Chapter 9

224 5 0
                                    

Chapter 9

"Be ready at 7 am. I'll pick you up."

Naalimpungatan ako ng alas kwarto ng madaling araw dahil itong si Briggs ay bigla akong ginising. Halos isang mata nga lang ang nakabukas sa akin dahil sa kagustuhan pang matulog.

Tumango tango lang ako sa kanya at bumalik na sa tulog ko. Pwede niya naman kasing i-text nalang sa akin o ipasabi nalang sa maid. Maaga naman akong nagigising!

Ngunit hindi ata sang-ayon sa akin si Lord ngayon dahil saktong alas syete ako nagising ng umaga. Hindi pa nga ako magigising kung hindi pa ako kakatukin ng maid sa pinto.

Shit!

Ano ba kasing meron? Saan ba kami pupunta ni Briggs?

"Malia, I said I'll pick you up at 7 am. Tumango ka pa sa 'kin kanina. Akala ko naman naintindihan mo," bulyaw agad sa akin ni Briggs.

"Sorry na. Hindi ako nagising bago mag 7 am." Saad ko. "Tsaka saan ba tayo pupunta ng ganito kaaga? Dapat kagabi mo pa sinabi sa 'kin para nakapagprepare ako." Medyo late na rin kasi akong natulog kagabi dahil nanood pa kami ng horror movie nina Nero. Pero kung sinabi niya naman kaagad sa akin kagabi, e 'di sana ay nakapag-alarm pa ako.

"You'll have a morning meeting with a big client." Halos malaglag ang panga ko.

"Ano?" Nabigla naman ako. First time kong attend ng meeting ni Nikolaus na wala siya tapos hindi pa ako prepared. E 'di pagagalitan ako ni Nikolaus kapag nalaman niya ito.

"The meeting will start at 8:30 am. Isang oras ang byahe. Baka hindi na tayo um-abot kung ngayon-"

"Give me ten minutes to prepare, Briggs. Makakahabol tayo sa meeting." Pagputol ko sa kanya at pinagsarhan na agad siya ng pinto para mag-ayos ng mabilis.

Naghilamos lang ako ng mukha at nagtoothbrush. Hindi na ako naligo dahil hindi na talaga ako aabot. Buti nalang naligo ako kagabi at nagbabad ng matagal sa bathtub. Okay na iyon! Madadaan naman sa pabango. Tsaka hindi naman ako mabaho kahit wala akong ligo, ano!

As usual, nagsuot ako ng formal attire at mataas ulit na heels. Wala na rin akong oras para kulutin paitong buhok ko kaya tinalian ko nalang ito ng neat ponytail. Nagspray nalang din ako ng dry shampoo at nilagyan ng gel ang buhok ko.

Bumaba na agad ako sa baba kung saan ako hinihintay ni Briggs. Sa sasakyan nalang din ako nagpatuloy mag-ayos at naglagay ng make up dahil mahaba haba pa naman ang byahe namin. Tsaka sa sasakyan nalang din ako nag almusal ng kaonti. Buti nga at nakapagbaon pa ako kanina.

"Sorry, Malia. Late na rin kasi ako nasabihan about this meeting." Sambit ni Briggs.

"Okay lang."

"Here's the papers. Review it while were on our way there. It stated there the business plan together with the investments." May inabot siya sa akin na folder at halos gusto kong umatras nang makita kung gaano iyon kakapal. Parang hindi aabot ng isang oras lang ang pagbabasa ko nito.

Halos sumakit ang ulo ko sa kakaintindi sa mga binabasa ko. Maliban sa malalalim na ingles ito, hindi naman ako ganoon kaalam pagdating sa mga business-business na 'yan. Kaya kinakabahan ako sa magiging meeting mamaya, eh. Baka lang kasi mapahiya ko ang pangalan ni Nikolaus dahil ako ang a-attend on behalf of him.

"It's all about franchising. The client that you'll meet later wants to have a franchise to Cassano Hotel in Cebu." Nagsimulang magdiscuss si Briggs patungkol sa mangyayari sa meeting mamaya. "It is the first time that Nikolaus agreed to franchise the hotel. And it will depends on you if you'll agreed with it."

"Bakit ako?" Kunot noong sabi ko.

"Eh, ikaw ang makikipag-usap sa kliyente, eh."

Napabuntong-hininga ako. "Oo nga. Pero dapat may approval pa rin ni Nikolaus."

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now