Kabanata 15

33 6 1
                                    

KABANATA 15

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nasa harapan ko ngayon ang lalaking bumangga sakin noon sa club at siya rin ang naglagay ng pulang powder sa bulsa ng pants ko. Erik ang pangalan niya.

Nakayuko lang siya pagkatapos aminin ang kasalanan. Kaninang umaga niya isinuko ang sarili kasabay ng naganap na deadly meeting. Kahit takot na takot ay naglakas loob siyang pumunta sa gusali namin.

Imbes na magalit ay parang naaawa pa ako sa kanya. Base sa itsura niya, hindi naman siya yung tipo na makakaisip na lasunin ang mga estudyante. May taong nag-utos sa kanya, yan ang alam ko.

Ikinuwento niya lahat kay Magi kung paano niya napapasok ang lason sa loob ng club at inilagay sa mga inumin. Pinagpapawisan talaga siya habang nagsasalaysay nito. Mararamdaman na may konting pag-aalinlangan sa boses niya, iniisip kung itutuloy pa ba.

Iniisip niya na siguro ang magiging parusa sa kanya ng Prime Org bilang sila ang officers ng eskwelahang ito. Nabalitaan ko na si Casano ang mismong kumakausap sa mga estudyante at iyon ang mas ikinakatakot nila. Iniimagine ko din kung ano kayang itsura ni Casano kapag galit? Nakakatakot?

Halos buong araw naming binantayan ang lalaking ito. Hindi pa kasi dumarating ang executive namin. Mabilis lang naman daw natapos ang deadly meeting kaso nakapagtatakang wala pa siya. Kasama ko sina Magi, Ivy at Kimberly. Si Magi lang ang nakakausap ko dahil busy sina Ivy at Kimberly. May ginagawa sila sa computer na may kinalaman sa aksidenteng nangyari kagabi.

Lumipas ang ilang oras ngunit wala parin ang executive namin. Ala sais na ang oras. Naramdaman ko na din ang gutom pero hindi ko lang ipinapahalata. Ayokong istorbohin ang mga kasama ko. Naghintay pa kami ng isang oras. Sa kasamaang palad, wala paring dumating.

Nagsimula ng mag-alala sina Magi kaya nagdesisyon sila ni Ivy na ihatid na lang si Erik sa gusali ng Prime Org. Nagbabasakaling nandoon din ang executive namin. Naiwan si Kimberly para bantayan ang gusali at ipinagpatuloy ang ginagawa sa computer.

Hindi na nila ako sinama dahil alam nilang napagod ako sa pagbabantay. Sumang-ayon na lang ako kaya heto ako ngayon nasa tapat na ng room ko. Binuksan ko ang pintuan at dumiretso sa banyo. Pagkatapos mag-shower ay nagpalit na ako ng pantulog na damit.

Naggagayak na sana akong matulog nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto at hinawakan ang door knob. Hindi ko muna ito binuksan, baka kasi bigla na lang akong saksakin. Baka isa sa mga taong gusto akong patayin. Mabuti na yung sigurado.

Kumatok muli ang taong ito ng tatlong beses. Halatang may halong inis sa lakas ng pagkatok nito.

"Zeita! Open the door!" Agad namang gumalaw ang kamay kong nakahawak sa door knob at dali-daling binuksan ito. Boses pa lang niya, alam ko ng naiinis na e. Syempre natakot ako, baka sirain niya itong pintuan ko.

"Ang tagal mong magbukas ng pinto. Bingi ka ba?" inis na bungad nito. Salubong ang mga kilay niya at mukhang galit. Natagalan lang sa pagbukas, galit na agad.

Nagpalit na siya ng damit, hindi yan suot niya kaninang umaga. Sa deadly meeting, kung saan napagtanto kong siya ang misteryosong executive ng Seeker Org. Ang lalaking naka-maskara na tinatago ang totoong pagkatao sa lahat.

Ibang-iba siya sa nakita ko kaninang umaga na sobrang ayos. Ngayon ay nakasuot lang siya ng eyeglass at mukha talagang nerd.

Nakapagtataka lang na parang ako palang ang nakapansin nito. Naalala ko kasi noon, nang nakita ko siya sa canteen na nagbabasa ng libro, walang pakialam ang mga estudyante sa kanya. Hindi siya pinapansin, walang ideya na siya ang executive ng Seeker Org.

Assasino Playground (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora