"Ang sarap namang tumambay dito." Aniya habang nag-iinat. "Patambay muna ako dito, ah." Ngisi niya pa.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Dahan-dahan naman siyang humiga sa damuhan.

Tunog ng mga huni ng ibon at ang ihip ng hangin lang ang naririnig namin ngayon. Pinapakiramdaman ko si Valentine sa gilid ko. Pasimple ko siyang tiningnan.

Nakatakip ang isang braso niya sa kanyang mga mata. Nakaawang ng kaunti ang bibig niya. Wait, natutulog ba siya? Ganun kabilis? Really?! Napailing na lang ako.

"Valentine, are you sleeping?" Mahinang sambit ko. "Matulog ka lang muna ha. Diyan ka lang. Hayaan mo lang akong magsalita."

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Tumingala ako sa langit.

"Bakit ganun, Val? Hindi ko naman deserve ang masaktan ng ganito. Ba't nila nakaya na i-take for granted lang ako? Anak naman nila ako, ah. Di ba sila masaya na isinilang ako? Am I just a product of a one-night stand na hindi napanindigan? Sana ipinalaglag na lang nila ako. Hindi yung tatratuhin nila akong ganito." Panay na ulit ang pagpunas ko sa mga luhang nag-uunahan sa mga pisngi ko.

Napatalon ako sa gulat dahil may tumapik sa balikat ko. Mabilis kong nilingon si Valentlne. Malungkot siyang ngumiti sa akin. At ewan ko ba kung anong sumapi sa akin dahil agad ko siyang niyakap.

"Val," hagulhol ko. "Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga. Ang sakit dito, oh." Turo ko sa dibdib ko. "It's so damn unfair!"

Para akong isang bata na nagsusumbong sa kanya. Hindi naman siya nagsalita. Nakinig lang siya sa mga hagulhol at ka-dramahan ko. Marahan lang niyang tinatapik ang likod ko. I guess it's his way of trying to calm me down.

I know I'm being clingy right now. Dahil sa pagkakataong ito, si Valentine lang ang meron ako. Siya lang ang nandito at nagtiis na makinig sa akin ngayon.

"Alam mo Helaina, ganyan naman talaga eh. Kahit kailan hindi naging patas ang mundo. Hindi ko alam ang buong storya ng pamilya niyo. Pero sa totoo lang, halos magkapareho tayo ng sitwasyon." He said while still patting my back. "Wala tayong magagawa kundi ang tanggapin na lang kung anong nangyayari sa atin. Just learn to accept the fact na hindi tayo napanindigan ng mga magulang natin." Napatulala ako sa sinabi niya.

"But it's so unfair, Val. Fucking unfair. I'm hurting and they're not." Mariing bulong ko.

"Nung nasa Green Coffee tayo, nakita ko ang mukha ng daddy mo, Helaina. He was looking at us noong nasa parking lot tayo." Aniya. "Pain and regret was written all over his face."

Hindi ako nagkumento sa sinabi ni Valentine. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi nakita, eh.

Hindi na rin naman na nagsalita si Valentine. Tahimik lang niya akong niyakap hanggang sa natigil na ako sa paghikbi.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Yumuko ako para punasan ang mga natitirang luha ko nang biglang inangat ni Valentine ang mukha ko. Napatingin ako sa mga mata niya. He gently cupped my face and smiled at me.

"It's your birthday. You shouldn't be crying. You're supposed to be happy today." Wika niya. Napanguso lang ako at nag-iwas ng tingin.

"How would I celebrate it? Ang dami ko kayang pinoproblema. Ang mommy at daddy ko, si Gael--"

"Shh!" Putol niya sa sinasabi ko. "Kalimutan mo muna ang mga 'yan. Hindi pa tapos ang birthday mo. Tara, celebrate tayo!" Tumayo siya at pinagpag ang cargo shorts niya. Pagkatapos nun ay naglahad siya sa akin ng kamay. Tinanggap ko yun at tinulungan niya akong makatayo.

"San tayo pupunta?"

Matamis na ngiti lang ang isinagot ni Valentine sa akin.

"Valentine, saan ba talaga tayo pupunta?" Pangugulit ko sa kanya. Hindi talaga siya sumasagot sa tanong kong yan. Sa halip, ngumingiti lang siya at kinikindatan ako.

HelainaWhere stories live. Discover now