"Sorry din, pero next time maglakad nalang ha? Tsaka ka nalang tumakbo pag wala na si baby sa tiyan mo at magaling kana." Anas ni sakuragi sa nobya, tumango si aki at pagkaraa'y ngumiti dito at niyakap ng mahigpit.

At dahil asiwa nga si rukawa sa sweetness na nakikita niya sa dalawa tumayo ito mula sa sofa at naglakad patungo sa labas.

Tumawa naman si akira ng makita ang expression ng mukha nang panganay na anak.

"O siya, tama na yan! Aki anak, tulungan mo akong mag ahin ng makakain. Si Bethy nalang ang bahala sa mga pinadala ng nobyo mo." Saad ni akira sa anak, ngumiti si aki bago tumango sa ina.

Ang katulong namang si Bethy ay agad sinunod ang utos ni akira sakanya, samantalang si sakuragi naman ay lumabas na muna para mag pahangin. Nakita niya si rukawa sa may balkonahe na nakaupo kaya tinungo niya ito.

Tinignan naman siya ni rukawa bago sumeryoso ang mukha nito. Napansin ni sakuragi na mukhang may gusto itong malaman.

"Tss! Alam kong may itatanong ka, itanong mo na." Saad ni sakuragi sa kaibigan

"Hindi naman ganon kaimportante itong itatanong ko, nacurious lang ako kung paano mo ina'handle ang pag aaral at pagtatrabaho?" Hindi agad nakasagot si sakuragi sa tinanong nito, sumandal ito sa sementong upuan.

"Ah! Hindi ko rin alam eh, ang alam ko lang habang ginagawa ko ang mga iyon gusto kong mabigyan ng magandang buhay si aki at ang baby namin. Noong una hindi ko alam kung saan ko sisimulan, pero dahil nandyan si lolo para tulungan akong mag simula ulit, sinimulan ko na rin matutong masikap ng mag isa. Worth it naman kasi lahat ng mga nagagastos ko kay aki, sa sariling pag sisikap ko iyon." Ngiting saad ni sakuragi, tumango si rukawa ngunit tila may bumabagabag parin sakanya.

"Gaano ba kalaki ang sahod mo sa isang araw?" Tanong ni rukawa sa seryosong boses, napakunot ang noo ni sakuragi dahil sa tinanong ni rukawa. Hindi niya kasi mawari kung saan ba patungo ang usapan nila ni rukawa.

" Hm. 1000.." tipid na sagot ni sakuragi

"1000? Diba twing weekend ka lang naman nag tatrabaho?" Tanong muli ni rukawa kay sakuragi, tumango si sakuragi sa tinanong ni rukawa.

"Oo. Teka teka nga, para saan ba itong pagtatanong mo? Bat parang sobrang curious ka naman sa ginagawa ko? Pinag dududahan mo ba ang kakayahan ko?" Nakataas kilay na tanong ni sakuragi kay rukawa, hindi naman nakatanggap si rukawa ng sagot mula kay rukawa. Nakakunot ang noo nito habang madilim ang mukha, nakatingin ito sa kung saan, habang may malalim na iniisip.

"Kung ganon, hindi ka kaagad makakaipon ng ganong kalaking halaga sa loob lamang ng pitong buwan." Saad ni rukawa

"So, what's your point? Ano ba kasi talaga ang gusto mong malaman?" Nauubusang pasensyang tanong ni sakuragi kay rukawa

"Ikaw ba iyong araw araw na nag papadala ng iba't ibang pagkain, damit at ilang gamit dito sa bahay?" Deretsahang tanong ni rukawa

"HA?!" Gulat na tanong ni sakuragi at naupo sa harapan na upuan..  "anong pinagsasabi mong pagkain, gamit at damit?" Takang tanong ni sakuragi..

Magsasalita palang sana si rukawa para sumagot sa tanong ni sakuragi ng tawagin sila ni aki na nakatayo mula sa bukana ng pintuan.

"Kain na muna tayo, maya na kayo mag usap." Nakangiting pag aya ni aki sa dalawa, tumango si sakuragi bago tinignan si rukawa ng seryoso.

"Mag uusap tayong dalawa mamaya." Giit na saad ni sakuragi sa seryosong tono, napanguso si aki sa biglaang seryoso ng dalawa. Curious niyang tinignan ang dalawa baka sakaling sabihin sakanya kung ano ang pinag uusapan nila.

"Ahm. Ano iyong pinag uusapan niyo ni rukawa at mukhang ang seryoso niyong dalawa?" Taas kilay na tanong ni aki

Hinagkan naman ni sakuragi ng halik sa sentido si aki bago inilingan ito.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now