Napahawak ako sa ulo ko, naririndi na ako sa boses ni Gwy, para siyang nag-eecho sa isip ko.

"Magbanlaw ka na nga sa gripo at may lotion ka agad, 'yong galing kay Zack. Ang itim mo na."

"It's tan, morena. I like my color, no, I love it!" Bumaling siya ng tingin kay Joepette, "Samahan mo ako sa gripo."

"Yes po Miss Gwy."

Humiga ako ulit sa duyan.

Ang dami kong kailangang gawin, kung kailangan kong gawing umaga ang gabi para lang malutas lahat ng ito, gagawin ko.

Kailangan kong hanapin si Erra, ang anak ko.

Kailangan kong malaman kung namatay ba talaga si Papa dahil sa bangungot o may pumatay sa kanya.

Kailangan ko ring malaman ang connection ni Mang Jun kila Ely at Eya.

Kailangan ko ring mahanap si Nay Shielo, at paaminin si Mike kung nasaan ba talaga ang Tatay Rumel niya at the same time ay kailangan kong magtrabaho para sa gamot ni Gwy.

Para namang nung nagpasabog ng problema ay gising na gising ako, nasalo ko yata lahat.

"Miss Tyra."

Hayy.. paano ba makakapagpahinga ang isip ko nito? Tuwing susubukan kong umidlip, may tumatawag sa akin.

"Bakit Ambo? Ano'ng kailangan mo?"

"Sorry po sa istorbo Miss Tyra, gusto ko lang po sanang magpaalam sa iyo."

Curious akong tumingin sa kanya. "Magpapaalam? Bakit?"

Napahawak siya sa batok niya, mukhang hindi mapakali. "Kasi po, ano po e, ahmm, nagba-vlog po kasi ako Miss Tyra, nagsisimula pa lang. P'wede ko po bang i-upload sa social media account ko 'yong nakunan kong video ninyo na tumatalon si Pega sa bakod? Ang angas po kasi, para kayong nasa action movie."

Hindi ko pa nga pala nasasabi 'yon kay Tito. "P'wede naman pero magpaalam ka rin Kay Tito ha."

"Opo, maraming salamat po Miss Tyra." Nag-bow siya bago lumapit may Joepette.

Hindi na ako bumalik sa pagkakahiga, pinagmasdan ko na lang ang asul na asul na langit.

Siguro kung nandito lang sana sila Mama, hindi siguro ganito kalungkot. 

Alas cinco na ng hapon kami nakarating sa bahay, deretso ako sa kuwarto namin, wala namang pumigil sa akin dahil parang babagsak na talaga ang katawan ko.

"Gusto mo ba ng masahe ulit?" Tanong ni Gwy pero napabuntong hininga lang ako, dahil sa masahe na 'yan kaya lalong gumulo ang isip ko.

"Iwan mo muna ako dito sa kuwarto Gwy. Bantayan mo muna si Gwy, narinig kong maggo-grocery sila Tito, walang kasama 'yong bata sa baba."

"Actually Sissy kasama nila si Clarry at s'yempre sasama din ako."

"Huwag kang magpapabili, mahiya ka naman."

"Grabi siya, s'yempre hindi! Ikaw, ano ba'ng gusto mo? Bibilhan kita."

"Wala. Ipunin mo na lang 'yang pera mo. Sige na, iwan mo na muna ako, gusto kong mapag-isa."

Pagkaalis nila Tito ay inisa-isa kong buklatin lahat ng naiwang gamit ni Mama Arah, gusto ko sanang basahin ulit 'yong mga libro niya pero napansin ko ang isang scrapbook na nasa ilalim ng mga luma niyang folder.

Tiningnan ko isa-isa ang mga pictures na nakalagay doon pero si Mama at Papa lang ang kilala ko, at pati na rin si Tito Chordie.

Nasaan na kaya 'tong mga 'to? May alam kaya sila sa nangyari sa mga magulang ko, lalo na kay Papa?

Chordie, Melody, Sharfaye, Peter, Xylou, Monica, Rainne.. Kailangan kong makausap si Tita Rainne.

Napahawak ako sa kwintas ko. "I love you Papa, para sa iyo 'to, sa inyo ni Mama."

Ibinalik ko na sa ka kabinet lahat ng gamit ni Mama. Kailangan kong mahanap at makausap kahit isa lang sa mga kaibigan ni Mama at Papa, siguro naman ay tutulungan nila ako.

