Nagsisigaw naman si kotaro nang makalabas na si sakuragi, nakita naman agad ni lee ang kanyang amo na tila pagod na pagod kaya agad niya itong pinag buksan nang pintuan.

"Dumeretso na po tayo sa ospital, gusto ko makita ang lolo ko." May himig na kalungkutan saad ni sakuragi nang sabihin nito iyon..

"Sige ho, magpahinga na lang po muna kayo." Ani lee, pumikit lamang si sakuragi at hindi na nag salita pa.

Inistart naman ni lee ang engine at pinausad na ang sasakyan, medyo malayo ang ospital sa pinag dalhan kay kotaro. Gubat kasi ang bodegang pinag dalhan nila sa mga ito at masukal din ang dinadaanan.


Ilang minutong rin ang nakalipas nang makarating sila sa harapan ng ospital, agad nang bumaba si sakuragi at dere-deretsong tumungo sa kwarto kung saan nag papahinga ang lolo.

Naabutan niya ang mayordoma at ang ilang nagbabantay sa loob na inaasikaso si don fermin.. napatingin ang lahat kay sakuragi bago yumukod.


"Kamusta ang lolo?" Tanong ni sakuragi bago lumapit sa higaan at hinawakan nito ang kamay ni don fermin


"Ang sabi ng doctor kanina, stable na ang kalagayan ni señor mabuti nalang ho at may nag donate ng dugo kanina, naubusan na raw ho.." tumango si sakuragi, mapait siyang napangiti nang makitang ayos naman ang lolo niya.


"Salamat po, Pwede na po kayong umuwi. Mamaya nalang po kayo bumalik, dalhan niyo nalang po ako nang damit at makakain."tumango ang mayordoma sa sinabi ni sakuragi bago tinignan ang tatlong katulong. Sumunod ang mga ito nang lumabas ang mayordoma.


Ilang minuto, may kumatok sa pintuan bumukas iyon at iniluwa non si hajime, sokomo, jun at sachi..


"Sakuragi?" Napatingin si sakuragi sa mga ito nang walang emosyon.

"Nabalitaan namin ang nangyari kay sir fermin, kamusta siya?" Tanong ni sachi na medyo nahihiya pa

Tumango si sakuragi bago muling tinignan ang kanyang lolo.

"Stable na raw si lolo, kailangan lang nang pahinga para mabawi ang buong lakas niya." Sagot ni sakuragi sa mga ito.


Napatango si sachi at napatingin sa tatlong lalaki na nag tutulakan kaya sinamaan niya ito nang tingin


"A-ahm. Sakuragi, s-sorry nga pala sa mga nasabi namin sayo." Ani hajime kay sakuragi


Hindi sumagot si sakuragi sa sinabi nito kaya napapahiyang yumuko si hajime.

"Gusto sana naming bumawi sa mga nagawa naming kasalanan sayo, kung pwede lang sana.. Pwede mo ba kaming payagan na magtrabaho sa mansyon niyo?" Ani sokomo sa mababang boses, nagbabakasakaling  pumayag si sakuragi


"Sige. Pumunta nalang kayo bukas sa bahay, si lee na ang kausapin niyo sa bagay na iyan." Ani sakuragi na ikinatuwa nang apat. Napalakas pa ang pag sabi nang mga ito ng "YES"


"Salamat sakuragi, sorry talaga sa nagawa ko. Sobrang nainggit lang talaga ako sayo kaya ko nagawa iyon. Sorry talaga." Ani jun, tumingin si sakuragi sakanya nang seryoso


"Hindi sakin big deal iyong mga sinabi niyo, dahil una sa lahat kilala ko ang sarili ko. Hindi ako agad nag papaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao sa pagkatao ko. Kaya wag kanang humingi nang tawad sakin kasi wala lang iyon sakin. Madami ang problema ko kung idadagdag ko pa yan." Ani sakuragi kay jun na ikinakamot nito sa batok. Medyo nakaramdam ito nang tuwa dahil hindi niya akalain na mabuti pala itong si sakuragi.


"S-salamat." Kanda utal ni jun dito. Ngumiti lang si sakuragi nang tipid bago muling binaling ang tingin sa lolo.

Maya maya pa'y bumukas ang pintuan at iniluwa non si lee na may seryosong expression, napatingin pa ito sa apat na nandoon na yumukod pa kay lee.

"Sir, may kailangan po kayong malaman?" Ani lee kay sakuragi, tumingin naman si sakuragi kay lee bago tumango.

"Si miss aki po, nagbabalak umalis patungong ibang bansa. Matapos kasi nitong malaman ang katotohanan ay nahirapan na siyang harapin ka. Si sir rukawa mismo ang nagsabi sakin ng tumawag siya kanina." Ani lee, natulalang napatingin si sakuragi sa kung saan bago tumango.


"Hayaan niyo nalang muna siya, kung iyon ang makakabuti para sakanya sundin niyo nalang. Ayoko rin namang madamay pa siya at ang magiging anak namin dahil sa problemang meron ngayon, subaybayan niyo nalang.." ani sakuragi sa pagod na tono ng boses. Tila wala na itong lakas para makipag talo pa sa nobya niya, sa dami niyang iniisip ngayon gusto niyang gawin muna ang iniatang na kompanya na naiwan ng lolo niya ngayon.


Pag dumating ang panahon na okay na at tapos na ang kinakaharap nilang problema, babawi siya sa anak niya at pakakasalan niya ang nobya niya.


"Naiintindihan ko sir, kami na ho ang bahala kay miss aki." Tumango si sakuragi nang hindi nag sasalita bago yumukod si lee at lumabas na nang kwarto.


Meanwhile

Pinipigilan naman ni rukawa si aki sa ginagawa nitong pag iimpake, nasabi niya na kay lee ang naging desisyon ni aki kaya hinihintay niya na lamang si sakuragi na pigilan ito. Subalit magkakalahating oras na pero walang sakuragi'ng sumulpot.


"Kuya, wag mo na along pigilan...makakabuting umalis na muna ako, di ko naman pababayaan ang baby namin e. Babalik ako sa oras na okay na ako, kasama ko naman si mommy e." Ani aki kay rukawa


"Pero paano si sakuragi?" Tanong ni rukawa


"Sabihin mo nalang sakanya na para narin sakanyang itong ginagawa ko. Sa daming nangyari samin ngayon, Ayoko nang dumagdag pa sa problema niya. Kaya ko naman ito e, kakayanin ko para sa anak namin." Sagot ni aki, napahilamos palad nalang si rukawa sa kanyang mukha bago nailing.


"Hay naku! Imbes na pag usapan niyo ito, tinatakbuhan niyong dalawa ang problema." Frustrated na ani rukawa kay aki


"Immature ako kuya at gusto kung mag grow na ako lang mag isa. By this time, baka ganon din ang iniisip ni sakuragi kaya okay na rin ito sakin. Malayo sa problema." Ani aki sa kuya Niya


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon