Epilogue

14.5K 358 10
                                    

SUMAKIT ang ulo ni Tini pagkatapos ng meeting nila kasama ang staff ng Hotel. Naubos na ata ang dugo niya sa kakaunawa ng salita ng mga kasama. Bilang lamang niya ang salitang English. Pagpasok niya sa opisina ay lalong sumakit ang ulo niya nang mamataan ang patong-patong na papeles na kailangan niyang basahin at pirmahan.

Kauupo pa lamang niya ay meron nang kumatok sa pinto. "Come in," aniya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary iyang si Seon Lin. "Excuse me, Ma'am, you have a call," batid nito.

"From Philippines?!" nagagalak na tanong niya.

"No, ma'am. We can't trace his location," sabi ni Seon Lin.

"He?" tanong niya.

"Yes."

"Well, thaks," aniya.

Nang lumabas na si Seon Lin ay agad niyang dinampot ang telepono. "Hello!" sabi niya sa tumatawag.

"Hi!" tugon naman ng boses lalaki sa kabilang linya.

Medyo pamilyar niya ang boses. "May I know who's calling, please...?" tanong niya.

"It's me, Christine," sagot lang ng lalaki.

"Who?" kunot-noong tanong niya.

"Your lover."

Hindi talaga niya mahulaan. Magulo ang isip niya, pagod siya at wala na siyang panahong mag-isip ng kung ano na walang kinalaman sa trabaho niya.

"Sorry, I'm not talk to strangers," mataray na sabi niya. Inaamag na ang katagang iyon pero ganoon talaga.

"Come on. I'm not strangers anyway," giit nito.

"You know? I'm busy!" Nagtaas na siya ng tinig.

"I know. Don't drop the phone, please..." anito.

"So let me know who the hell are you!" asik niya na napapatayo.

Narinig niyang bumungisngis ang lalaki. "Find me or I will attempt suicide here in Hotel," may pananakot pang sabi nito.

"What? You're crazy!" bulalas niya.

"I'm waiting, Honey," sabi pa nito.

"I don't care about you!"

"It's your fault if one of your guests will found dead on his suite. I'm not kidding."

Nakatinig siya ng wari'y kinasang baril. Nataranta na siya. "Damn! W-Where are you?" pagkuwa'y tanong niya.

"I'm here in roof top," anito.

Ibinaba na niya ang receiver ng telepono at nagmadaling lumabas. Pero sigurista siya, nagsama siya ng security para masiguro ang kaligtasan niya. Wala pa may kinakabahan na siya.

Ngunit habang papalapit sila sa roof top ay unti-unti niyang napagtanto kung sino possible ang nakausap niya. Naalala niya bigla si Mateo na minsan na siyang pinaglaruan sa pamamagitan ng estrangherong tawag. Ang tibok ng puso niya'y waring naghahabol ng buhay. May kalakip na iyong pananabik.

Pagdating nila sa roof top ay wala naman silang nakitang tao. Malakas ang hangin at tirik ang araw. Pati ang dalawang security na kasama niya ay naghagilap. Mamaya'y tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa ng pantalon niya. Dinukot niya iyon at agad sinagot ang tumatawag na numero lang ang nakarehistro.

"Hello!" aniya.

"Sabihin mo sa security mo na iwan kang mag-isa," utos ng kausap niyang lalaki. Iyon na ang kausap niya kanina.

Nagulat siya nang magtagalog ito. Noon lamang siya natauhan. Gayunpaman ay sinunod niya ang gusto nito. Pinaalis niya ang dalawang security. Sa halip na kabahan ay sumigla ang puso niya. Kilala na niya kung sino ang hinayupak na pinaglalaruan siya.

Bartender Series 8: Cognac (Unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon