CHAPTER 3 - Miciela

43 12 3
                                    

I really tried my best to search his nickname pero hindi ko pwedeng sayangin yung mga chances ko para kausapin lahat 'to ng isa isa.



For godsake, hindi lang pala siya yung gumagamit nung nickname na iyon!



Really? How should I know if their hotdog is really delicious?



Gosh Miciela! Hindi dapat iyon ang pinoproblema mo! Kailangan mong mahanap ang stranger na iyon!



Hindi ko alam pero nanghihinayang talaga ako sa stranger na iyon. Also guilty rin dahil sinayang ko ang chance na sinayang niya sa akin. And I don't want that.



Ayokong magkaroon nang utang na loob sa iba.



Nang araw rin na iyon ay wala akong nagawa kundi ang pumasok na sa eskwelahan kahit hindi pa ako tapos sa ginagawang paghahanap. "Hoy, balita sa app? Ang ganda ano? May nakuha ka na bang papables?"



Habol ko pa ang hininga ko habang papasok sa room ay si Bianca na agad ang sumalubong sa akin. Kulang na lang ay itulak ko ang mukha niyang sunod nang sunod sa akin kung hindi lang ako hinihingal. Umupo na lang ako sa seat ko atsaka roon nagpahinga.



Sino ba naman kasi nag imbento ng fourth floor? Shuta talaga, para kaming hihikain lahat tuwing papasok dahil sa hingal.



Mabuti sana kung de elevator ang akyatan at babaan pero hindi. Mano mano talaga sa paglalakad sa hagdan na parang walang katapusan yung mga steps.



"Oh, water mo. Inom ka muna, mukha kang nakipag race sa hingal mo my gosh!"



I'm still wearing my backpack kaya halos halikan ko si Bianca nung inabot niya sa akin yung tubigan ko.



Uminom ako roon at nilingon ang babaitang nasa tabi ko na pinapanood ang bawat lagok ko. "What?"



Sumimangot ito. "Answer my questions kasi. Ano na ganap sa app? Legit bang free? Sanaol, gumastos kasi ako nang 1k for registration. Also may nahanap ka na bang yummers?"



"Isa isa lang kasi. And yes, legit 'yung raffle. Kagagawa ko nga lang ng account ko nung isang araw without wasting a cent. And nope, yung part na yummers wag na lang natin pagusapan."



"Why?" Tila napukaw ko ang atensyon nito dahil mas lumapit pa siya sa akin na para bang may ihahain akong tsismis na kakainin niya.



"Ganoon ba talaga sa app? Kung hindi naghahanap ng sugar mommy ay puro naman naghahanap ng ka-one night stand?"



"What? I have never experienced that. Nag try ka ba mag shuffle?"



Umiling ako kaya parang natauhan siya. "Siguro 'yung message requests ang inuna mo ano? Nagpost ka na ba agad ng pictures?"



"How did you know that?" Mangha kong tanong.



"And I guess, thirst trap?" Nang tumango ulit ako ay natawa ito. "Talagang ganun iyong makakausap mo dahil sadya talaga silang nagchat para kausapin ka. Next time, try shuffling para bigyan ka ng stranger and sinasabi ko sa'yo baka diyan mo na mahanap ang the one mo."



"Eww. I wasn't looking for 'the one' kaya ko ginagamit 'to." I qouted that word habang inaayos ang sarili. "I was hoping na makakahanap ako rito ng sugar daddy. Kailangan kong kumayod."



Finding Love Series #1: Accept me, Miss || MissRwritesWhere stories live. Discover now