"Confidential yata babe bat kailangang umalis ni yaya. O baka may binabalak ka sakin" pagkasabi ko ay agad akong nagtungo sa pinto at nilock ito then turn the blinds off. Hinila ko siya sa may couch at pinaupo sa kandungan ko

"May usapan tayo ha. Bukas pa yung surprise ko. Nagpunta ako dito kasi sasabihin ko sayo na wag ka nang pumasok bukas dahil may pupuntahan tayo. It's your birthday na on saturday kaya let's celebrate it. May nabook na akong resort hotel and bukas pupunta na tayo" napangiti ako sa sinabi niya.

"Wow naman mommy. Napakaeffort naman" sambit ko at hinalikan siya sa may leeg.

"Hay magtigil. Magbehave ka" saway niya sakin.

"Bakit? Ayaw mo ba magkaroon ng baby girl? Diba gusto mo ng babaeng anak? Edi bigyan na natin si Sky" saad ko. Agad siyang tumayo.

"Ano ka ba Freenie. Wala pa ngang isang buwan si Sky tapos gusto mo na agad ng 2nd baby. Aba hinay hinay naman. Hindi madaling magbuntis at umire no" aniya.

"Basta yung reward ko iclaclaim ko bukas" sambit ko.

"Nako di makapaghintay. Oo bukas" sagot niya

"Pero sinong mag aasikaso kay Sky kung wala tayo?" tanong ko

"Nagpresenta na sila Mommy at Daddy. Saka anjan naman ang nanny niya" sagot nito.

"Hmmm okay. Excited na ako babe" saad ko.

Next day

Becky's POV

It's friday at halatang excited na excited ang asawa ko. Dahil kagabi pa lang ay siya na ang nag empake ng mga damit ko. Pati si Sky ay dinala niya sa kwarto nila Mommy at Daddy.

"Babe tara na!" tawag niya sakin. Kasalukuyan akong nagbibilin para kay Sky.

"Oh yaya ha alagaan mong mabuti si Sky. Don't worry anjan naman sila mommy at daddy" saad ko sakanya.

"Babe halika na! Alis na tayo!" sigaw ni Freenie

"Ano ba saglit lang di pa ako tapos magbilin!" ganti kong sigaw.

"Sige na po maam. Ako na pong bahala kay Sky. Ingat po kayo sa biyahe" saad niya.

"Sige yaya salamat. Bye bye my Sky, don't be a cry baby huh" paalam ko sa anak ko. And lumabas na ng bahay, dahil excited much ang tatay ng anak ko.

"Bat ba napakaatat mo ha?" bungad kong tanong sakanya ng makasakay na ako.

"Syempre excited nako magclaim ng reward ko no" masaya niyang sabi.

"Halika na nga baka abutin pa tayo ng hapon" sambit ko sakanya.

Fastforward

Author's POV

Nakarating na sila Freen at Becky sa isang resort hotel na pinagbook-an ni Becky. Agad silang dumiretso sa kwarto. Pagpasok ay humiga si Becky para magpahinga ngunit bigla na lang pumaibabaw sakanya si Freen at inumpisahan na siyang halikan sa leeg.

"Daddy ano ba. Hindi pa claiming ng reward. Maghintay ka nga at sigurado akong mas magugustuhan mo ang surprise ko sayo" sambit ni Becky na nagpatigil kay Freen sa paghalik dito at tinignan ito sa mata ng may malaking ngiti.

"Talaga?" masayang tanong nito.

"Oo" sagot ni Becky. "Pahinga muna tayo. Napagod ako sa biyahe eh. Tapos mamayang dinner lalabas tayo" sambit ni Becky.

"Sige babe" saad ni Freen at humiga ito ng maayos. Maya maya lamang ay nakatulog na silang dalawa.

Makalipas ang ilang oras na tulog ay naunang nagising si Becky. Pagtinin niya sa wall clock ay 6:30 pm na.

"Hala napahaba ang tulog namin" agad niya niya namang ginising si Freen. "Hey babe gising na 6:30 pm na oh. 7 pm yung reservation ko sa restaurant na kakainan natin" aniya habang niyuyugyog si Freen.

"Hmm sige. Mauna ka nang maligo" sambit nito at nagtungo na si Becky sa banyo.

Habang naliligo si Becky ay nagulat na lamang ito ng biglang may kamay na lumalat sa likuran niya.

"Ay kabayo ka!" gulat niyang sabi "Babe bat andito ka?" tanong niya sa asawa na ngayon ay nasa shower na din at nakahubad.

"Sasabay na sayo. 30minutes na lang meron tayo" sambit ni Freen

"Sus paraparaan ka Freenie. Alam ko na yang mga galawan mo. Wag ako. Magtigil ka" saad naman ni Becky.

"Promise behave ako" ani ni Freen.

"Osige na sige. Basta wag kang loko loko jan. Kung hindi, hay hindi ko ibibigay yung surprise ko sayo" pananakot naman ni Becky kay Freen.

Pagkatapos nila maligo at magbihis ay lumabas na sila sa room at bumaba para magpunta sa resto. Nang malapit na sila sa resto ay biglang may nagpiring kay Freen.

"Uyy babe. Bat may paganto ka ha?" saad niya.

"Wag ka na lang magreklamo. This is my surprise" bulong ni Becky.

"Huh?" takang tanong ni Freen na animoy nadisappoint dahil hindi ito ang ineexpect niyang surprise ni Becky.

Pagtanggal ni Becky nang piring ni Freen ay nagulat ito.

"Surprise!" sigaw ng mga taong kilalang kilala niya.

"Bat kayo nandito?" tanong niya sa parents at friends niya. "Babe naman hindi ito yung surprise na gusto ko. Lalong lalo nang hindi ito ang reward na ineexpect ko" nakasimangot na saad ni Freen.

"Ito naman talaga ang reward ko sayo ah. Nag effort ako jan" sambit ni becky habang nangingiti.

"HAHAHAHAHAHAHA puro ka kalibugan pre!" sigaw ni Heng at nagtawanan silang lahat.

Wala nang nagawa si Freen kundi icelebrate ang pagsalubong sa birthday niya nang hindi nasosolo ang kanyang asawa.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now