Chapter 1- First meet

8 0 0
                                    

Chapter 1

Maagang nagising si Conor sapagka't ayaw na ayaw niyang nalililate gusto niya palagi ay on-time. May aattend-an kasi siyang seminar at siya ang magiging speaker doon. Kaya bumangon na siya para maligo at gumayak na ng sa ganun ay makapunta na siya sa school kung saan gaganapin ang program.

Pagkatapos niyang maligo ay dumiretso siya sa kanyang walk and closet at inilapat ang daliri niya upang makuha ang kanyang finger print para bumukas ito. Napakalawak ng kanyang walk in closet dahil punong puno ito ng kanyang ibat ibang collection ng sapatos, relo, pabango at kung ano ano pang mga gamit.

Pagkapasok nya ay agad siyang dumiretso sa kanyang cabinet kung saan naka sampay ang kanyang mga mamahaling suit at longsleeve at nag simula nang magbihis.

Sa kabilang banda naman ay nananatiling tulog parin si Lititia Amara Fernandez at nakanganga pa ito matulog habang humihilik. Kahit pa tunog na ng tunog ang kanyang alarm clock sa tabing lamesa ng kanyang kama.

"Lititia aldaw wen! Bumangon ka na dyan at papasok ka pa! Ukinin*m ka nga ubeng! Magdamag ka nga selpon nga selpon! Aldaw! rabii! Selselpon laeng ti agagtupagim! Madi mo met laing mapanunot na ad-da ti sumrek mo ti aldaw! Nah! ti ukinamana nga ubeng Madi pay aggayak! Amara! gumising na at May pasok ka pa ukininam! Babyahe ka pa!" Tuloy tuloy na sigaw ng mama niya sa kanya mula sa kusina. Nagluluto ito ng umagahan. Habang ang mga kapatid ni Amara ay busy sa pag gayak dahil papasok din sila sa school.

Inis naman bumangon si Amara sa kama nya at padabog na pinatay ang alarm clock nya pagkatapos ay inis na kumakamot sa ulo siyang lumabas ng kwarto.

"Mama ano ba yan, ang aga-aga ang ingay ingay mo!" Inis na reklamo niya sa ina.

"Ukininam sinong hindi mag iingay late ka nanaman sa seminar nyo ang layo layo pa ng panggagalingan mo! Kaya walang laman yang utak mo kung hindi kalokohan dahil late ka na nga di ka pa nakikinig ng maayos!Tignan mo mga kapatid mo malapit lang yung school nila kaisa sayo pero nauna pa silang nakagayak! Allia! Zandie! Halina kayo kumain!" Tawag pa niya sa mga kapatid ni Amara na agad din naman sumagot at humarap na sa hapag kainan.

"Grabe ka naman ma! Anak mo din ako oh kung makapag salita ka e. At saka hindi ako mali-late wag kayong mag alala 9:30 pa yun." Mayabang na sabi ni Amara sa ina at kumain na rin. Tinignan naman sya nito ng masama.

"Mga salita mo! Anong oras na?! Mag aalas otso na! Ukininam ilang minuto na lang yung gayak mo! Tapos yung byahe mo kalahating oras ukininam ka! Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sigaw ng ina niya sa kanya at pinalo siya sa braso. Natatawa na lang siyang na padaing habang hinihimas ang braso nyang pinalo ng ina.

"Wag kang mag alala mama Pilipino time yung mga yun jusko baka nga pag dating ko don mag sisimulan palang." Panigurado niya sa ina.

Sa kabilang banda naman ay nakagayak na si Conor at sumakay naito sa elevator papuntang ground floor na kung saan ay kanyang garahe.

Pinindot niya ang susing hawak nya at tumunog ang kanyang paboritong sasakyan na itim na porsche 911 targa 4s. Marami siyang sasakyan mga 50 na ang bilang nito. Dahil bukod sa pagiging abogado at professor ay isa din syang car racer kasama ang mga kapatid nya. Ito ang naging hobby nila mag kapatid na lalaki kasama ang daddy nila simula nung teenager palang sila at nadala na niya ito hanggang sa tumanda na sya kaya ganun na lang ang pag kahilig niya sa sasakyan.

Habang nasa daan ay napag disisyonan niyang huminto muna sa isang coffee shop at bumili ng kape doon para may kakapihin sya hang nasa byahe. Hindi kasi siya nag aalmusal tanging kape lang ang gusto nya sa umaga.

Nung nakabili na siya ay agad din naman siyang lumabas ng May tumayag sa cellphone nya, ang kanyang ina kaya agad din naman niya itong sinagot.

"Hello mom." Bati niya dito.

Conor Thompson The First Born (Thompson series#2) Where stories live. Discover now