"Ako ba 'yong tinatawag mong M-Mami SB?"

"Opo." Sagot niya at yumakap agad sa akin.

"Bakit?"

"Ayaw po ba ninyo?" Napasimangot siya at napatungo.

"Hindi naman sa gano'n. Bakit SB?"

"Sleeping Beauty po, Mami." Humawak siya sa kamay ko.

"Tawagin daw po kita sabi ni Dada."

"Bakit daw?"

"Kakain na raw po ng tanghalian, baka raw po magutom kayo."

"Sinabi 'yon ng Dada mo?"

"Opo Mami SB. Tara na po, nagugutom na rin po ako e, gusto ko po kayong kasabay kumain."

Nakahawak pa rin sa kamay ko si Eya kahit kumakain na kami.

"Eya, kumain ka nga ng maayos anak." Sabi ni Aleng Adela, ipinaghihimay niya ng isda ang bata.

"Ahh, si Ely po ba kumain na?"

Nagkatinginan ang mag-asawa. "O-Opo Miss Tyra. Medyo kumirot lang daw ang sugat niya kaya gusto niyang magpahinga."

"P'wede ko po ba siyang kausapin pagkatapos naming mananghalian? May . . . may itatanong lang po sana ako."

Agad na tumango ang mag-asawa. "Eya anak, bilisan mong kumain at pupunta tayo sa ilog."

"Ilog? Eh tanghaling tapat po T'yang. P'wede po bang sa Rancho na lang? Gusto ko pong puntahan si Pega." Sabi ni Eya at sinunod-sunod ang pagsubo ng kanin.

"Dahan-dahan lang at baka mabulunan ka." Sabi ko at inabutan siya ng tubig.

"Tara na po T'yang, T'yong! Tapos na po akong kumain, puntahan na po natin ang mga kabayo." Nagtatalon pa si Eya at nauna pa talagang pumunta sa Rancho kahit na tirik na tirik ang araw.

"Maiwan muna namin kayo d'yan Miss Tyra, iiwan mo na lang po ang mga pinagkainan d'yan at ako na ang bahala mamaya. Puntahan mo na si Ely, gising naman 'yon at nagpapahinga lang talaga." Sabi ni Aleng Adela at humawak sa kamay ni Mang Jerry.

"Pag-usapan na ninyo ang dapat pag-usapan, kami na muna ang bahal sa– kay Eya."

Napakunot noo ako, hindi ako dapat nagdududa pero . . . may kakaiba talagang nangyayari.

Niligpit ko lang ang mga plato at uminom ng tubig bago pumasok sa kuwarto ni Ely.

"Gising ka?"

Bigla siyang bumangon. "T-Tyra.. gising ako, may kailangan ka. Mag-uusap na ba tayo?"

Napabuntong hininga ako. "Ano ba talaga ang pag-uusapan natin? Hindi ko maintindihan, wala akong naiintindihan."

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan niya agad ang kamay ko. "Gusto kita Tyra, gusto pa–"

"Gusto ka ng kakambal ko, obvious naman siguro.. Ely–"

Umiling siya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko. "Hindi mo ba naaalala? May alam tayo pareho, bagay na tayong dalawa lang ang nakakaalam. Sobrang saya ko nung–"

"Ely.. Please, huwag muna ngayon, mahirap. Gusto lang talaga kitang kumustahin." Hindi ko pa rin talaga kaya.

Napatingin ako sa kuwintas niya, parehong-pareho nga sa napulot namin sa burol. "Saan galing 'yang kwintas mo?"

Hinawakan niya ang kuwintas at tumingin sa akin. "Kay Tatay ito galing, tatlo nga ito noon eg pero hindi ko alam kung nasaan na 'yong isa, wala naman daw nakita sila T'yong sa mga gamit nila Tatay noon. Bakit?"

Umiling ako agad. "Medyo pamilyar lang ang itsura. May gagawin pa pala ako, magpahinga ka na ulit."

Tumayo na ako pero hawak niya pa rin ang kamay ko. "Salamat sa palaging pag-aalaga kay Eya."

"Wala 'yon, para ko na rin siyang –" Napahawak ako sa ulo ko, "Mahilig lang talaga ako sa bata."

"Hihintayin pa rin kita."

