"Dad, hindi ko kailangan ng pastor sa bar. Baka magpreach pa siya sa mga tao roon."

"Then good thing they hear the Good News before they do anythinh sinful inside the bar." Napangiti ako sa sinabi ni Boaz. "Atsaka, hindi naman ganoon si kuya 'no. Alam niya 'yon. Tatahimik lang iyon sa bar habang pinagmamasdan ka."

"Nililigawan ka ba ni Joshua, anak?" Tanong ko na nakangiti. Sa pagkukuwentuhan namin ni Niel ay madalas na nababanggit nito na gustung-gusto ni Joshua si Gracie kahit noon dati pa.

"No!"

"Ate bitter ka lang?"

"Sounds like she is." Patutsada pa ng ama niya.

"I don't even like him, Nanay. He is just so good and so kind."

"So ang pagiging 'good at kind' pala ay hindi na 'in' sa henerasyon niyo ngayon?" Taas na tanong na kilay pa ni Sac sa anak niya. "Noon panahon namin ng nanay niyo iyan ang hinahanap."

"It is not like that, Daddy. I feel like whenever I am with him I feel like I am the most evil person on earth. Masyado siyang mabait hindi kami bagay."

"Mabait ka rin naman, anak, ha." Sambit ko pa.

"Aw! Thanks Nanay. Ikaw lang po talaga nakakakita ng good side ko." Hinalikan na naman nito ako sa pisngi.

"Mabait ka naman talaga. Remember the time when your Dad and I went abroad and Boaz was hospitalized and you took care of him. Isa pa lang iyon sa napakaraming goodness na ginawa mo."

"Oo nga, ang bait mo talaga ate, thank you!" Ngiting-ngiti pa si Boaz. "Oh ayan ha, bagay na kayo ni Kuya Joshua."

"Tigilan mo ako Boaz ha!"

"Anak, ano bang hindi mo magustuhan sa pagsama sa inyo ni Joshua bilang chaperone niyo?"

"Ahm...I already told you, Nanay."

"Anak, wala akong nakikitang valid sa rason mo."

"Nanay naman eh! Team Boaz at Daddy ka na rin. Tayo po dapat magkakampi."

"Gracie, wala akong kinakampihan sa inyo. Ang akin lang, ayaw ng kapatid mo. Since as suggested ni Boaz na willing naman si Joshua kung sasabihan mo bakit hindi mo subukan? Kilala mo na si Joshua buong buhay mo at kilala na rin namin siya. Mas magiging palagay ang loob namin kung siya ang makakasama niyo ni Jireh."

"Nay...ayoko po talaga kay Joshua."

"Hindi ko naman sinasabi na gustuhin mo, anak. Magpapasama lang kayo."

"But what if Joshua is so stringent and restricts us from doing things?"

"I know and I believe that Joshua is wise enough to know when to permit you or restrict you. Have a little faith in him, anak." Narinig ko na ang pagbuntong hininga niya at ang pagtangu-tango nito. The battle was won.

"So sabihan ko na si Kuya Joshua na payag ka na rin magpaligaw?"

"I hate you Boaz! I really do." Mataray na sagot pa ni Gracie.

"I love you too, ate. I love you so much." Tawa ng tawa na sambit nito.

"Well, boto ako kay Joshua. I really like him." Singit pa ni Sac. "Tumatanda ka na anak. Kailan mo ba kami bibigyan ng apo?" Umiling ako kay Sac dahil ito na naman ang litanya niya. Gustung-gusto niya na talagang magkaapo. Kumindat naman ito sa akin. "Why not give him a chance? Sa tuwing magkikita kami ng bata na 'yon ikaw lagi ang hinahanap at bukambibig."

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon