Chapter One

Depuis le début
                                    

Napakunot ako ng noo dahil don.

'Anong meron?' Nag iisang tanong na agad namang pumasok sa aking isipan.

"Kinakabahan ako haha, ano bang nangyari?" Tanong na ni Xavier ulit ng hindi sumagot si Kiefer sa una naming tanong.

Bumelo pa si Kiefer bago sumagot. Isang buga ng hangin.

"Okay na! Municipal na agad sa larong billiard, And coach said, aasahan niya daw tayong tatlo don." Ngayon ay tuwang tuwang wika.

Biglang lawak ang ngiti namin ni Xavier sa narinig.

"Talaga?!" Halos magsabay na sigaw namin ni Xavier na syang ikinatango naman ni Kiefer.

"Ayos!!!!!" Sigaw pa ulit ni Xavier at nakipag apir una kay Kiefer sumunod sa akin.

"Edi goods! Kelan ba yung try out?" Agad na tanong ko pagkatapos naming magkatuwaan na saglit.

Natigil si Kiefer sa pagtawa at napaisip pa bago ako sagutin.

Mabuti nalang talaga at nag tanong itong si Kiefer kay sir dahil talagang matagal nakong naghihintay sa announcement sa try out para sa billiard, but didn't expect na deretso municipal na agad ang laban. Shesh, akala ko pa hindi pa matutuloy na magkaroon ng try out sa billiard e, haha ang tagal na kasi nung nag announce sila tungkol sa mga try out's sa mga sports sa school namin pero wala pa rin announcement tungkol sa kung kelan simula ng try out sa billiard, mabuti nalang talaga!

"Ahh wala pang exact date, just wait nalang daw sabi ni sir Casper." Sagot niya na ikinatango ko ng sunod sunod.

Napahinga ako ng maluwag dahil sa naging sagot niya. Makakapag practice pa ako ng matagal kung ganon. Kaya bago yung try out para sa billiard, ay ready na ako.

"Okayyy!"

Pagkatapos ng naging usapan ay nagpatuloy lang kami sa paglalarong tatlo, kasabay ng pagtuturo nila sa aking kung paano ang mga tricks, plesing, banda's, tumumbok ng tama at syempre iyong pagiging focus sa oras ng laban.

Palagi kasi akong ninenerbyos sa tuwing lumalaban ako sa iba, kung minsan ay napapamura pa at talagang panay ang hanap ko kina Xavier at Kiefer sa tuwing nararamdaman ko yung takot at kaba na matalo dahil alam kong hindi ko kaya.

"Palagi mo lang tatandaan na, sa lahat ng laban may natatalo at nananalo but sometimes, lahat talo walang panalo. Kaya it's okay if you lose again, just trust yourself na kaya mo. Wag kang kakabahan dahil pwedeng iyan ang maging dahilan ng pagkakatalo mo, and always be careful in every shot, think first before giving a shot. Always be prepared. Okay?" Paalala ni Kiefer sa akin. Pinapangaralan na naman niya ako tungkol sa larong bilyar.

Masaya ako sa tuwing ganto ang sitwasyon naming tatlo, pero minsan ay kinakabahan ako sa tuwing nagdidilim ang mukha nila ni Xavier sa tuwing naglelecture sa akin. Nakakatakot dahil parang konti nalang ay itatakwil na nila ako bilang kanilang pinsan dahil sa sobrang pagkapasaway ko at pagkatanga sa tuwing kami ay naglalaro.

"Noted." Maikling sagot ko at tumango pa.

"Siguraduhin mo lang babae, dahil nakakapagod ang magsalita ng magsalita para lang pangaralan ka, naiintindihan mo?" Sabat naman ni Xavier kaya napalingon ako.

"Sino ba kasi nagsabing pangaralan niyo ako?" Pilya ko pang sagot dahilan para batukan naman ako ni Keifer.

"Aray! Aba't namamatok ka pa nga!" Galit na turan ko at masama pa siyang tinignan.

"Kasalanan mo, hindi dapat ganon ang sagot kapag sinasabihan ka ng mga nakakatanda sayo." Matusok ang tingin ang ibinigay niya sa akin kaya napayuko ako ng aking ulo.

SNIPE: Queen Of Billiard (Under Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant