"What do you mean 'parang 'yung atin?'" Napaiwas ako ng tingin dahil seryosong seryoso naman s'yang nakatitig sa akin. Hindi niya pa ba gets kung anong pinupunto ko?

"A-Ano... kontrata lang 'yung kasal," sagot ko, medyo nakaramdam ng kaonting lungkot? Hindi ko rin alam kung bakit. "Kaya pala..."

"Kaya pala?"

"Kaya pala... nagawa n'yang lokohin 'yung asawa niya." Kumunot ulit ang noo niya.

"What do you mean by that?" Seryosong seryoso pa rin siya.

"Ah, a-ano... Wala." Tumungo nalang ako at hindi na nagpatuloy pa sa pagsasalita. Baka mapahamak pa ako sa kadaldalan kong 'to at baka mamaya ay makarating pa kay Theron. Baka sabihin pa no'n na ang daldal ko at pinagkakalat pa iyong nakita ko. Mas okay na siguro na hindi ako makielam? Buhay niya naman iyon.

"Malia..." tinawag niya na ako sa pangalan ko.

Ayoko s'yang tingnan dahil alam kong malapit ng maubos ang pasensya niya sa akin. Kaso mukhang wala naman na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya ang nakita ko. Bahala na kung maniwala siya sa akin o hindi.

Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang magsalita. "Isang beses kasi, nakita ko si Theron... at si Beatrice sa iisang kwarto... Nagse... sex sila." Pagkukwento ko pero mukhang hindi naman siya nagulat doon.

"I knew he was cheating on his wife, but I didn't expect that it was Beatrice." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Alam mo na pala na niloloko niya ang asawa niya pero hinahayaan mo lang?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"His wife also knows that Theron is cheating on her."

"She knew? And she's okay with that?"

"I told you, it was just an arrange marriage. And I won't be surprised if his wife is also cheating on him." Natahimik na ako pagkatapos niyon.

Ganito ba talaga sila? Normal lang ba sa kanila na magloko? Na lokohin nila ang asawa nila kahit... hindi nila 'to mahal? Pero nanumpa pa rin sila kahit sabihin nating arranged marriage lang sila.

Napaisip naman ako... at napatingin ulit kay Nikolaus pero wala na sa akin ang paningin niya. Naisip ko lang... paano kung niloloko niya rin ako? Paano kung may ibang babae rin siya katulad ni Theron? Kasi hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa. At itong kasal na 'to, valid lang ng six months.

Pero ako, hindi ko magagawang magloko sa kanya kahit naka kontrata lang ang pagpapakasal namin ni Nikolaus. Para sa akin, maling mali iyon. Kung sa akin nangyari 'yun, hindi ko siguro mapapatawad ang taong magloloko sa akin.

Nagpaalam ako kay Nikolaus na magre-restroom lang ako saglit pero pagkabalik ko sa table namin ay wala siya. Nagpalinga linga pa ako, hinahanap siya. Saan naman kaya 'yun pumunta at hindi man lang nagsabi sa akin? Umupo nalang ulit ako at hihintayin ko nalang siya na bumalik. Baka nagrestroom lang din 'yun o 'di kaya ay may kinausap lang saglit.

"Mrs. Cassano, you're alone!" Biglang dumating si Islwynn, may hawak pang wine glass. Nagkita naman na kami kanina kasama si Nikolaus at nagkabatian na rin. Hindi ko inaasahan na lalapit s'yang muli sa akin at dito pa sa table namin. "Where's Mr. Cassano?" Tanong niya bago uminom ng wine. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Saan ba kasi pumunta 'yung lalaking 'yon?

"He just went to the toilet for a while, Mr. Islwynn Fierro." Sagot ko at natawa naman siya.

Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko? Mayroon ba?

"Islwynn nalang, Malia." Naiilang na tumango nalang ako lalo na nang tawagin niya ako sa pangalan ko. "Do you mind if I sit?" Sabi niya pa.

"Go ahead." Saad ko. Umupo naman agad siya sa tabi ko, hindi man lang nagdalawang isip na tumabi sa akin.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now