8

8 4 0
                                    

ARY POV :

"Beh sabay na tayo mamayang uwian? Or gusto nyo gumala?" Sabi ni lonya sabay tingin samin ni kayrin.

"Gala nalang tayo" sabi ko.

Tapos yayain nyo si luel tyaka yung iba para makasama ko naman sya. Jok

"Sige sige" sabi naman ni lonya.

"Ayos ka lang dyan kayrin?" Sabi ko pa.

"Hinde" sabi nya pa.

Ampot.

"Oh edi hinde." Sabi ko.

"Ud naman sa lab layf nyo" sabi ni kayrin, umupo kami sa bench.

"Puyat dahil nag laro kame" sabi ni lonya.

"Oh edi ikaw na" mataray na sabi ni kayrin.

Tumawa naman si lonya.

"Si luel" sabi nya naman saken.

"Ano?" Tanong ko.

"Yon na yon, si luel. Luel na ng buhay mo every day every night every year. Yan na si luel" sabi nya pa.

"Hinaan mo nga bosses mo! Pag may nakarinig lagot ka sakin" sabi ko sa kanya.

Tumawa naman sya.

"Puro kayo luel, eh ikaw kayrin? Kamusta kayo ng ex m-- ayy ex na pala." Asar ni lonya kay kayrin.

Tumawa kaming pareho ni lonya habang si kayrin mukhang badmood na BWHAHAAHAHAH.

"Geh lang, sige lang ldr at delusionada okay lang" sabi nya pa.

DELUSIONADA? HOW DIR YOU!

(At nag away away na sila)

___ ======= ___

"Guys sama kayo? Gala daw" yaya ni kayrin sa iba naming classmates.

Yung iba pass yung iba sumama..

Nilingon ko secretly si luel

Amp dito ka kasi bat ka pa nag lilinis ng blackboard!

Pinag masdan ko sya ng mabuti.

Nag glow in the glow up sya.

Nag level 200 kagwapuhan nya.

(Wih sabi mo kanina di sya superisz gwapo? Mema toh)

Matangkad sya, tahimik, matalino, simple, malinis, romantic.. siguro, at ang kalmado ng face expression nya.

Ano ba kasi luel! Yan ka nanaman. I get this feeling and i dont know why and how.

Tahimik mo na nga-- may nag kakacrush pa sayo! (No offense sa iba dyan heheh attractive ang maiingay pero mas attractive ang tahimik. Oh idebate nyo yan)

"Hoy-- HOY"

Napalingon ako kagad kay kayrin.

"Ano na?? May budget ka ba kako" sabi ni kayrin.

"Meron" sabi ko.

Eme two hundred lang

"Sige karaoke tayo guys" sabi ni lonya.

Nag agree naman yung iba.

Biglang may dumating sa pinto..

Si girlals

Nag lakad sya papunta kay luel

Nakita kong nag uusap sila.

"Iwas tingin na beh. Move on na" bulong saken ni kayrin

Wait nga kasi! Tinitignan ko nga kung may chance pa-- ikalma nyo

Di ko nga kayang umeksena kasi nga-- sayang pinag samahan nila if eeksena ako.

Kaya nga admiring from afar nalang.

Malapit kami sa upuan ni luel at yung isa naming kaklase niyaya si luel tyaka si girlals.

Hayts sana all

Mukha bubukod sila once nasa mall na kami. Para mag date..

Itigil mo yan self wala ka namang karapatan mag silos.

Umayos na ako ng tayo at nakinig nalang sa usapan nila.



___ ____ ___





After class nag kita kami sa gate.

"Nasan na yung iba?" Tanong nila.

Haytssss

Nakita namin sila sa di kalayuan..pati nadin si luel tyaka si girlals nya.

Behave ka lang beh ok, itigil muna naten ang silos

Nag amabagan kami para ibibigay nalang dun sa driver para ibayad.

Mag kakatabi kami ni lonya at kayrin, nasa gitna si lonya. Ang katabi ko naman sa isang gilid.. sila.

Si girlals

Okay lang, okay lang pramis CHARUTT HAHAHA.

Dito nalang ako lumingon kela kayrin.




Please lang ho ipatigil nyo na tong feelings ko, jokk

___ ___ ___


Nasa mall na kami ngayon at grabe ang kukulit nila at ang ingay hahahah


Dito kami dumaan sa entrance ng sm store.


Nakikita ko silang dalawa na nag titingin tingin din ng mga damit.

Hayts when kaya kami ganyan JOKKK

Sumama nalang din ako kela kayrin at lonya.




___ ____ ___

Nandito na kami ngayon sa quantrum ba yun.

Naka pasok na kasi kami.

"Guys teka lang puno pa yung-- ay yon oh" sabi nila.

Yung ibang karaoke room kasi na arkila na.

Pero bukas na den naman yung dalawa dun sa dulo na ngayon lang namin nakita.

"Arat arat" sabi nila.



Nakita ko sila luel at girlals, nandun sila sa claw machine.



Pinipicturan ni crushie si girlals.

Hayts sana all..

"Tara na beh huy" sabi ni kayrin saken.

"Hoy beh sabi ko na kasi sayo move on na--"

"Cr muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Geh hintayin ka namin dito ha" sabi nya, tumango lang ako.


Tumango lang ako.

Nag lakad na ako papunta sa cr.


Buti wala masyadong tao.

Tumingin ako sa salamin.

Self behave ka lang ha

Pumunta ako sa isang cubicle and do my thing.


Pag katapos ay lumabas na ako.


Pero bigla kong nahulog yung lipstick ko habang nilalagay sa bag ko- AMPOT




Pupulutin ko na sana ng may pumulot na.


Hayts kala ko naman sya.


Pero okay lang- ANG GWAPO SHEMSZ


Binigay nya sakin yung lipstick ko.


Ngumiti ako dito at nag thank you.








Ang gwapo nun ha.




behaveWhere stories live. Discover now