Chapter 10

246 6 1
                                    

Chapter 10

"Do you understand that, Mr. Huang?"

Nang tumayo si Nikolaus, nakaharang lang ako sa kanya dahil baka kung ano pa ang gawin niya kay Mr. Huang. Baka mamaya, tuluyan niya na talaga ito.

"I-It won't happen again, Mr. Cassano. I'll promise you that." Nanginginig pa rin sa takot si Mr. Huang. I felt a little guilty to Mr. Huang. Pero hindi ko rin naman kasi masisi si Nikolaus.

"Halika na sa taas, Nikolaus," inaya ko na siya at hinila na sa braso. Pasasalamat ko na nagpahila na siya sa akin dahil kung hindi, ewan ko nalang kung ano ang mangyayari.

Dinala ko siya sa kwarto ko dahil alam kong magagalit siya kung sa kwarto niya kami didiretso. Tsaka mas malapit din kasi itong kwarto ko. Ang kwarto ko kasi ay nasa second floor lang: Ang kanya naman ay nasa third floor.

Pagkasara ko ng pinto ay binitawan ko na siya at matapang na hinarap siya. Wala na akong pakielam kung magalit siya sa akin basta malabas ko lang itong kanina ko pa gustong sabihin sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Nikolaus?" Paninimula ko, medyo mataas ang boses. Sumandal lang siya sa pader, magkakrus ang mga braso at parang walang pakielam sa saloobin ko. "Sa tingin mo ba tama 'to, ha?"

"It's a warning," sambit niya.

"Warning?"

"For what he did to you." Napasapo nalang ako sa ulo ko. Ganitong ganito ang ginawa niya sa mga tauhan niya na mga manyak kung makatingin sa akin. Actually, mas malala pa nga iyon, eh!

"Gano'n na naman ba kababaw 'yung dahilan mo para manakit ng tao?" Hindi siya sumagot. "Halos mapatay mo si Mr. Huang, Nikolaus!"

"Do you know what I hate the most?" Napakunot ang noo ko. He looked at me without even a little regret to what he did. "I hate when someone hurts my family. And this is the only way I can protect you."

Family...

I am part of his family?

"I have something for you. Pasalubong from Italy." My face reaction became calm. Hindi na rin ako nakasagot pa. "Kunin mo nalang kay Faolan. I'm going to rest." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

I felt guilt of my behavior. Hindi ko alam na ganoon pala kahalaga sa kanya ang pamilya. Kaya pala ganoon nalang kataas ang respeto niya sa mga magulang niya. At handa s'yang pumatay para sa akin... ano man ang rason o gaano man ito kababaw.

Hindi ako makatulog kaya naisipan kong pumunta sa kwarto niya. Gusto ko sana humingi ng sorry sa inasal ko kanina at magpasalamat na rin. Late ko ng na appreciate 'yung ginawa niya.

Napahinto ako sa pagkatok sa kwarto niya dahil naisip ko na baka natutulog na siya. Baka makaistorbo pa ako lalo na't madaling araw na. Paniguradong nagpapahinga na siya. Galing pa naman siya sa mahabang byahe.

Hindi ako makatulog kaya bumaba nalang ako sa kusina para ipagbake ng banana loaf bread si Nikolaus. Nangako ako sa kanya sa text na gagawan ko siya nito pagkabalik niya rito. Hindi ko lang inaasahan na mapapaaga ang uwi niya.

"Miss Malia? Bakit gising ka pa?" Pumasok si Faolan sa kusina, mukhang hindi rin makatulog katulad ko. "Tsaka ano 'yang ginagawa mo ng ganitong oras?" Sumilip pa siya sa hinahalo ko.

"Ipagbebake ko ng banana loaf bread si Nikolaus," sabi ko.

"Ah! 'Di ba kakabake mo lang n'yan nung isang araw?" Napakunot ang noo ko.

"Pa'no mo nalaman?"

"Nakita ko kasi na nagsend ka ng picture kay bossing. Magrereply sana siya pero bigla naman s'yang tinawag ng Dad niya." Pagpapaliwanag niya na ikinatango tango ko. Lihim pa akong napangiti sa nalaman ko.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon