Chapter 11

227 5 0
                                    

Chapter 11

"Ganito ba?" Tanong ko kay Nikolaus.

Ito ang first time na humawak ako ng baril at hindi ko alam kung tama ba ang pagkakahawak ko. Nanibago pa nga ako nung una dahil mabigat pala ito at medyo nakakangalay.

"No. Put your finger on the trigger." I saw how he clenched his jaw. Sa sobrang lapit niya ay na distract ako at napatitig na lang sa kanya. Ngayon lamang ako nakalapit ng ganito kalapit sa mukha niya.

I can stop... admiring him.

Wait... anong nangyayari sa akin?

"Are you listening, woman?" Nagulat ako.

"H-Huh? O-Oo, nakikinig ako."

"Anong sabi ko?" Agad akong umiwas ng tingin nang ilipat niya ang tingin sa akin. Hindi naman ako nakasagot. "See? You're not listening. Stop looking at me and just focus on the gun you're holding." Medyo galit na siya.

"Sorry..." saad ko. "Gwapo mo kasi." Dagdag ko pa pero pabulong na lamang iyon.

Mabilis kong dinampot ang baril at sunod-sunod itong pinutok sa paper target na nasa harapan ko. Pagkatapos dito ay lumipat naman ako sa kabilang paper target at doon naman ng pagkawala ng mga bala sa baril na hawak ko.

Napangisi ako sa tuwa nang makitang puro sa gitna ang mga natatamaaan ko. Kahapon lang ako nag-umpisa pero masasabi kong medyo mahusay na ako sa paggamit nito. Nakakatuwa lang dahil iyong mga training na pinapagawa sa akin ni Nikolaus nung umpisa ay nagagamit ko ngayon.

Ramdam ko ang lakas ng katawan ko at ang mabilis kong pagkilos. Naging madali nalang para sa akin ang bumaril sa mga targets ko habang tumatakbo nang ipagawa ito sa akin ni Nikolaus. Lahat ng pinapatamaan niya ay natatamaan ko ng ayos.

"This is the last day of your training." Saad ni Nikolaus. Nalungkot naman ako. "This is where I can see how good you are and if you really learned anything from the entire training we did." Napakunot ang noo ko, medyo hindi siya ganoon na naiitindihan.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko, ready na.

Nang tumingin siya sa foremen niya, doon ko lang napagtanto na kumpleto silang anim na nandito. Anong ibig sabihin nito? Bakit lahat sila ay nandito? Anong nasa isip ni Nikolaus?

"They will stand there as your target." Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Anong ibig n'yang sabihin? "There will be an apple above their heads. One wrong move, then you might kill them." Halos mabitawan ko ang baril na hawak ko at agad kong naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko.

"S-Seryoso ka ba dito, Nikolaus?" Nanghihinang sabi ko dahil baka magbago pa ang isip niya. Baka nagbibiro lang siya.

"Let's see how good you are, woman." Saad niya at umupo kasabay ng pagkrus ng mga braso. Iniwan niya nalang ako mag-isa na nakatayo.

"Our lives depend on you, Miss Malia." Kumindat pa si Nero sa akin. Hindi ko alam kung pero mukhang natutuwa pa siya sa pinapagawa ni Nikolaus sa akin at sa kanila.

"We believe in you, Miss Malia," saad naman ni Faolan.

"No pressure, Malia. Just focus on your target." Sambit din ni Briggs.

"Huwag kang magpadala sa kaba at takot, Miss Malia," sabi rin ni Avel.

"Fighting." Sabat din ni Ryker at Faolan. Nag thumbs pa sila sa akin.

Lahat sila ay naniniwala at nagtitiwala sa akin. Ni hindi ko man lang silang nakikitaan ng takot at pangamba para sa mga sarili nila. Paano kung magkamali ako at tuluyan ko nga silang matamaan? Baka mamaya ay mapatay ko pa sila.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now