Chapter 1

82 4 1
                                    

Amethyst's POV

"Miss Serrano, Miss Serrano." paulit-ulit na naririnig ko habang natutulog ako. Ano bayan hanggang sa panaginip tinatawag parin ako ni Sir Melvin, crush niya siguro ako.

"Miss serrano naririnig moba ako?" Oo naman Sir Melvin syempre naririnig kita may tenga ako eh.

Nung wala na akong marinig na boses ni Sir Melvin, naging tahimik na ang pagtulog ko kanina pa ako naiinis sa kanya. Kanina pa niya ako tinatawag hindi naman niya sabihin kung ano ang kailangan niya. Hay nako si Sir Melvin, siguro time mo na para mag-asawa.

Nagulat ako dahil sa lakas na paghampas ni Sir Melvin sa black board kaya napatayo ako nang dahil sa gulat.

Narinig korin ang tawanan ng mga kaklase ko. Baliw ba sila?nagagalit na nga si Sir Melvin tumatawa pa sila.

"Miss Serrano follow me to the office now!" Wow galit na galit gustong manakit?

"Bakit sir?"tanong ko kay Sir Melvin, pero wala akong natanggap na sagot galing sa kanya, at Umalis nalang bigla.

Nireregla siguro ngayon si Sir Melvin kaya galit. Daig pa babae kapag magalit ah.

Sumunod nalang ako sa utos niya at sinundan siya. Pagkarating ko sa office niya,umupo ako sa sofa at umupo din siya sa swivel chair niya. Kinakabahan ako baka kung ano ang gawin sakin ni Sir Melvin.

"Miss serrano." nagulat ako sa pagtawag sakin ni Sir Melvin kaya napatayo ako.

"S-sir?"kinakabahan kong sabi.

"Alam moba na kapag oras ng klase ay bawal matulog." Galit na sabi ni Sir Melvin.

"O-opo sir, sorry po hindi ko na po uulitin pasensya napo."sunod-sunod kong sabi.

"Alam moba na sinasabi sakin ng mga subject teacher mo na oras ng klase natutulog ka." hindi bakit? Inaantok ako eh bakit ba?

Kasalanan koba kung bakit ako napuyat kagabi kaya ako nakatulog ngayon. Kase naman ih busy ako kagabi sa kakatitig sa abs-este sa mukha ni crush uyy!

Chinat konga yun kagabi kaso sineen lang ako. Siya kaya yung first crush ko alam niyo yon? Syempre hindi kase chapter one palang to kaya magsisimula palang yung buhay keneme ko dito-

"Miss Serrano answer me!"ayan na naman si Sir Melvin oh nanggugulat.

"S-sir? Nasan po?"

"What?"

"Nasan sir?"

"Yung ano?"si Sir Melvin talaga oh. Sabi nila palagi daw akong lutang pero ngayun si Sir Melvin naman pala yung lutang.

"Yung question sir."sabi ko at ngumiti ng matamis.

Oo matamis hindi mapait.

"Isa pa Miss Serrano napupuno na ako sayo"sabi niya habang nagpipigil ng galit "...kapag inulit mo pa ito hindi na ako magdadalawang isip na ilipat ka sa section D."tumayo na si Sir Melvin at umalis.

Section D? Di ba section ng mga hindi marurunong magbasa at mga hindi matatalino ang nandoon, at puro mga lalaki ang nandoo- omg no hindi pwede.

Hinabol ko si Sir Melvin para sabihin sa kanya na ayoko sa section D.

"Sir sandali!"tawag ko sa kanya.

Hingal na hingal nako kakatakbo hindi ko parin mahabol si Sir Melvin kaya binilisan kona ang takbo pero may nabangga ako.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now