Napasilip ako sa bintana. Abalang-abala si Mang Jun sa pagdidilig ng mga halaman kahit medyo pa-dilim na.

Kinuha ko sa bulsa ko ang kwintas na napulot ko sa burol. "Ito ang magbibigay sa akin ng kaliwanagan ng mga haka-haka ko."

Nagpalit ako ng damit na pambahay at pinuntahan si Mang Jun sa likod-bahay.

"Mang Jun."

"Tyra! Nandito ka pala, hindi ka sumama sa Tito mo mag-grocery?"

"Hindi po." Sagot ko at umupo sa upuan na nasa gitna ng garden, "Masama po ang pakiramdam ko e. Kayo po? Nag-meryenda po ba kayo? Gabi na po pero nagdidilig pa rin kayo, mukha naman pong uulan."

Pinatay niya ang gripo at umupo sa tabi ko. "Baka hindi tumuloy ang ulan kaya nagdilig pa rin ako. Kumusta ka?" Mukhang sincere ang pagkakatanong niya.

"Magulo po ang isip pero okay naman po." Sagot ko

"May alam ka na ba?"

Pilit akong ngumiti. "Kung ang tungkol po sa Papa ko ang tinatanong ninyo, wala pa po pero sigurado akong malapit ko na malaman ang totoong nangyari." Napatango-tango siya, "Mang Jun, nasaan po ang pamilya ninyo?"

Napahawak siya sa batok niya. "Wala.. wala na, hindi ko alam. Sobrang tagal ko sa bundok, wala na akong alam. Patay na ang asawa ko pero 'yong anak ko–" Tumingin siya sa akin. "Kung mag-aasawa ang anak ko, ayaw ko na sa katulad ng kapatid mo siya mapupunta."

"L-Lalake po ang anak mo?"

Ngumiti siya at tumango. "Mang Jun, alam ko pong tutulungan ninyo ako hindi dahil may utang na loob kayo sa akin kun'di dahil alam kong mabait kayo, mabuti ang puso ninyo. Gusto ko po ng katotohanan." Sabi ko at inilabas ang kwintas na napulot ko.

"Bakit nasa iyo 'yan? Saan mo nakuha 'yan?"

"Bago ko po sagutin ang tanong ninyo, sagutin mo po muna ang tanong ko. Mang Jun –" Napatingin kami pareho sa tapat ng gate, may huminto sasakyan. Sa kapit bahay lang pala kay tiningnan ko ulit si Mang Jun.

"Ikaw po ba si Junnie? Junnie Bacalso?"

Napaurong siya. "Paano? Paano mo nalaman ang pangalan ko? Wala namang nakakakilala sa akin, hindi nila alam ang tunay kong pangalan."

Walang ibang nakakakilala sa kanya maliban kay Tito. Pero hindi ko naman tinanong si Tito tungkol sa kanya, I mean tinanong ko pala pero hindi siya sumagot ng maayos.

"Kung saan ko po kayo nakita, doon ko po nakita ito." Sabi ko, kukunin niya sana sa akin ang kwintas pero ibinalik ko sa bulsa ko. "Sa akin na po muna ito, baka biglang hanapin sa akin ng anak ninyo. Sabi ko kasi Kay Ely e ibibigay ko 'to sa kanya bukas."

Bigla siyang napatayo at kitang-kita ko ang pagluha niya. "Si Eleazar? Nandito siya? Nandito ang anak ko? Buhay siya?" Sunod-sunod na tanong ni Mang Jun sa akin.

"Nasa Farm po siya ng mga Musico. Doon siya nagta-trabaho kasama ang isa pa ninyong anak, si Eya."

Napakunot noo si Mang Jun. "Sino kamo? Eya? Sino 'yon?"

"Si Eya po, Dahlia. Anak din po ninyo."

Umiling si Mang Jun. "Patay na ang anak kong babae, si Eliza, Ate siya ni Ely. Wala na akong ibang anak na babae, iha."

Napahawak ako sa dibdib ko.

Kung hindi anak ni Mang Jun si Eya, sino siya?

At kanino siyang anak?

* End of Chapter 38 *

A/N: Sino si Eya??
Hey Chubbabies! Keep rockin' and stay guurjess!

  — gytearah 🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now