Chapter 8

230 6 0
                                    

Chapter 8

Bumaba ang tatlong lalaki sa isang van na dala nila, hawak ang mga malalaking itim na bag. Panigurado naglalaman iyon ng milyon-milyon na pera. Nilapag nila ito sa harap nina Theron at Faolan.

Mula rito sa loob ng sasakyan ay naririnig namin ang pag-uusap nila mula sa labas. May nakalagay na wireless earphone sa mga tainga nina Theron at Faolan, at ang audio niyon ay naka connect sa laptop na hawak ni Avel kaya naririnig namin. Maririnig din nila kami kung sakaling magsalita kami lalo na si Nikolaus.

"Ten billion pesos." Nagsalita iyong isang lalaki at halos nanlaki ang mga mata ko. Ang akala kong milyones na laman ng mga bag na iyon ay bilyones na pala. Gaano ba kamahal ang mga weapons ni Nikolaus?

"Here are our top-notch weapons. Their quality speaks for itself." Nagsalita si Theron, seryoso. "Rest assured, once you witness its power and effectiveness, you won't regret in choosing these remarkable instruments for your endeavors." Pagpapatuloy ni Theron at masasabi kong maayos ang naging pagpapaliwanag niya nito.

Binuksan ng tatlong lalaki iyong mga box na dala namin kung saan nakalagay iyong mga weapons. Tiningnan nila ito at chineck ang bawat isa. Iyong isa pa nga ay sinubukan pang kasahin ang isa sa shotgun na naroon.

"Our Don will definetly like this weapons." Sabi ng isa sa kanila.

"So, are we closing the deal here?" Nagsalita ulit si Theron. Sa wakas, makakahinga na rin ako ng maayos dahil patapos na ang underground transaction.

Ngunit napakunot ang noo ko nang matanaw mula rito sa loob ng sasakyan ang pag-iling ng isa sa kanila.

"Anong ibig sabihin ng pag-iling niya?" Tumingin ako kay Nikolaus na kanina pa walang imik at patuloy lang silang pinapanood.

"Let's just wait for what they'll say, Miss Malia," saad naman ni Avel at napatango na lamang ako. Bukod sa lamig ng aircon, kanina pa ako nanginginig sa kaba. Sana lang talaga ay walang maging gulo at aberya na maganap.

"Stop thinking and just calm down, woman," nagsalita na si Nikolaus na nasa tabi ko. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, nakapikit na siya at magkakrus pa ang mga braso.

"Paano ako kakalma, sige nga? Nakita mo naman na umiling 'yung lalaki. Paano kung hindi nila nagustuhan?" Sunod-sunod na sabi ko pero hindi na siya nagsalita pa. Inis tuloy akong sumandal at pinagkrus din ang mga braso ko.

"Let's just trust Theron to close the deal smoothly and well, Miss Malia." Saad naman ni Avel, pinapakalma rin ako.

Muli kong tinanaw sina Theron mula rito sa sasakyan. Bakit ganoon? Wala man lang akong nakikitang miski katiting na takot at pangamba sa kanila?

Si Nikolaus, na pinagkakatiwalaan si Theron.

Si Theron, na confident na maisasara ng maayos ang transaction.

"Is there a problem with the weapons?" Tanong ni Theron sa mga ito at muling umiling.

"Our Don wants to talk to your boss. Is it possible, Mr. Hernandez?"

Natawa ako at agad na siniko si Nikolaus sa tabi ko. Alam kong narinig niya iyong sinabi ng lalaki. Buti nalang hindi ako kasama.

"Gusto ka raw makausap ng Don nila. Babain mo na." Sabi ko at napanatag ang loob. Papikit-pikit pa siya dyan, eh siya naman pala ang gustong makausap.

"You'll come with me." Sabi niya na ikinanoot ng noo ko, hinarap siya.

"Bakit ako kasama? Wala naman sinabi na isama mo ako, eh!" Reklamo ko kaagad sa kanya pero bigla lamang s'yang ngumisi.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now