“Yeah... kind of po but what if may realizations po ako na hindi talaga dito belong yung puso ko?” dagdag ko pang tanong.

Alanganing natawa si Daddy. “You’re only confused, Darlene. Parte naman iyan ng teenage life. Eventually mare-realize mo rin na gusto mo pa rin maging doctor.”

“Your father is right. Nalito rin ang Kuya Caleb mo noon pero tingnan mo naman kung nasaan siya ngayon,” she smiled. “You’re going to be a doctor, anak.”

I tried to fake a smile. “I hope so.”

My eyes were fixed on the digital fanart I created last month. I made it out of boredom. Masyado lang akong nahumaling sa pinapanood ko kaya naisipan kong gawan ng fanart. Sa isip isip ko noon, hobby ko lang naman ito na ginagawa ko sa tuwing bored ako.

But come to think of it, kahit out of boredom man lahat ito, masaya pa rin ako na ginagawa ko iyon. Sa tuwing tinitingnan ko ang lahat ng fanart na ginawa ko, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha dahil kaya ko palang gumawa ng gano’n.

It was then that I realized my profound love for arts.

Binuksan ko naman yung application na ginagamit ko sa tuwing gumagawa ako ng digital art. Bumuntong hininga ako at nagsimula ulit na mag-drawing. Ilang oras pa ang lumipas nang ma-realize ko kung anong ginagawa ko.

Nagulat naman ako dahil ngayon ko lang napansin ang ginawa ko. Medyo magulo pa ang drawing ko, but I could clearly see that I had sketched Simon without thinking.

I closed the application without saving my drawing. Napapikit na lang ako sa dami ng tumatakbo sa isip ko ngayon. Grade 11 pa lang naman ako at may isang taon pa ako para magdesisyon sa kung ano talagang gusto kong gawin sa buhay.

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga ko nang may kumatok sa kwarto.

“Sino iyan?” pasigaw kong tanong.

“Ma’am Darlene, nasa baba po si Sir Caleb. Hinahanap niya po kayo,” sagot ni Manang Ethel mula sa labas.

Agad akong tumayo para salubungin si Kuya Caleb. Hindi pa ako nakakababa pero nakita ko na agad ang malaki niyang ngiti habang hinihintay ako. I almost jumped just to hug him!

“Buti naman umuwi ka,” nangingiti kong sinabi.

Kuya Caleb pinched my nose. “Ang sabihin mo miss na miss mo lang talaga ako. Daig mo pa girlfriend ko sa pagiging clingy mo.”

Inis ko namang sinapak si Kuya Caleb sa braso. Ngayon ko lang din napansin ang pagod sa itsura niya. Medyo nangingitim na ang ilalim ng mata, halatang hindi pa nakakatulog tapos medyo bumagsak din ang katawan.

“Anong miss? Wala kasi akong taga-bitbit kapag nag-shopping ako,” I said defensively.

“Sus akala mo talaga ikakababa ng pride niya kapag inamin niyang miss niya rin ako,” sinundot pa niya yung braso ko kaya ngumuso ako.

“Fine,” I rolled my eyes. “Namiss din kita kaya samahan mo ako kumain ng ramen.”

Pinagmasdan ko naman si Kuya na mag-unat ng braso habang naglalakad para makaupo sa sofa. Nandoon si Mommy at Daddy na parehas na may binabasa kaya tinabihan ko na lang din si Kuya.

Nag-angat naman ng tingin si Mommy at Daddy sa aming dalawa bago nila binaba yung kung ano mang binabasa nila. Wala na rin namang bago doon dahil kahit doctor na sila parang hindi pa rin sila tumitigil sa pag-aaral.

“Wala kang pasok?” tanong ni Daddy.

Kuya nodded. “Sasamahan ko lang po si Darlene. Uuwi rin ako sa condo mamaya.”

“Darlene!” Mommy glared at me. “Bakit mo naman inistorbo itong Kuya mo? Kita mo namang busy na iyan at marami nang ginagawa.”

“Ayos lang po. Ako naman po yung nagyaya kay Darlene kaya wala po siyang kasalanan dito,” Kuya Caleb smiled at me.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon