Pagsilip ko sa sala ay nakahiga pa rin si Gwy sa sofa. "Huyy, ano pa'ng ginagawa mo d'yan? Kapag ikaw naabutan pa nila Tito d'yan, magbihis ka na!" Sabi ko

"Ha?" Tanong niya sa akin, 'pag hindi ka naman talaga na-highblood eh! "Hindi ko narinig Sissy, ang lakas kasi ng music ko, bago airpod ko eh. Look, it's pink, may fave!"

Pinakalma ko na lang ang sarili ko kaysa sumigaw at mainis. "Magpalit ka na ng damit doon sa taas at bawal ka matuyuan ng pawis hindi ba?" Kalmado kong sabi, "Kung gusto mong humilata at makinig ng music, doon ka sa kuwarto, dadalhan pa kita ng meryenda, okay? Huwag ka na magpasaway, please lang. Magluluto pa ako ng dinner oh, Gwy naman."

"Heto na nga po at aakyat na."

Hayy Lord.

Sabagay, mas okay na 'yong tamad siya at makulit kaysa naman tulala at hindi nakakaalala.

"Narinig kong magluluto ka ng hapunan, tutulungan na kita anak." Muntik ko na mabitawan ang lalagyang hawak ko, "Pasensya ka na, namimiss ko na kasi ang anak kong babae. Kung hindi siya nawala, siguro'y may apo na rin ako sa kanya ngayon."

"Nakakamiss po talaga 'yong mga pamilya nating nawala na ano? Wala naman po tayong ibang magawa kun'di mamiss na lang. Kahit kausapin natin sila, hindi naman sila sasagot." Bigla akong nalungkot, mabuti siya at nakausap niya ang anak niya bago nawala eh ako, kami ni Gwy, sa picture at sa mga kuwento lang namin nakilala si Mama at Papa.

Napabuntong hininga ako at ngumiti. "Ay Mang Jun, maupo na lang po kayo d'yan at mag-meryenda, ako na lang po ang magluluto at pagod kayo." Sabi ko at inabutan siya ng pancit canton at tinapay, binigyan ko rin siya ng isang basong juice.

"Dadalhan ko lang po si Gwy nito, kain lang po kayo d'yan, kung gusto pa po ninyo ay kumuha kayo ulit."

Pagkabigay ko ng meryenda kay Gwy at bumaba na rin ako agad, magluluto pa ako ng adobong manok para sa hapunan.

Nagsaing muna ako sa rice cooker bago inihanda ang mga ingredients ng adobo.

"Maliliit naman ang mga patatas, huwag mo na balatan." Sabi ni Mang Jun

"Siguro po ay masarap kayong magluto."

"Sabi nila. Kaya nga ako rin ang taga luto sa bundok e."

"Ah, kaya po pala." Hiniwa-hiwa ko na ang mga manok, naghiwa rin ako ng sibuyas at ilang pirasong sili.

"Mang Jun, p'wede ko po bang malaman kung nasaan ang asawa ninyo? I mean, sabi po kasi ni Ely ay namatay raw po sa panganganak dun kay Ey–, doon sa bata."

Uminom siya ng juice at pilit na ngumiti. "Hindi ko alam kung saan galing 'yong kuwentong 'yon pero totoong patay na ang asawa ko. Nagtangka siyang tumakas kaya pinatay siya ni–, pinatay siya dahil naabutan siyang tumatakas."

"Sorry po tinanong ko pa."

"Wala 'yon, ayos lang. Matagal-tagal na rin siyang nawala, magdadalawang taon na. Kapag natapos na lahat ng ito, pupuntahan ko siya kung saan ko siya nilibing para kunin ang mga buto niya, bibigyan ko siya ng maayos na libing. Tyra, tutulungan na kita. Gusto ko na makasama ang anak ko, at ang apo ko."

Umaayon na sa akin ang panahon. Mabuti ang hangarin ko kaya may mga tumutulong sa akin, kanina si Joepette at si Mike tapos ngayon si Mang Jun.

Alam kong hindi ako pababayaan ni Mama at Papa, at Ni Lord.

"Salamat po. Maraming salamat po."

