Chapter 10

6 2 0
                                        

Impulsive decision, ganun ko sya mailalarawan. Kasi siguro hindi ko kaya na mawala sya sa akin as a friend. Parang kakasimula palang ng pagkakaibigan namin masisira na agad? Hindi ba pwedeng kilalanin muna namin ang isa't isa?

Mas pinili ko na tanggihan muna sya ngayon, kasi kung sya nga na naguguluhan pa sa nararamdaman nya kay Jan kahit wala iyung kasiguraduhan, sa akin pa kaya? Gusto ko si Jan, deretsyo ko iyon na masasabi, walang pag aalangan kaya mahirap sa akin na pumayag kay Zairo na may nararamdaman pa kay Jan. Tsaka sabi naman nya ay hindi sya nagmamadali sa sagot ko kaya mabuting pag isipan ng maigi ang mga bagay-bagay.

Pagkatapos ng camping namin sa school ay napagdesisyunan ni Jan na umuwi sa kanila. Gusto daw muna nyang manatili muna doon dahil miss na nya ang Mommy nya. Kaya mag-isa lang tuloy akong uuwi sa bahay, mabuti nalang ay natawagan ko kaagad si Vester para masundo ako. Sakto naman na sa bahay muna sya tutuloy dahil buryong buryo na sya sa bahay. 

"Sige na Ate, mauna ka ng pumasok sa loob. Ako na ang bahala sa mga gamit mo," saad nya nang akmang kukuhain ko na ang mga dala ko. Tumango nalang ako sa kanya at hinanap na ang susi sa bag ko.

Pagkabukas na pagkabukas palang ay sumalubong na sa akin ang malakas na sampal na hindi ko inaasahan. "Hindi ka talaga titigil no?" Napahawak ako sa pisngi ko at tinignan ang gumawa nuon. Agad nangilid ang luha ko nang makita ang taong sumampal sa akin. Narinig ko din na may bumagsak sa sahig at lumapit sa akin si Vester na mukang gulat din sa nangyari. 

"A-ano na naman pong ginawa ko? Mawalang galang na po pero nanahimik lang po ako dito sa bahay." Sinubukan kong tatagan ang boses ko. 

"Hindi mo alam ang ginawa mo? Pwes sasabihin ko sayo ngayon. Hindi ka pa nakuntento na makasama nalang ang nag-iisang anak ng Synn, dinagdagan mo pa. Ngayon naman ay ang bunso ng Xaxier. Ano bang plano mo sa kanila, ha? Kulang na kulang ka ba sa atensyon? O para ipahiya ako?" Nanginginig ako habang nagsasalita sya. Dahil alam kong bawat salita na lalabas sa bibig nya ay makakasakit sa akin. Dahil hindi ako sumagot agad sa kanya ay hinatak at hinawakan nya ng mahigpit ang kaliwang braso ko. Lalong napalapit kami sa isa't isa at kitang kita ko kung gaano sya kadismiyado sa akin. Nababasa ko rin sa mga mata nya ang labis na galit. 

 "Mom, let go of her. You're hurting my sister, stop it." Si Vester ang syang nagtanggal sa akin sa pagkakakapit ng nanay nya.  

"Did you see that, Xaxine? Yan ba yung gusto mo? Ang kamuhian ako ng lahat lalong lalo na ng anak ko? Fine, I am and forever ungrateful of you. That you became my daughter, because you don't deserve it." Galit na galit na saad nya. Parang bala iyon na tumagos sa puso ko. 

