Chapter 1

68 1 0
                                    

"Rising star na si Shareigne Ramos o mas kilala bilang Shae, balitang bibida raw sa kaabang-abang na pelikula kasama ang ilan pang mga naglalakihang artista gaya na lamang ni Lucius Fontes—"

Hindi na narinig pa ang kadugsong ng balita dahil sa pagputok ng isang party popper.

"Congrats, Love! You're finally having your own movie." Nakangiting sabi ni Syl at itinapat ang simpleng cake na siya mismo ang nagbake sa harap ng girlfriend niya.

Proud is an understatement for what he's feeling right now. Hindi mapapantayan ng kung anong mga salita ang nararamdaman ni Syl para sa girlfriend niya, gayong magiging lead actress na ito sa isang pelikula. Isa sa mga bagay na matagal nang pinapangarap ni Shae. He's more than proud of her.

"Awww! Thank you, Love! Ikaw ha, may paganito ka pala." Masayang sabi ni Shae at saka hinalikan ang boyfriend niya sa pisngi at labi.

"Surprise 'to, Love. Hindi mo dapat malaman."

"Ang dami mo namang paandar, Sylvan." natatawang biro ni Shae dito. Nginisian lang siya ng boyfriend niya at inakay paupo sa sofa nila. May ilang pagkain din ang nakahain sa lamesitang nasa harap ng sofa. Sa pinakagitna naman ay doon ipinatong ni Syl ang cake na ginawa niya.

"This is too much, Syl. I don't know what to say but thank you. I appreciate all of this, really." Emosyonal na sabi ng dalaga nang makita ang mga nakahain.

Palibhasa ay pareho silang busy sa tinatahak nilang career, si Syl bilang architect at siya naman bilang isang aspiring artist, bibihira na silang magganito. Madalas, after ng workshop niya ay susunduin siya ng boyfriend niya kahit pagod na pagod na ito sa tambak na trabaho sa opisina at saka sa labas nalang kakain. Wala nang sapat na oras upang magluto ng hapunan. Pag-uwi nila ng bahay, minsan hindi na nila nagagawa pang magshower man lang at dumideretso na agad sa tulog.

Sa totoo lang, hindi pa rin makapaniwala si Shae na hanggang ngayon ay hindi man lang nagbabago ang pakikitungo ni Syl sa kanya. Kahit anong pagod nito, desidido pa rin itong puntahan siya sa kanyang trabaho. Kahit pa ang pinagtatrabahuhan nito ay iba ang daan kumpara sa lugar kung saan nagwo-workshop si Shae, hatid-sundo pa rin siya nito. At walang kaso kay Syl lahat.

Ganito pala talaga kapag mahal ka.

'Yan ang madalas maisip at ipagpasalamat ni Shae. Si Syl na siguro ang pinakamalaking blessing para sa kanya. Saan ka pa ba makakahanap ng boyfriend na kagaya nito? Mabait, masipag, mapagmahal, maalaga, goal-oriented, at higit sa lahat, kaya niyang isantabi lahat para kay Shae. Palaging si Shae ang priority niya. Is it a good thing? Maybe? Hindi sigurado si Shae. Pero ang tanging alam niya lang, grateful siya dahil may isang Sylvan ang nageexist sa buhay niya.

"You deserve this, Love. Actually, you deserve more pa nga e. You're doing great, my love. And I am more than proud of you." Syl placed a soft kiss on her forehead which made her tear up.

"Nakakainis ka! Bakit ka ba ganyan? Bakit ang swerte-swerte ko sayo?" Lumuluhang sabi ni Shae. Bagama't umiiyak ito, iyon ay dahil sa masaya siya. Masayang-masaya siya.

"Swerte rin naman ako sayo. Swerte tayo sa isa't-isa."

Shae couldn't find the right words to express what she's feeling so instead, she hugged her boyfriend as tight as she can to let him feel the genuineness of her love and gratefulness to him.

Midnight RainWhere stories live. Discover now