POVLS I: Heart Speaks Louder Than Voice

95 5 0
                                    

Imaginers Note:

Fudge !! Nakailang delete na ako nung nauna kong pinublish pang ilan na din ito. Naiiyak na talaga ako. Sorry readers :( [KUNG MAY READERS MAN AKO] Dibale ulitin ko na lang.

❧❧❧❧❧❧❧❧❧❧

POVLS I: Heart Speaks Louder Than Voice

*Sigh! First Day of classes sa first school ko dito sa Baguio. Kalilipat lang kasi namin ng bahay eh. Dito na kasi mag ta-trabaho si Mama. Sabi nila mama dapat maaga daw ako kasi matumal jeep dito sa amin. Kaya andito na ako. Kanina pa nga eh pero punuan talaga mga jeep. Kaya dito ako ngayon kausap sarili ko.

First day of claaaaaassses. As usual sasabihin nanaman ng mga teacher bring out one fourth sheet of your pad paper and write your name, age, from what school, province, city address and your expectations with your contribution in this class. Or kaya naman go infront and introduce your self. Makapag practice nga (>___<)

Hello ! My name is Ayira Quinto. I'm from Zambales. Age 16 and I hope we will help each other to adjust :D/

Hahahaha ang pangit. Bahala na si Daniel Padilla este si Batman mamaya! Pero sana nga walang bumully sa akin.

Tagal talaga ng jeep oo. Hanggang ngayon wala parin. Kanina pa nakatalikod sa akin tong lalaking ito. Ay !! Mali !! Kanina pa pala kami dito ng nakatalikod na lalaki na ito. In fairness gwapo sya sa back view ah. Kuya harap ka dito tapos tabi ka sa akin.

Biglang lumingon sa akin yung lalaki tapos nag lakad.

Tapos..

Taposs..

Taposs..

Pumunta siya sa tabi ko at tinitignan yung relo niyang asa right hand niya.

Hal'la teka! Narinig niya ba ako?

(Vince's POV)

Lang taon bang ganto? Wala talagang jeep oh!! Kanina pa kami dito ng babae sa likod ko. Ngayon ko lang siya nakita dito eh. Kalilipat lang ba nila or naka school service lang siya dati at ngayon lang magcocomute? Bat ba kasi ako dito pumuwesto sa harap niya? Eh balak ko naman talaga dapat na sa tabi niya eh kaso di ko namamalayan na habang nakatitig akong naglalakad sa kanya nalampasan ko na pala siya. Alangan namang bumalik ako para tabihan siya eh baka kung anong isipin at layuan pa ako.

Haaa!! Basta !

Linigon ko siya at lumakad papunta sa tabi niya. P*ta kinakabahan ako di ko alam gagawin ko. Kaya sa nerbyos ko di ko alam gagawin. Tinitignan ko na lang ng paulit ulit yung relo ko.

Ayira's POv: Ano kayang pangalan niya? Kausapin ko kaya? Parang mabait naman eh.

Vince's POV: Inayos ko yung ID ko na nakaharap yung picture ko. Miss tignan mo tas add mo ako sa facebook.

Ayira's POV: Yun !! Sa ID !! Tama !! Di ko makita kuya. Lapit ka kaya.

Vince's POV: Di niya ata makita. Lapit na lang ako Pero pano? Ah hulog ko na lang itong panyo ko.

Ayira's POV: Oh !! Kala ko ba matatandang babae na lang ang gumagawa ng hulog panyo effect. Haha. Old school peg ni Kuya but it's cute.

Vince's POV: Nandidiri ako sa ginagawa ko baka isipin pa ni Miss ang old school old school ko masyado. Basahin mo nman na kasi tong ID ko ah. Vince Sorriano pangalan ko. 14 years old. Gwapo !! Todo smile sa id picture.

Ayira's POV: Ano ba yan kuya ! Kulang naman kasi pag usog mo. Oh !!! Ano ba yan may jeep naman na. Di ko pa nalalaman name mo. Dito ka din ba sasakay? Dito naman na please ah. Maluwag luwag pa nman ata eh.

POV love storyWhere stories live. Discover now