Tumango siya.

"Namiss ko rin kayo."

"Ah, si Eya nasa bahay siya."

"Hindi si Eya ang pinunta ko dito, ikaw."

Napalunok ako ulit. "A-Ako? B-Bakit?"

"Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo. Joe, ikaw na ang bahalang magsabi kay Aleng Adela, huwag kang mag-alala, ihahatid ko 'to mamaya. May pag-uusapan lang kaming importante."

"P'wede naman kayong mag-usap dito."

Tiningnan ko si Joepette. Ito namang lalakeng 'to, pagkakataon ko na 'to para makasama si Tyra kahit saglit tapos haharangin pa.

"Hindi lang kami basta mag-uusap." Napatingin naman ako kay Tyra, ano'ng ibig niyang sabihin? "May ipapakilala ako sa kanya." Sabi pa ni Tyra at kay Joepette naman ako napatingin.

"Ipapakilala mo na? Ngayon na talaga?" Tanong ni Joepette

"Oo, kailangan na. Ikaw na ang bahala Joe, si Eya ha."

"Oo, ako na ang bahala sa anak ninyo, mag-iingat kayo."

Nagpalit lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Ano'ng nangyayari? Ano'ng sinasabi ninyo? Sino'ng ipapakilala ninyo sa akin?"

"Sumama ka na lang sa akin." Sabi ni Tyra at iniabot sa akin ang isang helmet, "Isuot mo, mabilis akong magmaneho, ayaw ko namang mawalan ng Tatay ang anak ko." Hindi ko akam kung ano ang mararamdaman ko.

Napatingin kami pareho kay Joepette, tumatawa na naman kasi siya.

"Para kayong magkasintahan, hindi ba talaga kayo? Siguro tinatago lang ninyo sa akin 'no? Ayos lang naman sa akin 'yon, hindi naman na kayo bat–"

"Umuwi ka na Joe, bantayan mo ang anak namin. Kapag may kagat ng lamok 'yon kahit isa lang, ipapapatay kita!" Sabi ni Tyra

"Uy, easy lang Tyra. Pinagbabantaan mo ba ako?"

"Hindi, tinatakot kita. Sige na, tumakas lang ako sa amin, babalik din kami agad. Baka tumawag si Tito sa inyo, sabihin mo kasama mo ako, sabihin mo nagpunta ako sa Farm dahil inaatake na naman ako ng insomnia ko." Sabi ni Tyra at sumakay na sa motor, umagkas na rin ako.

Malayo na kami pero hindi pa rin umaalis si Joepette sa kinatatayuan niya, kita ko sa side mirror ng motor. Napalingon ako, wala na siya sa puwesto niya, naglalakad na pero hindi pabalik ng Farm kun'di papunta sa nakita kong barong-barong.

"Saan ba talaga tayo pupunta? At sino 'yong sinasabi ninyong ipapakilala ninyo sa akin?"

"Bibilisan ko para makilala mo na siya." Sagot niya at halos paliparin na ang motor, wala akong choice kun'di mapayakap sa bewang niya. 

"Nandito na tayo." Bumaba ako, kunot-noo akong tumingin sa nag-iisang bahay na malapit na sa kakahuyan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko pero sinenyasan niya ako na huwag na muna magsalita.

"Hello? Gwy, bakit?" Kausap niya pala ang kakambal niya. "May pinuntahan lang ako, hinahanap ba ako ni Tito? Babalik din ako agad, kapag hinanap niya ako ay sabihin mong nagpunta ako sa Farm. Oo na, magpahinga ka na d'yan." Inilagay niya ang cellphone niya sa bag niyang dala at tumingin sa akin.

"Tara na. May naghihintay sa iyo sa loob."

Kahit kinakabahan ako ay sumunod pa rin ako, hindi niya naman siguro ako ipapahamak.

"Nandito na po kami." Sabi niya pagtapat namin sa harap ng pinto. Humarap siya sa akin at ngumiti. "Ely.. Ang suwerte mo kasi makakasama mo pa siya." Sabi ni Tyra at tinapik ako sa balikat.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now