Chapter 12: remains

83 8 2
                                    

The Royal Villainess
by axisixas

Chapter 12
the dead remains dead

𖤍

Nakaiwas kami sa chaperone ni Lady Noe at iniwan namin sila doon.

Medyo kabado ako dahil hindi ako sanay na tumatakas. Todo tago kami ni Davin sa may mga halamanan bago kami nakarating na sa daan papuntang market.

Natawa kaming pareho nang successful na makaalis doon.

Hindi na mataas ang araw at nagsusumabog ang kulay kahel at lila sa kalangitan. Tahimik pero komportable lang kaming naglalakad ni Davin.

Pero may ngiti sa mukha ko dahil medyo matagal na rin simula nang hindi ko kailangang mag-worry at matakot.
Ngayon ko lang naenjoy ang simpleng bagay katulad ng tahimik na paglalakad. Dagdag pa na mahangin sa labas kaya kumalma ako.

Napansin ko ang height namin. Hanggang labi niya lang ang taas ko.

Nang marinig ko na ang ingay sa market ay naramdaman ko ang excitement.

"Gutom ka." Natawa ako sa kan'ya kasi sinabi niya 'yon. Hindi patanong.

Binilhan ako ni Davin ng makulay na pagkain. Limang bilog ito na nakatusok sa stick. Mukhang candy.

"Masarap ba? Okay naman?"

Hinintay niya ang reaksyon ko.

Kaya nang tinikman ko, hindi siya candy. Lasang bananacue. Napathumbs up ako sa kan'ya na kinangiti niya.

At nawili siyang bilhan ako ng pagkain. Excited ang mukha niya pero hindi niya pinapahalata. Lihim akong natawa. Ang cute naman nito.

Hindi kami nag-uusap. Pero hindi kami awkward. Hihintayin niya lang talaga ang ekspresyon ko sa lahat ng pagkaing binili niya para sa akin. Or tatanungin niya ako kung okay ba yung lasa.

Satisfied ang mukha niya every time na okay sa akin. To be honest lahat ng binili niyang turo-turo ay swak sa lasa ko.

Nang hihilain niya na naman ako sa isa pang pagkain ay hinila ko na rin siya.

"Okay. Tama na. Busog na ako. Tingin tayo do'n oh," turo ko doon sa may pinagkukumpulan na mga tao.

Maingay at masaya sila. Naeexcite akong parang bata.

Nang medyo na sa gilid kami ay nakita kong nagpaparty tricks ang tatlong tao sa gitna. Nakaayos sila at makulay ang pinta sa mukha.

Nakisabay naman ako sa palakpakan nang matapos.

"Sir Davin. Sa lahat ng pinakain mo sa akin. Anong paborito mo doon?" tanong ko.

"Yung Cuecue."

"Yung makulay na bilog?"

"Oo."

"Ah kaya pala 'yon ang una mong binili." At tumawa ako.

"Ikaw ano sa mga binili ko yung pinakanagustuhan mo?"

The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن