Isang buntong hininga nalang ang aking nagawa bago muling bumangon sa kama upang uminom ng tubig sa kusina.

Habang naglalakad pababa ng hagdan, isang pigura ng lalaki ang agad na nahagip ng aking mga mata.

Wala akong matandaan na may darating akong bisita.

Dahan dahan akong naglakad palapit haggang sa maramdaman nito ang aking presensya at humarap sa akin. I just realized that it was Kiefer.

"W-what are you doing here couz?" Medjo utal na ani ko, nagpipigil na hindi makagawa ng hikbi sa harap niya dahil sa nangyari sa amin kanina nila mom at dad.

"I just want to ask you something. Tagal mong bumaba." He laughed." Ayokong umakyat sa taas para katukin ka kasi hanggang dito sa sala ay naririnig ko ang boses mo na kausap sila tito at tita. Why are you shouting while talking to your parents Gy?" Taas kilay na tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"W-wala yon, haha nagbibiruan kasi kami nila mama." Peke akong tumawa sa harap niya.

Napakunot siya ng noo.

"Do you think na maniniwala ako sayo? Really huh? Sila tita at tito makikipagbiruan sayo? Gysler naman, don't lie to yourself. Alam mo sa sarili mo na hindi nila yon magagawa sayo kasi simula una palang di'ba? Tell me, what happened?" Isang tulo ng luha ang agad na lumandas sa pisngi ko bago siya yakapin at isiksik ang mukha ko sa dibdib niya.

"They want me to stop, they want me to back out. Kief ayoko....ito na nga lang yung gusto ko e tapos hindi pa nila kayang suportahan." Hagulgol ko sa mga bisig niya. "Palagi nalang e, bakit ganon?" Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman sa dibdib ko.

Hagod hagod niya lang ang likod ko habang nakikinig sa mga hinanakit ko sa parents ko.

"Kuya Kief, ano bang wala ako na meron si Xerina at kuya Caine para suportahan sila nila mom at dad? Kief pano naman akong anak din nila di'ba? Gusto ko rin ng suporta galing sa kanila. Kief gusto ko rin..."

"Gusto ko rin, bakit kahit ayon lang di nila magawa? Di nila mabigay?" Isang hikbi nalang ang kumawala sa akin.

Unti unti na akong nahihimasmasan sa kakaiyak ko sa bisig ni Kiefer.

"Intindihin mo nalang sila Gy, hayaan mo baka sa susunod marealized na nila kung ano yung mali nila bilang isang magulang sayo na hindi ka kayang suportahan sa gusto mo. Don't worry, we're always here to support you. Basta't wag na wag mong isusuko yang gusto mo, iyang pangarap mo dahil iyan ang magdadala sayo sa tagumpay, just always trust yourself hmm." Pagkukumbinsi nito sa akin h'wag lang makabuo ng galit sa puso ko para sa pamilya ko.

Tumango ako habang nagpupunas ng luha.

"Tama ka, siguro nga. A-ayos na ako, ano pala iyong itatanong mo sa akin?" Takang tanong ko at napakunot pa ng isang kilay.

"Hindi ka namin iiwan, andito lang kami para sayo Gy. Hangga't hindi ka pa nila kayang suportahan sa gusto mo, always remember na andito lang kami, lalo na ako maliwanag?" He said, he also clear his throat. "Ahh I just want to ask you if you want to come with us, dadayo kasi kami ni Xavier ngayon don kita Ace para maglaro. Sama ka?" He said so I nod my head.

Hindi ko na kailangan magdalawang isip kung sasama ba ako o hindi dahil kahit na anong mangyayari ay hindi ko palalagpasin ang ganong dayo lalo na't kung bilyaran naman ang tungo namin.

"Wait me here, aakyat lang ako saglit para kumuha ng pera tsaka iyong selpon ko, nandon din." Ani ko na ikinatango naman niya.

Agad akong tumakbo pataas ng hagdan saka dumiretso ng kwarto ko. Kinuha ko kaagad ang natirang 1 thousand sa allowance ko last month at tinago ang bagong pinadala nila mama last week lang na nagkakahalagang 20k.

SNIPE: Queen Of BilliardWhere stories live. Discover now