"Oh, may tumatawag wari sa iyo, sagutin mo na muna at ako na ang magluluto n'yan." Tumayo si Mang Jun at pinuntahan ang niluluto kong ulam.

"Salamat po." Pinuntahan ki ang cellphone ko na nasa sala. "Tito?"

"Malapit na kami, may dinner na ba d'yan?"

"Mayro'n na po, nagluluto na po ako. Maghahanda na po ako para pagdating ninyo ay kakain na." Sabi ko at ibinaba na ang tawag, bumalik na ako sa kusina para maghanda ng mga plato.

"Malapit na raw po sila." Naglalagay ako ng tubig sa pitsel nang biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

"Sagutin mo na ulit, ako na ang gagawa n'yan."

"Sige po, mag-iingat po kayo at baka mabasa kayo."

Bumalik ako sa sala at sinagot ulit ang tawag. "Kaley?"

"Cous, kumusta? Akala ko hindi na naman nag-send 'yong video. Napanood mo na ba?"

"Oo, salamat ha."

"You're welcome. Para saan ba 'yon?"

"Ikaw naman, alam ko namang gifted ka. Alam mo na 'yon."

"Actually hindi pa masyado, malabo pa pero alam ko naman na para sa ikakabuti ng lahat 'yang ginagawa mo. Kung may kailangan ka pa, just call me, okay?"

"Thank you Kaley, thank you so much."

Alam kong mahirap para sa kanya na bumabalik na naman 'yong mga weird niyang panaginip, at bumalik lang 'yon noong dumating kami sa buhay nila. Nakakatakot naman talaga pero ngayon ay tanggap na namin na hindi kami gaya ng ibang tao, kakaiba kami.

Ang hirap maging Musico. 

"Good evening po Tito, Tita."

"Good evening Tyra. Tulog na tulog na si Clarry, bukas na siguro 'to kakain. Iaakyat ko lang siya sa taas tapos maghahapunan na tayo." Sabi ni Tita at dinala na si Clarry sa kuwarto nila.

"Ang kapatid mo, nakauwi na ba?" Tanong ni Tito at inabot sa akin ang mga paper bags na dala niya.

"Opo, kasabay ko po siyang umuwi. Bakit po?"

"Mabuti naman at umuwi ng maaga. Ano'ng sinakyan niya galing sa Farm?"

Napatingin ako kay Gwy na pababa sana ng hagdan pero mabilis na bumalik sa kuwarto nang makitang kausap ko si Tito.

"Galing po siya sa Farm?"

"Oo, sabi sa akin ni Mang Jerry nung tumawag ako kay Ambo."

"Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag na huwag pupunta sa Farm ngayon, tigas ng ulo." Bulong ko

"Wala tayong magagawa d'yan sa kapatid mo, kapag pinagbabawalan ay lalo lang ginagawa. Hayaan mo na, tawagin mo na at kakain na tayo pagkababa ng Tita Alpa mo." Sabi ni Tita at nagtungo na sa kusina.

Inilapag ko lang ang mga paper bags sa sofa bago umakyat sa kuwarto namin. 

"Gwy, baba na at kakain na." Para siyang walang naririnig, "Baba na! Gwy, kakain na!"

Bumangon siya sa kama. "Why are you shouting ba? Hindi naman ako binge." Sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Galing ka raw sa Farm, 'di ba sabi ko sa 'yo ay huwag kang pupunta doon ngayon, ano ba'ng hindi malinaw dun ha?"

"Sabi mo gawin ko lahat ng gusto ko ngayong araw."

"Pero sinabi ko na rin huwag kang pupunta sa Farm ngayong araw."

"Don't be mad na, gusto ko lang naman kumustahin si Ely dahil matagal akong hindi makakapunta doon. And guess what, he's my boyfriend now!" Kinikilig niyang sambit.

"ANO?" Para akong namatay ng ilang minuto.

"Yes, kami na, for real. I'm so happy, hindi ka ba happy for me?"

Tumalikod ako sa kanya. "Hinihintay na tayo nila Tito, kakain na, let's go."

* End of Chapter 41 *

A/N : Sila na? Oh no! Paano nangyari 'yon? Ano kaya'ng ginawa ni Gwy para mapasagot si Ely?

Chubbabies, keep rockin' and stay guurjess! 

  — gytearah 🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now