Chapter 7

233 7 0
                                    

Chapter 7

"The three heads!"

Sunod-sunod ng pumasok sina Theron, Briggs, Nero, Ryker, Faolan at Avel. Katulad ng naging reaksyon ni Nikolaus, ganoon din ang naging reaksyon nila nang makita akong nasa sahig.

"Malia, okay ka lang ba?" Agad akong nilapitan ni Briggs pero hindi ako sumagot.

"They're here," napaangat ang tingin ko kay Nikolaus. Makikita ang galit sa mga mata niya. Nakakuyom na rin ang mga kamay niya. "Don't let them get out of here. Catch them and bring them to me alive. I'll be the one who'll kill them." Mariin n'yang sabi, nagpipigil na magalit.

"We'll take care of them, Boss." Lumabas na silang lahat maliban kina Briggs at Theron na naiwan dito.

"Malia," muli akong tinawag ni Briggs. "Okay ka lang ba talaga?" Inalalayan niya akong tumayo pero na kay Nikolaus lang ang tingin ko. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko sa kanya kanina. Mahirap ba sagutin 'yon?

Is he really a rapist and killed his first wife... and own child?

"Umuwi na tayo," aya ko kay Briggs.

"I'll get the car." Sabat naman ni Theron at nagmamadaling lumabas ng office.

Nakaalalay sa akin si Briggs palabas ng office ni Nikolaus ngunit bago kami tuluyang lumabas, muli kong nilingon si Nikolaus. Nakatalikod na siya sa amin ngayon habang nakapamulsang nakatanaw sa labas.

Ganoon nalang ba kahirap sagutin ang tanong ko? Kaya niya ba hindi sinasagot 'yon... ay dahil totoo lahat ng iyon?

"Let's go, Malia," inaya na muli ako ni Briggs.

"Teka lang, Briggs," bumitaw ako sa kanya at lumapit kay Nikolaus, puno ng galit. Wala man lang s'yang imik. Hindi man lang siya mag-explain at sabihin iyong totoo.

"You already convinced of their accusations." Salita niya, ni hindi man lang ako nilingon. "But you still expect me to explain?" Napabuntong-hininga ako.

"Just tell me... Is it all true?"

"What if it's true?" Tumulo ang luha ko.

Nakakuyom ang mga palad ko na mas lumapit sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili ko kung maaari pero sadyan naubos na ako. Isanng malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"P-Paano mo nagawa 'yun?" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Tama nga sila... Hindi pa nga kita lubos na kilala." Sabi ko at tumakbo na palabas ng office niya, patuloy pa rin sa pag-iyak.

Oo... alam ko na pumapatay sila. Na normal iyon bilang isang mafia... Pero ang hindi ko lubos na matanggap ay iyong gahasahin niya ang unang n'yang asawa at patayin ito kasama ang magiging anak niya.

Wala s'yang awa...

Wala man lang s'yang puso...

"Malia, saglit!" Hinabol ako ni Briggs at hinawakan ako sa braso upang pigilan.

"Bitawan mo 'ko, Briggs." Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Malia, it's not true! The three heads are just lying. They are know for telling lies. Don't believe on them!"

"Pinagtatanggol mo pa talaga 'yung lalaking 'yon! Iyong rapist na 'yon?!" Sigaw ko at patuloy na kumakawala sa kanya pero sadyang ang higpit ng pagkakakapit niya sa akin.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now