Napatango-tango si Tito. "Kaya pala. S'ya nga pala Tyra, ready ka na ba sa photo shoot ninyo ni Miss Reina?"

"Miss Reina?" Or should I say, Hanna. "Opo Tito, nagtingin-tingin na po ako sa internet ng mga p'wedeng pose na gagayahin ko. Sana nga po manalo ako." Pilit akong ngumiti, ngumiti din naman si Tito.

"Kapag nanalo ka, double win sa akin 'yon. Nanalo ka na, may pera ka pa na pang-operasyon ng kakambal mo at mapo-promote pa ang Farm natin, hindi nga lang pala double win e triple pa. Galingan mo anak ha."

Anak? Sino nga kaya 'yong anak ni Tito Drammy sa Miss Reina na 'yon?

"Akyat na po ako."

Malapit na ako sa pintuan ng kuwarto namin ng bigla kong maalala 'yong nagtext kay Tito.

H? Hindi kaya Hanna 'yon?

Muntik ko na mabitawan ang pitsel na may tubig na dala ko.

Siguro may alam si Miss Reina, kailangan ko siyang kaibiganin. Mukhang balak niya naman akong paikutin kaya gano'n din ang gagawin ko sa kanya.

"Ang tagal mo naman Sissy, malapit ko na maubos 'tong isa oh, pahinge nga ng tubig."

Inabutan ko siya ng tubig at iniabot niya rin sa akin ang tira niyang chips.

"Hindi ba sinundan mo si Tito kahapon, what happened nga pala? Pagdating mo dito kahapon wala kang dalang ice cream tapos ilang oras ka lang tulala at hindi makausap. Akala ko nga nahawa ka na sa sakit ko e."

"Kapag sinabi ko sa 'yo siguraduhin mong pipigilan mo ang bibig mo, hobby mo pa naman yung kuwento ng kuwento kahit kanino."

"Promise, hindi ko ikukuwento kahit na kanino." Tinaas niya pa ang kamay niya.

"Okay. Sinundan ko siya tapos pumunta siya sa isang restaurant, may hinintay niyang babae tapos nalaman ko na may iba pa palang anak si Tito bukod kay Clarry."

"What?" Nanlaki ang mga mata niya, "Sino? Girl or Boy?"

"Hindi ko alam. Basta na-late 'yong babae tapos nainis si Tito, ang sagot nung babae e "hinatid ko pa ang anak mo!" siguro nung Sundalo pa siya nun, nung wala pa si Tita Alpa sa buhay niya."

"What if ngayon lang 'yon? Omg! What's your plan nga pala? Malapit na ang birthday ni Clarry, that's the perfect time."

"Yun nga din ang naisip ko. Trust me, malapit na 'to matapos, matatahimik na din ang buhay natin."

"I trust you Sissy, with all my weak heart." Natatawang niyang sambit, napahawak siya sa dibdib at tila naghahabol ng hininga.

"Stop joking Gwy!" Inabutan ko siya agad ng tubig.

"I love you Tyra, kahit palagi kitang inaaway." Niyakap niya ako, this is the best word that I heard from my twin sister, ramdam ko 'yong sinseridad sa boses niya.

"I love you sis, alam mo naman 'yon."

Mag-aalas otso na, nakaupo pa rin kami ni Gwy sa sahig. Magkatabi kami habang nagbabasa ng mga libro ni Mama. Plano kong dalhin lahat ng gamit ni Mama doon sa bago naming lilipatan, lalong-lalo na 'tong mga libro niya.

"Gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya." Napatingin ako kay Gwy, "Gusto kong magkaroon ng anak at maikasal bago manlang ako mawala."

"Hindi ka mawawala Gwy."

"Hindi ka sure, hindi tayo sure. Sissy, ayaw kong matulad kay Mama, nawala siya na hindi pa sila nagpapakasal ni Papa, nawala siya na hindi manlang tayo nakita. Ayokong umabot sa gano'n."

Humilig siya sa balikat ko, ramdam kong malungkot siya dahil sa lalim ng buntong hininga niya.

"Gusto kong pakasalan si Ely, siya ang gusto kong maging asawa."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now