Special Chapter *Spoilers*

19 1 0
                                    

Authors Note:


Years ago, we decided to write this up. Mga nene pa kami nun, yun bang crushes at academic stuffs lang ang prinoproblema. Aspiring writers kaming anim, at sa tulong nang Wattpad, pakiramdam talaga namin nun mga WRITERS na kami, yun bang, brainstorming kung brainstorming talaga tuwing nagsusulat kami nang updates, it was fun and we all enjoyed the ride.



Pero kailangang umalis ni South ( Kristine ), Babalik na nang pinas para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral nya sa Bicol. We're actually studying abroad, sa middle east, in a small country called Bahrain na mas malaki pa ang manila dito. Eventually nagkatamaran na, nawalan nang motivation, sa aming lahat kase, si South yung pinaka dedicated sa Because of a Dare dahil *cough* yung Characters na hinahandle nya yung may mga pinaka malalaking roles sa storya *secret na kung sino, well kung kilala nyo, alam nyo na!*



Dumating ang Junior Year namin sa high school na wala na si South, at nawalan na kami tuluyan nang interest sa pagsusulat nito, yun bang nasabi namin sa sarili namin na "What's the point in finishing this stuff?". Mas itinuon na namin ang pansin namin sa mga pang akademikong bagay, requirments dito, quizzes doon. Hangang sa di na namin namalayan na ang bilis nang panahon, mag sesenior High school na pala kami...



And with that, kinailangang naming mabawasan uli, Umuwi ako- West ( Hannah ) at si East ( Nika) sa pinas para doon na mag-aral, si East napadpad somewhere in Manila, habang ako naman sa Cavite. Mas naging busy, syempre ngayon iba na priorities... hindi tulad noon na mga patweetums lang, dahil sa school year na to naka depended kung makakapag college ba kami o hindi. Nabawasan na rin ang oras namin sa wattpad, na miski ang free time namin, ginagamit namin para magbasa nang mga Librong, libro talaga... Yun bang masasabi namin sa sarili namin na, Medyo nag mature na kami, from Wattpad, to real book Novels ang peg.



Naiwan sa Bahrain ang mga natitirang myembro nang Frat namin, busy rin sila sa mga buhay nila, hindi na kami ganun ka close tulad nang dati, pero close pa rin naman, hindi nga lang yung closeness na tulad nang dati. Yung iba nasa QC na, yung iba Pampanga, yung isa sa Nueva Ecija, ang lalayo na namin sa isa't isa. Minsan nga naisip na namin na, Idelete na tong BOAD, but thinking about it, ang hirap gawin, mahirap mag bura nang mga memorya nang nakaraan.



But wait, this story will not be deleted, susubukan ko/ naming ipagpatuloy ang pagsusulat nito. Though, it will undergo a lot of changes.



-West

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Because of a Dare...Where stories live. Discover now