"I will have a boyfriend when I'm thirty just like Nanay and marry at the age of thirty three exactly like her."

"Anak, hindi iyon choice ng nanay mo!" Tiningnan pa ako na nakatawa ni Sac.

"Oo, Gracie, hindi. Kaya huwag ka ng gumaya sa akin sa edad ko. Pero hindi ka namin minamadali. Take your time and choose wisely."

"I think Kuya Joshua is an excellent choice." Salita pa ni Boaz.

"Pinagpray over ka ba ni Joshua at ganyan mo siya ilakad sa akin, Boaz?" Tumawa lang ng malakas si Boaz. "Hay, why you all like Joshua? What it is to like in him?"

"Baby, we all know what is likeable in him now it's your turn to find out what are the likeable traits that we saw." Hindi nagsalita si Gracie at ngumuso. Ganitong-ganito ito kahit noon bata pa ito. Hindi pa man nito naiintindihan pero ikinokonsidera na niya. Iyon ang ibig sabihin nito.

"Ate iyon phone mo nakahang ata." Paalala pa ni Boaz.

"Oh my gosh! I put it on speaker." May pinindot ito at tinutok sa tenga niya. "Jireh, sorry but your heard the conversation right? Okay, I am outnumbered. At mukhang masaya ka rin ha." Lumayo na sa amin si Gracie at naglalakad na paloob ng bahay. "What?! You were on loud speaker too and Joshua heard the conversation?!" Napatingin kaming lahat sa sigaw ni Gracie. "Jireh! Why are you doing this to me?" Tumingin ako sa mag-ama ko na nakangiti. Napangiti na lang ako. I think it's about time that Joshua make his move to my eldest.

...
"Happy birthday my apo." Hinalikan ni Mama, ang ina ni Sac si Boaz. Natutuwa ako na sa pagdating ni Boaz sa buhay namin ay unti-unti ng lumabot ang puso ng biyenan ko. Hindi lang sa akin kundi kay Gracie na rin. Naging malapit ang dalawang bata sa lola nila na halos linggo-linggo ay binibista namin.

"Salamat, Lola. Thank you for coming." Ikadalawampu't isang kaarawan ni Boaz ngayon at ginanap namin ito sa club house ng village. Ayaw pa nga ni Boaz at sinabing hindi niya kailangan ng handa pero mapilit ang ate niya na ipaghanda namin siya. Si Gracie ang nag-asikaso ng lahat ng detalye ng birthday ng kapatid niya. Kahit na tinatarayan nito ang bunso niyang kapatid madalas pero halata ko naman na mahal na mahal niya ito.

"You are so handsome, my apo. You are looking more like your Dad." Ngumiti ako. Totoo nga si Mama. Kamukhang-kamukha ng ama niya si Boaz.

"Walang nakuha sa akin Ma?" Biro ko pa. Ngumiti naman ang matanda sa akin.

"Nagmana sa'yo ang ugali, Rachel. And it's a good thing." Ngumiti ako ng mas malaki. Mabait talaga si Boaz at mapagmahal. Something nga siguro na nakuha niya sa akin. Pero hindi lang sa akin galing iyon. Siguro nga ay napagsama ang mabuting traits namin ni Sac kay Boaz.

"And me Lola?" Napalingon naman ako kay Gracie na lumapit sa lola niya at hinalikan ito niyakap.

"You are so beautiful like your mother." Tumingin sa akin si Mama at tumingin rin sa akin si Gracie. Kilala pa rin ni Gracie ang Mommy Hannah niya maging ang Daddy Abe niya. Hindi pa nito matanggap noon una pero dumating rin sa tamang panahon na natanggap ni Gracie ang katotohanan na hindi si Sac ang totoong ama niya. Nakumpirma pa ito ng DNA test. Pero kahit na ganoon ay walang nagbago. Mahal pa rin namin si Gracie. Hindi man siya galing sa dugo at laman namin pero galing siya sa puso namin. Hindi iba si Gracie sa amin ni Sac. Anak namin siya. At sa huli iyon rin ang namayani sa pamilya namin. Alam ni Gracie kung gaano namin siya kamahal at ganoon niya rin kami kamahal.

"Pero ang ugali mo sa ama mo." Tumawa si Gracie.

"Ako na naman, Ma?" Hinapit ako sa bewang ni Sac. "Bakit kapag hindi magandang ugali lagi sa akin?"

Impression on the HeartWhere stories live. Discover now