kami sa bagong dating na si Ayato na naka shorts lang.

"Ayato" sabi naman nito.

"Dito kana kumain, nagluto si Chi ng masasarap at alam kong gusto mo ding matikman yun" pang aasar pa ni Ayato sa pinsan.

"Dumaan lang ako dito para tingnan si Chi"

"Kuya Azusa nice to see you here, sumabay kana sa pagkain namin" sabi pa ni Yunan na kakalabas lang din.

"Pero---"

"Oh sakto, kainan na" sigaw naman ni Cupid na naglalakad na palapit sa amin kasama yung lima.

"Tara na Kuya, ako nagluto" sabi ko at niyakap ko ang braso nito na nagpapula ng mukha nito.

"S-sige"pag payag na din nito.

Buong oras ng pagkain namin ay puro kwentuhan at tawanan lang kami, napansin ko din ang cheerful at active side ni Kuya Azusa.

Nang matapos kaming kumain ay nagpatunaw muna kami bago nagpuntahan sa dagat. Kami naman ni Kuya ay pumunta sa kotse nito, inihatid ko lang ito.

"Salamat sa pagsama sa amin Kuya" sabi ko dito.

"Ako dapat ang magpasalamat, ngayon lang uli ako nag enjoy. Ang sarap din ng luto mo" ngumiti naman ako, hinalkan ko naman ito sa pisngi na ikinagulat nito.

"Thank you Kuya, ingat ka sa byahe" sabi ko.

"Okay thanks" binuksan na nito ang kotse pero bumaling uli ito sa akin at mabilis na hinalkan ako sa labi. "See you tomorrow Chi" at umalis na ito. Napahawak na lang ako sa labi ko.

"HOY PSYCHE TARA NG MAGLANGOY!!! IKAW ANG MERMAID PRINCESS NAMIN AH" sigaw ni Rin na nasa dagat na.

"OO, PUPUNTA NA"sagot ko at nagtatakbo na papunta sa dagat.

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

October 14, 20--

Its nice to have male friends, parang nagkaroon ako ng batch two ng mga kapatid. Ang sarap maglangoy sa dagat, sana maulit uli.

Unexpected ko si Kuya Azusa, tsaka ung smack nya sa akin. Well kinilig ako ng konti, at nakilala ko ang other side nya.

To be continued...

My Brother's ConflictWhere stories live. Discover now