Chapter 6

240 6 0
                                    

Chapter 6

It almost a month since the tragedy happened. Hanggang ngayon, nakakulong ako sa loob ng kwarto ko, walang gustong kausapin miski isa sa kanila dahil mas pinili kong mapag-isa habang nagpapagaling.

Maayos naman na ang lagay ko. Nakakalakad na ulit ako pero patuloy pa rin sa paggaling ang paa ko. Iyon kasi ang malubhang natamaan sa akin dahil naipit ito ng drawer at pinilit ko lamang alisin. 

Napaisip tuloy ako sa huling sinabi ko kay Nikolaus. Hindi ko alam kung hihinto na ba ako sa pagiging asawa niya at aalis na dito dahil alam kong hindi lang ito ang posibleng mangyari sa akin. Baka sa susunod... tuluyan na talaga akong mamatay. Pero ilang buwan nalang naman ay mamatapos na ang kontrata ko sa kanya at tuluyan ko ng makukuha lahat ng pera.

Ngayon pa ba ako susuko at aalis?

Lalo na nang may matuklasan ako patungkol kay Wynnona Snow na posibleng makatulong kay Nikolaus.

Pero dapat pa ba akong makielam?

Wynnona Snow...

Siya ang rason kung bakit nangyari sa akin ito. Kung hindi niya ako kinuha at kinulong sa kwarto, hindi sana ito mangyayari sa akin.

It's dinner time and I chose to go downstairs. Hindi ko alam kung nandyan na si Nikolaus. Ngayon na lamang din ako baba pagkatapos ng halos isang buwan na pagpapagaling sa loob ng kwarto ko. Wala na akong ideya kung ano ang nangyayari rito.

"Ma'am Malia," nilapitan agad ako ng isang maid. "Bakit po kayo bumaba? Ayos na po ba ang pakiramdam niyo?"

"Ayos na po ako. Nandyan na po ba si Nikolaus?" Nagtanong ako.

"Naku, kahapon pa po hindi umuuwi si Sir."

Napakunot ang noo ko. "Saan daw po nagpunta? Si Briggs po ba nandyan?"

"Hindi po nabanggit kung saan ang punta nila pero kasama niya po ang lahat. Pero marami pa rin naman po sa tauhan ni Sir ang natira dito para magbantay sa atin lalo na po sa inyo, Ma'am." Tumango na lamang ako. "Maiwan ko po muna kayo, Ma'am. Ipaghahanda ko lang po kayo ng makakain."

"Salamat." Sabi ko at umupo muna sa may sala.

Kahapon pa pala sila hindi umuuwi. Saan naman kaya pumunta sina Nikolaus?

Hindi ko na nahintay pa ang pagkain at tuluyan ng nakatulog sa couch. Medyo mahina pa rin ako ngayon kaya kailangan ko pa rin magpalakas.

"Why is she here?" Naalimpungatan ako at nabosesan agad si Nikolaus.

"Kanina niya pa po kayo hinahanap at hinihintay, Sir."

"Did she already eat?"

"Nakatulog po siya habang pinaghahanda ko po siya ng pagkain. Hindi ko na po siya ginising pa dahil mukhang mas kailangan niya pa po ang magpahinga."

"I'll take care of her, you can rest now." Pagkatapos marinig iyon ay nakatulog na muli ako.

Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Madalas ito ang bangungot sa pagtulog ko. Kaya minsan, natatakot akong matulog dahil baka ito na naman ang bumungad sa akin.

Sikat na ang araw pero ito ako, gising na gising pa rin. Hindi ako makatulog dahil sa sobrang daming iniisip. Hanggang ngayon din, hindi pa kami nakakapag-usap ni Nikolaus nang maayos. Palagi kasi s'yang wala. Bukod sa kumpanya niya, hindi ko na alam kung saan pa siya pumupunta.

Sumilip ako sa bintana at natanaw na paalis na si Nikolaus ng mansyon. He's wearing his usual business attire clothes.

"Nikolaus!" Pasigaw akong bumaba sa baba at sinubukang habulin siya. Ayokong magdaan ang araw na 'to na hindi na naman kami makapag-usap.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now