Napa "o" naman ako. Iba-iba naman ang reaksyon ng tatlo, meron diyang tumatalon habang natatawa meron humahampas sa lamesa dahil sa kilig at meron din jan yung bitter.

"Ang jeje niyo! Walang forever hoy!"iritang saad ni clyde.

Wow talaga, wow na wow! Kung hindi ako nawalan ng malay at hindi ako napunta dito sa clinic. Hindi ko malalaman na may something pala si ateng nurse at 'tong si max.

Dami naman niyang babae jusko. Kawawa naman yung mga niloloko niya.

Nagpekeng ubo naman si ateng nurse at lumapit sa lamesa at kinuha ang tray. Pagtalikod nito ay bumaling ito sa 'kin.

"Alis na 'ko sila na ang bahala sa 'yo. Kapag may kailangan ka tawagin molang ako."saad nito habang nakangiti.

"Cge."

Tumalikod ito at naglakad papunta sa pinto pero tumigil ito at limingon sa 'kin.

"Yung sinabi ko a yang mga guard mo hmmm."natawa naman ako sa sinabi nito at tumango nalang.

Masama naman ang tingin nang tatlo sa kanya at inirapan nalang sila ng nurse. Tumingin ito sa 'kin at ngumiti  tsaka tumalikod na at lumabas.

"Kailan pa naging kayo?"tanong ko kay kaizer.

"Huh? N-nililigawan palang."saad naman nito.

Naghiyawan naman ang tatlo at inirapan naman sila ni kaizer.

Iba talaga kapag gwapo, ang dami nilang chix halos 'dimo na mabilang. Pero hindi ko naman nilalahat. Yung iba loyal sa isa yung iba naman loyal sa lima. Wowers!

Paano nalang kung malaman yung mga babae ni kaizer na marami sila edi kawawa siya pag nagkataon. Baka susugod yung mga 'yun dito tapos pag-isa-isahin nila siya. Edi triple k1ll.

Mga ilang oras na rin akong nandito sa clinic. At 'tong mga mokong na 'to tulog narin. Naboboring siguro sila kaya natulog nalang.

Matutulog narin sana ako nang biglang pumasok si ateng nurse. Kumunot naman ito nang makitang ang apat na natutulog.

May dala itong first aid kit na malaki. Sigyro gagamutin na niya ulit tong sugat sa labi ko.

Alas tres na pala?! Hindi ko namamalayan na matagal na pala akong nakatunganga. Charot.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay lang."

Ngumiti naman ito at lumapit sa 'kin. Bumangon ako at umayos ng upo. Inilapag nito ang gamit sa lamesang tabi ng kama at binuksan.

Kumuha lang ito ng bulak at may inilagay doon na hindi ko alam. Humarap ito sa 'kin at dahan dahang idinikit ang bulak sa gilid ng labi ko.

Medjo masakit dahil siguro sa inilagay nito sa bulak pero hindi ko na 'yun ininda.

"Pagkatapos nito pwede ka nang bumalik sa classroom niyo."saad nito habang nililigpit ang pinanggamitan niya.

"Cge po."saad ko. Tumawa naman ito at napailing. Kumunot naman ang noo at takang tumingin sa kanya.

"Ano kaba 21 palang ako no. Tanggalin mo nga yang po para naman akong matanda diyan."

"Hehe sorry."

"Okay lang. Just call me ate rose."saad nito habang naka ngiti. Tumango naman ako na may malawak na ngiti.

"Ikaw ba ilan taon kana?"saad nito sabay kuha ang gamit.

"16 ate rose."

"Ah so grade 11 kana."tumango naman ako bilang sagot.

Mga ilang minuto na nga kaming nag-uusap nang maisipan na niyang lumabas. Ginising kona din yung mga kasama ko para makauwi na kami.

Sabi kase ni ateng nurs-rose, uuwi na kami. Nabitin pa ata sa pagtulog yung apat na mga mokong na 'to. Napagod kase sa kakalaro.

Gusto pa sana nila akong ihatid kaso tumanggi ako. Baka ma issue pa chismosa pa naman yung nga kapit bahay namin.

Nagtext na nga ako kay kuya na papauwi na ako para hindi sila mag-alala. Hindi na nga din ako nagpasundo kay kuya fiore dahil ayoko silang maabala.

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si mama na nanonood sa sala ng k-drama habang kumakain ng pop-corn.

K-drama na naman?!

Tumingin naman ito sa 'kin at napaayos ng upo.

"Oh nak ba't ang aga mo, alas kwatro palang ang uwian niyo diba?"tanong nito.

Umupo ako sa tabi nito at kumuha ng pop-corn tsaka ito kinain.

"Napaaga lang po ang uwi namin, may meeting raw po kase yung mga teacher's."pagsisinungaling ko.

Ayokong sabihin kay mama ang totoong nangyari dahil kapag nalaman niya dalhin pa 'ko sa hospital. Grabe pa namang mag-alala 'tong si mama.

Nung bata ako naglalaro kami ng lola ko tapos nadapa ako at nagkaroon ng sugat sa tuhod. Tapos ayun tinakbo ako sa hospital.

Kaya ayokong sinasabi sa kanya yung mga nangyayari sa 'kin oh di kaya kapag may sugat ako dahil kapag dinala ako sa hospital gagastos lang ng pera.

Ewan ko nga tong si mama napaka over protective niya pagdating sa kalusugan namin at katawan. Kaya siguro ang kinis ko at halos wala akong makitang kahit isang peklat sa balat ko.

Yan ang gusto ko. Ahihihi I love you ma!














Enjoy Reading!
The Only Girl In Section D.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now