PROLOGUE

24 2 0
                                    

Prologue

"Jas, if returning those things na binigay ko sa'yo would ease the tension, I understand, do what you think is best. Wag ka mag alala, I won't take it negatively. Sorry for all these hurts and hassle na nangyari sa'yo because of me."

Ito na naman ang mga luha kong nagbabadya. Kailan ba 'to mauubos?

"It's best na rin siguro to clear things up and end it here para wala na rin tayong ma-inflict na pain sa isa't isa. Lalo na ako, para rin I won't hold you back anymore.. You still have a lot of things to accomplish boss, it would be such a hassle kung magiging liability pa ako sa'yo.. There are no hard feelings, but I think it's wise and best for you to move forward, boss."

Again.. My heart feel like it's tearing apart. Pang ilang beses ko na ba ito binasa? Bakit ang sakit pa rin? Bakit masakit pa rin...

"Go in peace my Jasmin. It's been a good experience with you. Move forward. Ayoko lang na umusad ka na may bitterness at hurt na dinadala ng dahil sa'kin, you don't deserve that. Know that I keep on praying for you, so go ahead and move forward. I love you.. 'Till next time, my love."

Tuluyan na ngang nabalot ng kadiliman ang apat na sulok ng kwarto. Hinagis ko ang cellphone sa ilalim ng unan at nagtalukbong ng kumot.

Tama na.. Awat na. Bumitaw ka na Jasmin kasi siya nakabitaw na. Mahihirapan ka lang lalo kung palagi mong babalik balikan yung nakaraan niyong dalawa..

PAHIMAKASWhere stories live. Discover now