Chapter 12

240 6 0
                                    

Chapter 12

"Is everyone out?" Nagtanong si Nikolaus, nakabaling sa foremen niya.

"Nakalabas na ang lahat, Nikolaus. They're all now safe." Si Briggs ang sumagot sa tanong nito.

"Then, blow it up now."

"Wait! Anong ibig mong sabihin?" Bumaling ako kay Nikolaus, nalilito.

"It's part of my plan to blow up the mansion once they get into my trap."

"Pero pasasabugin mo ang mansyon mo para lang sa kanila?"

"It's just a mansion that can be rebuilt. What matters to me is that they disappear forever. They are getting in my way too much." Kita ko ang pag-igting ng panga ni Nikolaus.

His anger is on another level.

Kung iyon ang desisyon niya, may magagawa pa ba ako?

"Kayo ng bahala rito. Let's go, Malia." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako paalis dito. Tsaka... dalawang beses niya akong tinawag sa pangalan ko ngayon, ah?

Nakakapanibago... pero ang sarap pakinggan.

Nauna kaming umalis ni Nikolaus pero kahit hindi pa kami ganoon na nakakalayo ng mansyon niya ay narinig pa rin namin ang malakas na pagsabog mula roon. Nakatingin pa ako sa labas ng bintana habang nakatanaw doon. I hope everyone is okay.

"Now, tell me what happened there." Nagsalita siya kaya napunta ang baling ko sa kanya. Umupo na rin ako ng ayos.

"Sinubukan nila ako lapitan lalo na iyong Adam... Nabaril ko siya, Nikolaus... Nabaril ko siya ng tatlong beses." Pagkukwento ko. "Nagalit naman 'yung dalawa sa ginawa ko kaya pinag-uulanan nila ako ng mga bala. Hindi ko alam kung paano pa makakatakas sa kanila kaya naisipan ko nalang na tumalon. Salamat pala... sa pagsalo sa 'kin."

"Your cheeks." Napatingin ako sa kanya. "Are your cheeks okay?" Hindi ko na nga binanggit sa kanya ang pagsampal ni Adam sa akin kanina pero napansin niya pa rin pala iyon.

"Huh?"

"Does it hurt?" Sumulyap pa siya sa akin saglit saka nagpatuloy sa pagdadrive. Umiwas naman ako ng tingin, medyo... biglang nailang?

"Uh, medyo lang." Sagot ko.

"Do you want me to take you to the hospital?" Ewan ko ba kung anong nangyayari pero lihim akong napangiti.

"Hindi na. Lalagyan ko nalang ng yelo mamaya." Napaisip naman ako bigla. "Teka, saan na tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"To another mansion," sagot niya naman na ikinaawang ng labi ko.

"Ano? May isa ka pang mansyon?" Hindi ako makapaniwala. Tumango naman siya.

"It's my main mansion. The one you're currently staying in serves as the training facility for my new recruit men."

"Pero bakit doon mo 'ko dinala? Hindi mo naman... ako tauhan." Umiwas ako ng tingin dahil baka sabihin niya pa-importante ako masyado porket asawa niya ako.

"I'm cautious about granting trust to those I've recently met, which is why I prefer to have them trained there. My main mansion has even tighter security, and not just anyone can enter." Napatango tango naman ako. Siguro gusto niya rin muna ako makilala at i-train kaya roon niya ako dinala. Kaya pala, hindi siya nagdalawang isip na pakasalanan ako kahit kakakilala niya lang sa akin nunh ipakilala ako sa kanya ni Manager.

"I didn't intend to bring you there for training. It just happened that there's a crisis, so I had to stay there for a while." Napatingin ako sa kanya... at hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman kong kakaiba na hindi ko maipaliwanag. Literal na nagpaliwanag pa siya dyan. "And unexpectedly, you want to learn how to use a gun, and I agreed to teach you because of your determination." Dagdag niya pa.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now