-01- : PARALUMAN🤍

Start from the beginning
                                    

Labis na nasasaktan si donya Emilia sa naririnig na pagtangis ng anak sa silid nito.

Laging naiisip ni Maria na kung bakit tila nakasalalay ang kaniyang kapalaran sa iba, tila ba nakatali ang kanilang mga pakpak at hindi maaaring lumipad ng malaya, magdesisyon para sa sarili, at tila ba isang malaking kasalanan ang magsalita para sa sarili.

**

Kinabukasan isang matangkad at matipunong mestiso ang naghihintay sa sala ng hacienda de Vera.

"Magandang umaga binibini." bati niya nang makababa na sa hagdan si Maria.

"Magandang umaga ginoong?"

"Sandrino, ako si Sandrino Valencia." tila nakaramdam ng kakaiba ang dalawa na mababakas sa kanilang mga hitsura habang sila'y nag-uusap.

Ang totoo niyan ay napilitan lamang rin si Sandrino dahil narin sa presyon mula sa kaniyang pamilya bilang ang susunod na tagapagmana ng mga Valencia.

**

"Kakaiba? paanong kakaiba?" wika ni Constanza, ang panganay ng mag asawang de Vera.

"Hindi ko alam, basta tila may kakaiba sa lalaking iyon." saad naman ni Maria.

"Ate bakit hindi mo ito sinusuot?" ani naman ni Zarina nang makita ang kuwintas na de susi. Agad naman itong kinuha ni Maria.

"Ang sabi ni ina ay hindi ko raw ito maaaring isuot ngunit ito raw ay aking pagmamay-ari."

**

"Maari bang itigil niyo na ang hidwaan niyo ama!?  Kami ni Maria ang naiipit rito, pakiuap." Saad ni Enrique sa ama na nagbabasa ng dyaryo, agad niya itong pinuntahan matapos mabasa ang liham ni Maria.

Ibinaba ng don ang babasahin at ang kapeng  iniinom saka tinignan ang anak. "Paumanhin Enrique ngunit hindi iyan mangyayari! Isang kaaway at karibal sa negosyo ang Gustavong iyon!" Saad ng don saka tumayo.

"Maghanda ka pagkat bukas na bukas rin ay iyong makikilala ang iyong mapapangasawa."

**

Kinabukasan habang naghihintay sa sala, isang maganda at maputing mestisa ang dumating sa Casa Montecastro.

"Magandang umaga, ikaw na marahil si ginoong Enrique na siyang hinahangaan ng lahat." ngiti ng dalaga dahilan upang lumabas ang magkabilang biloy nito.

"Magandang umaga rin binibining?"

"Ysabel, ako si Amare Ysabel Valencia."

"Ikinagagalak kitang makilala binibini." saad ni Enrique ngunit taliwas sa kaniyang itsura ang sinabi.

"Ginoo, nais kong ipabatid ang aking paghanga sa iyo, batid ko ring hindi naman tayo pareho ng nararamdaman ngunit pabor sa akin ang kasunduang ito. Nawa'y bigyan mo ako ng pagkakataon upang ipamalas sa iyo ang aking damdamin at sana'y matutunan mo rin akong..mahalin." saad pa ng dalaga ngunit isang tipid na ngiti lamang ang iginawad sakanya ng binata.

**

Nasa kalesa ang tatlong magkakapatid na de Vera nang kanilang madaanan ang San Juan de Letran kung saan nag-aaral at kumukuha ng kursong medisina si Enrique.

"E-enrique?" wika ni Maria na tila nakita ang binata sa unibersidad.

"Ate iyong nakita si ginoong Enrique?!" ngunit pagkalingon muli nila'y wala na siya roon.

"Baka iyong guni guni lamang iyon Maria. Aking kapatid, hayaan mo't maaayos rin ang lahat, nasisiguro ko iyon, hmm." pampalubag loob ni Constanza sa kapatid.

**

Ilang araw na lamang ay magaganap na ang engrandeng kasalan sa pagitan ng mga Valencia at de Vera. Samantala ay dumalaw si Sandrino sa hacienda de Vera.

PARALUMAN (A SHORT SERIES)Where stories live. Discover now