(MAGI'S POINT OF VIEW)

Tatlong araw na sila dito sa ospital at hindi parin nagigising. Nag-aalala na tuloy kami na baka tuluyan na silang ma-comatose na dalawa.

Naglalakad ako ngayon papunta sa room nila Senpai at Zeta. Iisang kwarto lang sila tutal may kalakihan din iyon. Pinili naming ilagay sila sa iisang lugar para mabantayan namin silang pareho.

Pagkarating sa pintuan ay nag-inhale exhale muna ako para humugot ng lakas. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang magkapatid na sina Casano at Apolo na parehong tulog. Sila ang nagbabantay mula umaga hanggang gabi. Sila mismo ang nagboluntaryo kaya hindi na kami umangal.

Tig-isa ng babaeng binabantayan, palibhasa mga future girlfriend nila ito. HAHAHA.

Ako naman ang tagahatid ng pagkain nila dahil hindi na nila nagagawang bumaba pa para magtungo sa cafeteria. Ang titigas ng mga ulo. Malamang kapag nalaman ito ng dalawang babaeng binabantayan nila ngayon ay mapapagalitan talaga sila. Paano nila mababantayan ng maayos sila Senpai kung pinababayaan naman nila ang kanilang mga sarili...

Umupo ako sa may gilid at pinagmasdan ang mga mukha nila Senpai at Zeta na wala paring malay.

"Orange yung pinapabili ni Magi!"

"Hindi, Mandarin kaya!"

Kumunot ang noo ko sa ingay na nanggaling sa labas. Bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang kambal na sina Roman at Paris. Nagtatalo na naman sila at walang pakialam sa paligid. Nasa likuran naman nila si Ivy na halatang naiinis na sa inaasta ng kambal. Sabay niyang pinalo ang batok ng dalawa at pinandilatan ng mata. Napakamot naman sa ulo ang kambal nang dumaan ito sa gitna nila.

Umupo si Ivy sa tabi ko. Napalingon ako sa isa pang kadarating lang na si Andrés. May hawak siyang dalawang bouquet of flowers. Inilapag niya ito sa mesang pinagigitnaan nila Senpai at Zeta. Naks, ang sweet niya talaga. Wala nga lang lovelife.

Nagising naman pareho ang dalawang lalaki na tulog. Nilingon nila kaming lima na nakaupo ngayon sa gilid. Halata ang stress sa mga mukha nila, kulang na lang maging zombie. Hays. Kelan ba kayo magigising Senpai? Baka paggising niyo, ito namang sina Casano at Apolo ang maospital.

"Kumain na muna kayo. Kami na muna ang magbabantay sa kanilang dalawa," panimula ko.

Hindi sila sumagot. Nilingon muna saglit ni Casano ang natutulog na si Senpai saka tumayo.

"Ikaw din Apolo." Nginitian lang ako nito at ibinaling ang tingin kay Zeta. Mabuti pa yung kapatid niya marunong makinig.

"Look! Gising na si Senpai!" biglang sigaw ni Roman na ikinagulat naming lahat. Agad naman kaming nagsilingunan kay Senpai na totoong gising na nga. Napatayo kaming lahat at nilapitan siya. Para kaming nabuhayan nang makita ang nakadilat niyang mga mata ngayon.

"You're awake," parang maiiyak na si Casano sabay hinawakan ang pisngi ni Senpai.

"Senpai, huwag mo na ulit gagawin yun ah. Huhuhu," sabat naman ni Roman.

"Oo nga. Pasensya na hindi ka namin natulungan kaagad. Ayan tuloy, napahamak ka pa," dagdag ni Paris.

"Sino kayo?" Napanganga kaming lahat maliban kay Casano. Nataranta kami sa tanong niyang ito.

"Senpai, hindi mo na kami kilala? Nabugok ba yung ulo mo? Akala ko ba nasaksak ka lang!" bulalas ni Roman.

"Ako to, yung gwapo mong Baron!" sabat naman ni Paris na tinuro pa ang sarili. Pareho kong tinampal ang bibig nilang dalawa.

Assasino Playground (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum