01

13 0 0
                                    

Chapter 1

"Tatanga-tanga ka nanaman! Simpleng bagay na lang hindi mo pa magawa ng tama!" Singhal ni Inay. Narito ako sa likod ng bahay namin at naglalaba. Rinig mula rito ang singhal ni Inay na tiyak na kaharap si Ate Ana.

"Bakit ba ang hina ng kokote mo? Manang-mana ka sa tatay mo! Parehas kayong walang-kwenta!" rinig ko ang pagkalabog ng pinto.

Gusto kong pumasok para tingnan kung anong nangyayari pero kailangan kong tapusin ang labada ko dahil madami pa kong schoolworks na nakatambak.

Maya-maya lang ay nakita ko si ate na papalapit. Halata ang pag-iyak sa namumugto niyang mata.

"Hi!" Nakangiti siyang bumati sakin.

"Tulungan na kita? For sure madami ka pang kailangang gawin." Sabi nito at tinabihan ako.

"Okay ka lang 'te?" Dumb question, Isabel!

"Hmm..." Tumango ito sa'kin at ipinagpatuloy ang pagkukusot. There's a long silence between us until we finish the laundries.

"Go! Ako na magsasampay at magluluto para makapaggawa ka na ng mga gawain mo." Ngumiti ito sa'kin.

Ngumiti rin ako "Ate if need mo ng kausap ... nandito lang ako ha?". I know she need space. But I also know na she needs someone to lean on. She wants someone who will listen to her. And i'm always willing to listen because she's my sister, my bestfriend, and my karamay. 

Tinanguhan niya ako bago ipagpatuloy ang pagsasampay.

I completely understand why she doesn't want to talk about what she feels. Ayaw niya na sumama ang tingin ko sa mga magulang namin. Hiwalay na kasi sila. 

Si papa ay may sariling pamilya na. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay pagod na sa ugali ng nanay ko. I was 12 years old when they separated. Lagi silang nag-aaway dahil sa maliit na bagay. Lagi na lang mainit ang ulo ni Inay at hindi na rin siya pinapatulan pa ni Itay pero syempre, lahat naman ng tao ay may hangganan. Gusto ni Itay na sumama kami ni ate sa kan'ya pero naisip ko na kawawa naman si Inay kung walang kasama kaya't hinindian ko ito.

After 2 years ng paghihiwalay nila ay nakapag-asawa si tatay at may tatlong taong gulang na anak na. Now, I am 17 years old taking ABM strand sa Our Lady of Fatima University dito sa Santa Rosa, Laguna.

Thankfully, hindi kami kinakalimutan ni papa at binibigyan niya kami ng sustento ni ate patago dahil for sure, pag nalaman ni Inay kukuhanin niya ito at ipangbibisyo.

Simula ng maghiwalay sila ay nag-astang dalaga nanaman si nanay. Walwal dito, walwal doon.

Hindi ko naman siya masisi pero sobra na kasi. 'Di ko masabihan dahil pagsasalitaan nanaman ako ng kung ano-ano kagaya ng ginagawa niya kay ate.

Ate don't let me experience those verbal abuse kaya siya ang sumasalo. Kapag papagalitan ako ni Inay ay paaakyatin agad ako nito sa kwarto at sinasabing 'wag lalabas.

I'm not that naive to not realise na she's taking all the hurful words na binabato ni Inay. Hindi ako mangmang para hindi mantindihan ang nangyayari sa paligid ko.

21 years old na si ate at graduate na sana ngayon sa kursong Accountancy kung hindi lang siya tumigil para magtrabaho. Tinanggihan n'ya rin ang alok ni Itay at tinitiis na lang din ang ugali ni Inay. Hindi rin kasi sasapat ang binibigay ni Itay na sustento kaya naman nagtrabaho siya para may pangbayad sa gastusin sa bahay. 'Di ko na tinatanggap ang perang inaabot niya dahil tinitipid ko naman ang perang 'binibigay ni Itay at kumikita naman ako.

Nagpapart-time din ako sa karinderya ni Aling Cora na nasa kabilang kanto lang ng barangay namin. 3-8 PM ang oras ng trabaho ko sa karinderya tuwing sabado't linggo dahil mas maraming customer pag pahapon na dahil weekends habang  6-11 AM naman kapag weekdays. Hindi na rin ako humihingi ng day-off dahil sayang ang kita. Hapon ang pasok ko at MTWF lang  everyweek. Every Sunday ang payday ko kaya goods na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IsabelaWhere stories live. Discover now