"Iyon lang ba ang sasabihin niyo?" Tanong ni sakuragi sa malamig na tono ng boses.


Napalunok si riku sa biglaang kaba sa inasta ni sakuragi bigla sa harapan nila.


'mali ba na sinabi namin sakanya iyong plano ni ace? Bat parang nagalit pa yata?' anas ni riku sa sarili habang pinag mamasdan si sakuragi at sa posibleng gawin nito bigla.


"Sa totoo lang, wala akong pakialam kung ano mang plano ang gawin niya sakin. Ang nakakadissapoint lang, bakit kailangan niyo siyang ibetray?" Nagulat silang tatlo sa sinabi ni sakuragi, hindi nila inaasahan na sasabihin nito ang bagay na iyon 'gayong dapat ang isipin nito ay ang sarili.


"A-anong sinasabi mong betray? Hindi namin siya pinag tataksilan, sakanya lahat ng ginagawa namin." Laban ni kaito sa sinabi ni sakuragi sa kanila.


Tumango si sakuragi at muling naisipang sumandal.

"Gets ko, para sakanya iyong ginagawa niyo. Pero hindi niyo ba alam, pinagkatiwalaan niya kayo pero bakit sinasabi niyo ito sakin ngayon?" Takang saad ni sakuragi sa mga ito, tila naguluhan naman ang tatlo sa takbo ng pinag uusapan nila ngayon



"Teka, hindi ba dapat maging okay sayo iyong mga sinabi namin kasi magiging ligtas ka." Anas ni riku kay sakuragi


"Anong ligtas? Bakit? Sigurado ba kayo na ang mga sinabi niyo ang makakapag ligtas sakin? Dahil kung titignan hindi niyo naman malalaman kung kailan mangyayari ang planong sinasabi ng kaibigan niyo sakin eh. Inihanda niyo lang ako sa posibilidad na mangyari pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari sakin."



"Gulo mo rin no? Ikaw na nga itong binabalaan ikaw pa itong magulong kausap. And for your information, hindi namin pinagtataksilan si ace.. ginagawa namin ito dahil sobrang nag aalala kami sa kanya bilang kaibigan niya, so what kung sabihin ng iba na betrayal itong ginagawa namin sa kaibigan namin. Pero ang tanging alam ko, maliligtas siya kung maiintindihan mo ang sinasabi namin." Pagpapaunawang saad ni riku kay sakuragi


Ngumisi si sakuragi bago nakapamulsang bumuntong hininga bago tumingin sa lalaking nakatayo sa may madilim na parte ng hallway.


"Hindi ko alam kung swerte ba kayo sa tinatawag niyong kaibigan o iwan.. kasi ngayong naririnig niya kayo sa mga sinasabi niyo ngayon, maiintindihan niya kung bakit ginagawa niyo ito sakanya ngayon." Anas ni sakuragi na tinignan si ace at ang apat pa nitong kasama na mukhang nakausap niya upang pag higantihan si sakuragi.


"A-ace?!" Gulat na saad ng tatlo, nanlalaki rin ang mga mata nila habang tinitignan ang apat na kasama nito. Mas nahintakutan sila ng makita kung sino ang apat na kinuha nito upang pahirapan si sakuragi.


"A-ace, anong ginagawa mo? Bakit mo kinausap ang mga iyan. Delikado sila." Anas ni kaito, nagsingisihan naman ang apat na may dalang baseball bat.


Iniangat ni ace ang kanyang ulo bago tinignan iyong tatlo na may blangkong expression..


"Anong pakialam mo? Hindi ko naman kayo kaibigan." Saad ni ace sa malamig na tono habang walang emosyong tinignan sila.


"Ace!?! Ano ba? Umayos ka nga, hindi sa ganitong paraan maaayos ang problema mo.." saad naman ni riku


"Sato, bakit mo naman hinayaan na gawin niya ito?" Pagbaling naman ni kaoru kay sato na nakatingin lang sa kanila.


"Wala eh! May utang ako na kailangang mabayaran." Sagot ni sato na nagkibit balikat pa


"Pano ba iyan? Kahit naman sinabi niyo na sakanya ang lahat ng planong gagawin ko, huli na para makatakas siya sa gagawin namin sakanya. Oh! Isasama na rin namin kayo, wala naman kayong kwenta." Anas ni ace masamang tinignan ang tatlo. Nangatog naman sa kaba ang tatlo ng makitang may lumabas pa mula sa hallway na mga kalalakihan.



"Sige, simulan na nati--." Nakapang halukipkip si sakuragi habang pinapanuod ang mga ito na nag uusap.


"Wag tayo dito mang gulo, kung gusto niyo doon tayo sa likod ng gymnasium." Suhestiyon ni sakuragi na ikinagulat ng lahat, dahil ito pa mismo ang nag suggest ng location kung saan ay mas delikado pa para sa sitwasyon nito ngayon.


Teritoryo kasi iyon mismo ng mga lalaking kinausap ni ace para sa araw na iyon.


"Nagpapatawa kaba? Hindi mo ba alam na teritoryo iyon ni magno? Itong mga kasama ko ang mga tauhan niya." Napapikit si sakuragi bago hinilot ang sariling sintido.



"Wala akong pakialam kung kaninong teritoryo pa iyan, ang gusto ko matapos na ito at nang makauwi na ako." Saad ni sakuragi na naglakad pa patungo sa gawi nila, nagulat sila at nagsipaghanda sa kanilang gagawin.


Ngunit nilagpasan lamang sila ni sakuragi habang nakapamulsa, blangko ang expression ng mukha nito at malamig ang bawat titig nito.


Naramdaman nila ang kakaibang sakuragi'ng nakikita nila ngayon, tila hindi ito ordinaryong tao katulad ng dini'describe nila ng makita nila itong mukha walang kakayahan.


Dinanggil naman ni kaito si kaoru na nakatingin kay  sakuragi ng may punong puno ng paghanga dito.


"Takshit pre, ang astig niya. Parang hindi man lang siya nakaramdam ng kaba sa sinabi niya." Bulong na saad ni kaoru


"Siraulo ka, mapapahamak na nga iyong tao hinahangaan mo pa, tulungan nalang natin imbes na pabayaan na lumala pa itong sitwasyon natin. Remember, graduating na tayo." Pag papaalalang saad ni riku sa mga ito


"Oo nga pala, nakalimutan ko. Tara na nga, sundan na natin sila." Anas ni kaito



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now