Daylight

4.3K 377 130
                                    

“Azul, Azul na lang ang itawag mo sa akin. Anong pangalan mo?”

“Thaddeus.” Para bang nahihiya pang wika niya. Tinanguan ko lang siya. Madalas ko siyang nakikita sa school cafeteria na kumakain mag – isa. Noong isang araw naman, namataan ko siya sa school’s swimming pool. Nakaupo lang siya roon na tila ba malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya sa buhay. Lahat naman meron, sigurado akong nasa gitna siya ng kung anuman, kaya siguro hindi ko siya madalas nakikitang nakikipag – usap kung kanino o baka naman talagang mapag-isa lang siya.

“Ido… Ido na lang.” Tinanguan ko siya. Mula noon ay araw – araw ko na siyang sinasamahan. Tahimik lang naman siya hanggang sa isang gabing pauwi na ako, napansin kong bukas pa ang ilaw sa school gym kung nasaan malapit ang pool. Alam ko na agad nang naroon si Ido. Dinala ko sa kanya ng mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit. Naintindihan ko lang ang lahat ng makita ko si Ido sa gitna ng pool, nakalubog at hindi gumagalaw. I did what I needed to do. I jumped and saved him. He was angry of course – he was even crying. He kept on telling me that I shouldn’t have saved him.

“Bakit hindi mo ako hayaan?!” Hiyaw niya sa akin. “Gusto ko nang mawala!”

“Tang ina mo!” Sigaw ko sa kanya. “Tang ina ka! Kung anuman ang problema mo, hindi iyan ang sagot diyan! Iniisip mo ba ang pamilya mo? Kung may kapatid ka, hindi mo ba naisip na pwede siyang masaktan?”

Hindi siya nagsalita. Matagal lang siyang nakayuko habang tahimik na umiiyak. ‘

“Wala… wala na yata akong pamilya….” Mahinang wika niya at basag pa ang boses. Tinapik ko ang balikat niya at saka hinatak siya palapit sa akin.

“E di… e di ako na lang.” Napatitig siya sa akin. “Mula ngayon, ako na lang ang pamilya mo. Sumama ka sa akin, Ido. Hangga’t kasama mo ako, hinding – hindi ka magiging mag-isa. Ako na lang ang pamilya mo. Hindi mo kailangan gawin ito. Nandito ako. Pamilya tayo.” He sobbed harder. Nagulat ako nang yakapin ako ni Ido at saka siya umiyak na parang batang nawawala sa mall. Paulit – ulit kong tinatapik ang likod niya. Ido cried that night like a little kid and it took a long time before he calmed down.

“Azul, maraming salamat…”

Hindi niya kailangan magpasalamat sa akin dahil tulad niya wala rin akong pamilya. Wala akong matatakbuhan, tulad niya mag – isa lang din ako. Now we have each other, we’re not alone anymore.

“Gising ka na?” It was Leira’s voice that broke the daze that I was in. I looked at her and saw her eyes were still closed. It’s only three in the morning and I had that dream about Ido. Hindi ko alam kung bakit ko siya napaniginipan. Magkasama lang naman kami kagabi. Sinabi pa nga niyag maaga kaming aalis ngayong dalawa para pumunta sa Subic kasama si Narcing upang tingnan ang yateng binili niya para kay Gina. It was his gift for her retirement. That asshole uses every moment to give a present to his wife. Well, he is like that. Ido is such a spoiler. Sa lahat ng anak ko at mga pamangkin namin, ganoon siya.

“Sleep ka pa…” Tinapik – tapik ni Leira ang dibdib ko. I took her hand and kissed her knuckles and I tried to sleep again but I couldn’t anymore. I thought that I needed a drink, so I slowly got out of bed to go downstairs. Siniguro kong hindi nagising si Leira bago ako tuluyang lumabas ng silid. Nagdiretso ako sa kusina at nanguha ng isang bote ng beer. I was about to open it when I suddenly heard something on the living room. Kaagad kong kinuha ang baril ko sa ilalim ng sink at saka dahan – dahan akong lumabas ng kusina para pumunta sa living area.

It’s three in the morning, it could be anyone and the worst thing that I could think of is an amateur thief that entered my home. I saw someone, kaagad kong itinaas ang baril ko pero kung gaano kabilis kong ginawa ay ganoon ko rin kabilis na ibaba.

A Perfect DayWhere stories live. Discover now