"Pasensya ka na Ely. Huwag kang mag-alala, ako na mismo ang lalapit sa 'yo kapag handa na akong mapakinggan 'yang sinasabi mong alam natin pareho. Sa ngayon kasi masyadong magulo ang isip ko, wala akong maalala." Tumango lang siya at binitawan na ang kamay ko.

Paglabas ko ng kubo ay nadatnan ko si Joepette, nakatingin siya sa akin at tumingin din sa pinto kung saan ako galing.

"May something ba kayo? Ahmm, sorry Miss Tyra, hindi ko sinasadyang marinig. Hinahanap kita kasi may papapirmahan sana ako, kailangan na kasi 'to ngayon."

"Nasaan? Pipirmahan ko na at mamaya na tayo mag-usap. Naguguluhan pa rin ako Joe, wala naman akong amnesia pero bakit parang may alam silang hindi ko naman maalala?"

Hindi na nagtanong ulit si Joepette, dumating na rin kasi si Tito at pagkatapos niyang magpasuweldo ay umuwi na rin kami dahil wala naman daw gaanong gagawin sa farm ngayon.

"Pupunta tayo bukas na madaling araw kay Mike." Sabi ni Tito, nasa byahe na kami pauwi sa bahay.

"Okay po." Nakapikit kong sagot, parang pagod na pagod ang katawang lupa ko at pati na rin ang isip ko.

"Pagdating mo sa bahay ay magpahinga ka. Hindi mo naman kasi kailangan magpagod sa farm anak, marami naman tayong tauhan, trabaho nila 'yon at sumu-suweldo naman sila ng tama."

"Alam ko naman po 'yon Tito, hindi ko lang po talaga kayang makita na nagpapagod sila tapos ako nakatayo lang at nakatingin sa kanila."

"Para ka talagang Mama mo. Kaya hindi ako natatakot na mawala eh, dahil alam kong nand'yan ka, kaya mong patakbuhin at mas palaguin pa ang naiwang lupain ng Lola ko. Wala talaga kasi akong aasahan d'yan sa kapatid mo."

"Hindi ka mawawala Tito. Marami pa po tayong pababagsakin para tuluyan ng maging payapa ang buhay ng mga Musico. Sana lang talaga ay makipagtulungan na 'yang si Mike para mahuli na ang Tatay niya."

Paghinto ng kotse ay dumeretso na ako agad sa kuwarto namin at humiga sa kama.

"Huyy, magpalit ka muna ng damit." Sabi ni Gwy at binato ako ng unan.

Napilitan akong bumangon, nag-shower ako saglit at paglabas ko ay inabutan ako ni Gwy ng pamalit.

"Salamat."

Padapa akong nahiga sa kama, naramdaman ko na lang na may nagmamasahe sa likod ko, ang sarap.

"Medyo taas, sige pa, 'yan! 'yan, madiin. Hay, sarap sa pakiramdam."

Nagpatuloy sa pagmasahe ng likod ko ang kapatid ko.

"Sissy."

"Hmm?"

"Gusto ko talaga si Ely."

Hindi ako umimik.

"I'm serious now Tyra, p'wede mo ba akong ilakad sa kanya? Hindi kasi effective 'yong nga pag-ngiti at pagkindat lang. Ano ba'ng dapat kong gawin para magustuhan niya ako? Susundin ko lahat ng sasabihin mo, promise. Kailangan ko bang magsuot ng mahahabang damit para hindi kita ang legs at cleavage? Kailangan ko bang tumulong sa Farm? Sa Rancho? Kailangan ko bang bigyan palagi ng pasalubong ang kapatid niya, makipaglaro, ano? Ano'ng dapat kong gawin para magustuhan ako ni Ely?"

Tumigil na siya sa pagmamasahe at humiga sa tabi ko, niyakap ako.

"Just be yourself Gwy Tara. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo o magkunwari para lang magustuhan ka ng lalakeng gusto mo. Be yourself, just be yourself." Sabi ko at pumikit na, ang sarap na talaga matulog.

"Sissy.."

"Hmm?"

"May naalala lang ako."

"Ano 'yon?"

"Sa tingin mo, buhay pa kaya ang . . . ang a-anak mo? At kung buhay pa siya, nasaan na kaya siya ngayon?"

Bigla na lang sumabog ang luha ko dahil sa sinabing 'yon ni Gwy.

* End of Chapter 34 *

A/N : Hey Chubbabies, keep rockin' and stay guurjess!!

  — gytearah 🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now