 "Pa.. papaano nyo pong nasasabi yan sa akin? Kahit konting pagmamahal po ba ay wala kayong nararamdaman sa akin? Anak mo ko. Kahit ayaw mo ay anak mo ko, sinilang, binuhay at bitbitin mo ko hanggang sa huling hininga mo. K-kailan mo ba ko tatanggapin? Kahit minsan ba ay naisip mo na kailangan ko din ng ina?" Hindi ko sya gustong sumbatan pero gusto kong mapagtanto nya na anak din nya ako. "Sobrang bata ko pa pero nagawa mo kong palayasin sa bahay. May narinig ka ba sa akin, Mrs. Xai? Hindi mo ko pinapapunta sa kaarawan ni Vester dahil kinakahiya mo ko. Hindi ako magkaroon ng buong pamilya dahil.. dahil ayaw mo sa akin. Hindi ka kailan naging masaya para sa akin kahit hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit sobra mo kong kinamumuhian. Mas maiintindihan ko pa kung anak ako sa labas, ampon mo lang ako o gawa lang ako sa kasalanan. Pero hindi eh, ginusto mong mabuhay ako, ginusto nyo ni Papa na magkaroon ng anak at ako ang naging bunga nuon kaya hindi ko kailan man naisip na kasalanan ko na nabuhay ako kahit iyon ang palagi mong pinaparamdam sa akin. Gustong-gusto rin kitang tawagin na Mama kasi ina kita eh, mahal kita kahit anong sakit pa yung ibigay mo sa akin. Kahit pinaramdam mo sa akin na ayaw mo kong maging anak." Halos maubusan na ko ng hininga sa lahat ng sinabi ko. 

"Tama ka, anak kita, dugo at papel pero desisyon ko pa rin kung tatanggapin kita bilang anak ko. Tama ka din sa parteng hindi mo ginustong mabuhay sa mundo. Kasalanan na namin iyon na mga magulang mo. Pero alam mo ba, nung nakita kita at habang pinapalaki kita, doon ko napagtanto na sana hindi ko muna hiniling na magkaroon ng anak." Sa unang pagkakataon ay nakita ko syang umiyak. Tuloy-tuloy na nagbabagsakan ang mga luha nya at kahit anong punas nya ay patuloy pa rin ito sa pag-agos. "Masakit sa akin na palayasin ka sa pamamahay ko kasi anak pa rin kita pero mas masakit sa akin na manatili ka pa doon dahil alam kong doble pa ang madudulot ko sa'yo na sakit at pagpapabaya. Baka hindi lang kita pinalayas kundi tinaboy at itinakwil na kita. Pero hindi, kahit gusto kitang itanggi na anak kita ay hindi ko magawa kasi nanggaling ka pa rin sa akin. Binigyan mo pa rin ako ng samu't saring emosyon na kahit kailan ay hindi ko naisip na mararamdaman ko sa buong buhay ko. You are my daughter but I feel that I can't be ready to be your mother. Because you are still keeping on disapointing me. I regret bringing you to this world, making you feel like that and experience all of that. Mas gugustuhin ko pang namatay ka nalang sa sinapupunan ko noon kaysa ang makitang lumaki ka ngayon." Pagkatapos nya 'yung sabihin ay dere-deretsyo syang lumabas ng pinto. Natulala nalang ako habang nakatingin pa rin kung saan sya lumabas. Ngayon ko lang syang nakitang umiyak pero parang pinaparamdam pa rin nya sa akin kung gaano ako kabigat para buhatin. Hindi na nya talaga ako matatanggap bilang anak nya dahil andami nyang pasanin para lang magawa iyon.

"She didn't m-mean that, Ate. Believe me, sinabi lang nya yun kasi galit sya ngayon. I... I'm sorry. You don't deserve to hear all of those." Napalingon ako kay Vester nang yakapin nya ako at umiyak sa balikat ko. Alam kong pinapagaan lang nya ang pakiramdam ko pero nakatatak na sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Mrs. Xai. Ng sarili kong ina.

Hindi ko namalayan na sunod-sunod ng nagbagsakan ang luha ko. Parang wala akong nararamdaman pero ang sakit ng puso ko. Alam ko naman na ayaw nya akong maging anak pero parang ngayon nya lang sinampal sa akin ang katotohanang nagsisisi syang maging anak ako. Sana man lang sinaktan nalang nya ako ng pisikal pero dinamay din nya ang emosyonal kong pagkatao. Lalo nyang pinaramdam sa akin na kasalanan ang nabuhay pa ako kahit sinabi nya na sakanila ni Papa dapat iyon isisi. Ang hirap maging anak nya, ang hirap sabihin sa kanya na mahalin din nya ako, kahit kakarumput lang na pagmamahal galing sa kanya.

When You Broke Me FirstTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang