Chapter 5

425 23 1
                                    

Weekend came at sinadya kong maaga magising. I promised Ryomen na magbi-bake ako for him kaya heto. Nandirito na ako sa kusina at inuumpisahan na ang mga gagawin ko. Nag grocery na kami kahapon ni Cole at nagpatulong ako sakaniya mamili ng mga ingredients. Pumayag naman siya agad dahil syempre, excited din siya sa pagdating ng bunso namin.

"I'm tired!" Reklamo ni Yesha nang pumasok siya ng kitchen.

Pawis na pawis ito habang may hawak hawak na mop. Sila kasi ni Cole ang nakatoka sa paglinis ng bahay. Daddy told them to clean the house dahil syempre may bisita, plus darating din si Lolo Ryu kasama sila Auntie Ritsumi na kakauwi lang din from States. Dad invited them to come dahil darating si Uncle Red. Sayang naman ang moment na maging kumpleto kami.

"Ate Col, I'll help you na lang kaya mag bake? This job is so tiring! I'm sweating!"

"Hoy Yesha! Bumalik ka rito na piste kang bata ka! Ano?! Ako na lang mag isa rito?!" Dinig kong sigaw ni Cole sa labas.

"Go ka na ron, Yesha. Magalit sa'yo 'yun."

"Argh! Why can't we just hire maids kase?!" Inis na sigaw niya at binitbit ang mop palabas.

Natawa na lamang ako dahil ang cute niya. Gustuhin man naming mag hire ng maids, ayaw naman ni Mommy. May trust issues daw kasi siya kay Daddy and she doesn't want na may ibang tao ang nandirito sa bahay. Super maloko naman kasi ni Daddy. Minsan hindi mo na alam kung seryoso pa ba siya or what.

Nang matapos akong magbake ng brownies ay sinunod ko na ang mga cupcakes. Mahilig si Ryomen sa sweets kaya talagang dadamihan ko ang pagbake. I'll bake a chocolate cake din later for him lang. 'Yung dessert naman for our family ay ginawa ko na kagabi pa. It's a blueberry cheesecake and strawberry cheesecake.

Inilagay ko na sa fridge ang mga natapos ko at inumpisahan ko na ang pag bake ng cake. I played  music while mixing some ingredients nang may kumalabit sa likuran ko. I looked back and my eyes widened when I saw Rion smiling at me.

"Rion!" I shouted and I hugged him right away. "I missed you! Welcome back!"

"Thank you, Ate. Missed you too." He answered back saka ako humiwalay sakaniya.

"Gwapo natin today ah? Nandiyan na sila Lolo at Auntie?"

"Yep! Nasa living room. Go there for a while and say hi. Bantayan ko 'to."

"Thank you!"

I ran going to the living room and I immediately saw Lolo Ryu habang pinupunasan siya ng towel ang likuran ni Cole. Si Auntie Ritsumi naman ay umiinom na agad ng wine.

"Hello po!" I shouted and I ran going to Lolo. Nagbless ako sakaniya saka nito hinalikan ang pisngi ko.

"Bakit puro harina ka? Ano ka espasol?" Tumatawa na tanong niya.

"Nagbe-bake po kasi ako, Lo. Hi, Auntie! Shot agad ah?"

I went to Auntie Ritsumi and she hugged me too. Pinunasan niya ang mukha kong may harina and she smiled at me.

"Alam mo naman. Broken every day ang tiyahin mong maganda."

"Tigil tigilan mo nga 'yan, Ritsumi." Sita ni Lolo sakaniya.

"Nasaan sila Aphro at Lucas, Auntie?" Tanong ko dahil hindi niya kasama ang dalawa ngayon dito.

"Nandoroon sa mga Lolo't Lola nila." She answered and drank the wine.

"Nasaan na ba ang tatay mo, Cole? Gago 'yun ah. Bakit pinapalampaso ka ng sahig?"

"Lo, toka toka nga kasi ng gawain 'di ba? Ikaw maglampaso oh. Tulungan mo 'ko."

Dangerous DesireWhere stories live. Discover now