Author's POV

Habang inaaliw ni Freen ang anak ay may tatlong babaeng kanina pa siya tinitignan.

"Grabe tignan niyo oh ang gwapo niya" ani ng isang babae.

"Kaya nga eh nakakalaglag panty. Kaya lang may anak na" sambit naman ng isa pang babae.

"Ano ba kayo okay lang yan. Gwapo naman siya, saka tignan niyo naman yung katawan sobrang ganda" pagpupuri ng ikatlong babae.

"Tara lapitan natin tanungin natin yung name" sambit ng ikalawang babae.

"Sige!" sabay na sambit ng una at ikatlong babae. Agad naman silang nagtungo sa kinaroroonan ni Freen at ng anak niya.

"Hey handsome" bati nilang tatlo.

Napatigil naman si Freen sa pag aaliw niya sa anak ng batiin siya ng tatlong babae. Ibinaba niya ang anak mula sa balikat at kinarga ito sakanyang braso.

"Ah hello" bati naman ni Freen.

"Ang cute naman ng anak mo, kamukhang kamukha mo" pagpupuri ng unang babae

"Ah salamat" tugon naman ni Freen.

Sa di kalayuan ay may matang nagmamatyag sakanila at nakayukom na ang kamao nito dahil sa nasasaksihan niya.

"Would you mind if we join you and your son?" tanong ng ikalawang babae

"Ah kasi ano eh-" pinutol ng ikatlong babae ang sasabihin ni Freen.

"Ano ka ba okay lang naman samin na anjan ang anak mo, ang mahalaga anjan ka din" sambit nito

"Kasama ko kasi yung a-" naputol muli ang sasabihin ni Freen ng magsalita ang babaeng kanina pa sila pinagmamasdan sa malayo.

"Sorry pero kasama niya ang asawa niya" sambit nito.

"Ah babe anjan ka na pala. Ang tagal mo naman bumili ng fork and spoon" sambit ni Freenie kay Becky.

"Sobrang haba kasi ng pila sa grocery." tugon niya kay Freen at bumaling siya sa tatlong babae. "Pwede na kayong umalis kasi fyi lang naiistorbo niyo ang family date namin" agad namang umalis ang tatlong babae at halata ang pagkadismaya nang malamang kasama ni Freen ang asawang si Becky.

"At ikaw lalaki, bat ka nakikipag usap sa ibang babae? Dimo ba napansin itsura nang mga yun? Parang mga babaeng lumalabas lang sa gabi" panenermon ni Becky sa asawa.

"Kasalanan ko bang gwapo ako at cute ang Sky ko. Parehong lapitin ng chicks, hindi ba baby boy" pagyayabang ni Freen.

"Napakayabang mo talaga. Sa susunod kapag lalapitan ka pa lang sabihin mo na agad na may asawa ka. Siguro hinahayaan mo lang sila dahil gustong gusto mo?" sambit ni Becky.

"Nag asawa ka ng gwapo tapos magrereklamo ka kapag nilalapitan ng mga babae" pagyayabang nitong muli.

"Nako wag mo akong ginaganyan ganyan Freenie baka ikaw paglihian ko maging kamukha mo ulit" napalaki ang mata ni Freen sa sinabi ni Becky.

"What did you say?" takang tanong nito.

"Ang alin?" pagmamaangmaangan ni Becky.

"There. My baby is there right?" tanong nito habang tinuturo ang tiyan ni Becky.

"Oo na, nagpatingin ako kay doc last thursday kasi mahigit isang buwan na akong delayed and he confirmed it. I'm 1 month pregnant" pagpapaliwanag ni Becky

LOVE IN MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon