"AKO ang gumawa ng lason. AKO ang nagsulsol sa kanya na gumawa ng Loveshot poison. Siya ang kumumpleto sa formula na ginawa ko. AKO rin ang nanghikayat sa kanya na maghiganti sa mga umapi sa kanya. Naging sunud-sunuran siya sa akin dahil mahal niya ako. Nawala ang konsensya niya dahil tinanggal ko ito. Ginawa ko siyang HALIMAW na walang puso. Nilabag niya ang kaisa-isang rule ng eskwelahang ito dahil sakin! HAHAHA! ANG TANGA-TANGA NIYA DIBA?!"

"TAMA NA!" galit na sigaw ko. Sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na ako sa paghinga. Tuluyan na akong humagulgol. GALIT. SAKIT. POOT. LABIS NA PAGSISISI. Gusto ko ng mailabas ang matagal ko ng kinikimkim na sama ng loob.

"AHHHHHH!!!" Patuloy ang pagsigaw ko habang nilalabas ang matinding galit na nararamdaman ko ngayon. Tila nawalan na ng kontrol sa sarili. Nagkanda sugat sugat na ang mga tuhod ko sa pagpipilit na matanggal ang tali sa mga kamay at paa ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang maramdaman ang pagtama ng matulis na bagay sa likod ko. Pinilit kong iniinda ang sakit habang itinatayo ang sarili.

Nilabanan ko ang mga titig ni Kimberly. May luha paring lumalabas mula sa mga mata ko. Paunti-unti akong naglakad papalapit sa kanya kahit na nakatali ang mga paa ko. Wala na akong pakialam sa dugo sa aking katawan. Nagkalat na ang mga ito sa sahig.

Ang kaibigan namin. Ang bunso saming magkakaibigan. Patawarin mo ako, hindi man lang kita natulungan. Patawarin mo ako, wala ako para damayan ka. Hindi ko natupad ang pangako ko sayong poprotektahan kita. Patawarin mo ako, hinayaan kong gamitin ka nila. Pinagsamantalahan nila ang talento mo. She manipulated you. I'm sorry, Kiro.

"I will KILL you," nagbabantang sabi ko habang palapit kay Kimberly. Hindi siya gumalaw sa pwesto at tila hinihintay ako.

"I will show you the most painful death that you deserve. You don't deserve his love." Sinampal niya ako ng malakas pagkatapos kong sabihin ito.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang pumatay sa kanya!" dinuro duro niya ako. Hindi naman ako natinag. Ipinakita kong walang epekto ang sampal niya.

"Hindi ko siya pinatay!" malakas na bulyaw ko. Apat na salitang matagal ko ng gustong ipagsigawan sa buong eskwelahan. Ang paulit-ulit na pagdidiin sa akin ng kasalanang hindi ko kayang gawin.

"Namatay si Kiro dahil sa lason! Lason na meron mismo sa katawan niya! Matagal ko ng gustong sabihin ito. Itinago ko ang katotohanan dahil ayokong madagdagan pa ang galit nila sa kaibigan ko. Inako ko ang kasalanan niya. Hinayaan kong ako ang sisihin nila sa pagkamatay ng napakaraming estudyante!" Napaatras siya nang marinig ito.

"Lason?? Anong ibig mong sabihin?! Sabihin mo anong lason ito!" Nanlalaki ang mga matang tinignan niya ako.

"Ang suot niyang relo. May nahalong lason dito. Ipinatest ko ang katawan nya noon kaya alam ko ito. Ako lang at ang doctor na nag-examine ng katawan niya ang tanging nakakaalam nito."

"Relo?!" Napatakip siya sa bibig dahil sa gulat. May tumulong luha mula sa mga mata niya, bagay na ipinagtataka ko.

"Bakit niya suot iyon? Ang tanga-tanga mo, Kiro! Alam mo namang may lason na natapon sa relong binigay ko sayo! Bakit mo parin sinuot ito?! KIRO, ANO BANG KATANGAHAN ANG GINAWA MO?!" sigaw niya habang umiiyak. Nakatingala siya at tila ba si Kiro ang pinagsasabihan niya nito.

Natulala lang ako nang masaksihan ko ang paghagulgol ni Kimberly sa harapan ko. Pakiramdam ko ay labis siyang nasaktan sa nalaman niyang ito. Kung ganon, may nararamdaman din siya para kay Kiro. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha niya. Sinampal niya ang sariling mukha ng ilang beses hanggang sa dumugo ang gilid ng labi.

"Bakit mo ginawa yon?" humihikbi niyang tanong at hinawakan ang dibdib.

Katulad ko ay naghihinagpis rin siya sa pagkamatay ni Kiro. Hindi ko man lubos maintindihan ang totoo niyang nararamdaman para sa kaibigan ko, natitiyak kong nasaktan din siya. Pareho kaming nagdadalamhati sa pagkawala ng taong minahal namin.

Pinanood ko siyang umiyak ng ilang oras. Nang mahimasmasan ay tumayo siya at tumalikod sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang umakyat siya sa makapal na harang ng rooftop. Nakatayo siya dito kaya nataranta na ako ng todo.

"Kimberly! Huwag kang tatalon! Alam kong nasaktan ka pero hindi yan ang solusyon!" Pinilit kong makalapit sa kanya pero nahihirapan na rin akong gumalaw dahil sa dami ng sugat na natamo ko. Narinig ko ang pagtakbo palapit sa amin ng mga taong hindi ko kilala. Sila siguro ang kanina pang nagpapatama ng matutulis na bagay sa likuran ko. Dalawang lalaki ito at babaeng kasama ni Kimberly kanina.

"Ms. Kimberly, huwag mo itutuloy ang binabalak mo," saad ng isa sa mga lalaki. Nakataas ang kanilang mga kamay para alalayan si Kimberly.

"Ano pa bang silbi ng buhay ko? Natapos ko naman na ang misyon ko sa eskwelahang ito. Gusto ko na ring magpahinga," nakangiti niyang sabi. Ibinaling niya ang tingin sa akin. Nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya, hindi katulad kanina na mukhang baliw. Bumalik siya sa dating Kimberly na nakilala ko na maamo ang mukha.

"I forgot to tell you. Kiro once said to me that he admired someone. He said it's a girl. Hindi mo pa ba narerealized na ikaw ang tinuturing niyang kapatid? You were his sister, the one who treated him right. It was nice serving you until my last breath. Your assistant is now signing off, my dear executive. Sayonara (Goodbye)." Yun lang at ipinikit niya ang mga mata saka inihulog ang katawan.

"Kimberly!!!" malakas na sigaw ko nang makita ang ginawa niya. Nagdilim bigla ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.


(ZETA'S POINT OF VIEW)

Tumatakbo kami pareho ni Apolo papunta sa kinaroroonan ni Pacifica. Kailangan namin siyang iligtas mula kay Kimberly. Hindi namin alam kung bakit rinig namin ang kanilang usapan mula sa mga speaker na nakakalat sa buong campus. May gumagamit sa mic ng eskwelahan at kasalukuyang nirerecord ang usapan nila Pacifica at Kimberly.

Ngayon ay naririnig ng bawat estudyante ang katotohanan sa likod ng mga masasamang nangyari sa eskwelahang ito. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mukha nila nang mapagtantong walang kasalanan si Pacifica. Nasa Gym parin sila ngayon at kasalukuyang nagpapagaling na. Tahimik na nakikinig sa speaker.

Nagtataka naman ako kung bakit hindi pa dumarating si Casano para tulungan si Pacifica. Kanina pa namin siya hinahanap ngunit nawala na lang na parang bula.

"Apolo!" Napalingon kami sa taong sumigaw malapit samin. Kilala ko ang may-ari ng boses na ito. Si Leona.

*Bang!

Pagkalingon na pagkalingon ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa kanang balikat ko. Gulat akong napatingin kay Leona na nakatutok ang baril sa direksyon ko.

Hindi pa ako nakapagpahinga simula nang makalaya kami kaya ramdam ko ang panghihina ngayon ng aking katawan. Nawalan na ako ng balanse at tuluyang napahiga.

Naramdaman ko ang pagsalo ng kamay ni Apolo sakin. Lumalabo na ang paningin ko. Parang maiiyak na siya nang makita ko ang mukha niya. Hinawakan ko naman ang kanang pisngi niya tsaka ngumiti.

"Don't you dare die, Zeita!" natatarantang sabi niya. Binuhat niya ako saka nagsimula ng maglakad.

"Ang OA mo," biro ko naman na naging dahilan para magsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Ayokong mawalan ng bride, okay?" inis na sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ang korni mo."

"Papakasalan pa kita, Anndrew Zeita! Makikipagpatayan ako kay kamatayan para makapiling kita." Nagkatitigan kaming dalawa. Ang seryoso niya habang sinasabi ito. Ano bang ginawa ko para magustuhan niya ako? Hindi ko naman siya ginayuma. Nagkatitigan lang naman kami sa canteen noon. Napangiti na lang ako nang maalala ang una naming pagkikita. Talagang kung kelan nasa peligro na ang buhay ko, saka naman nagsisilitawan ang mga memories ko.

"Siguraduhin mong mabubuhay ka." Napapikit na ako nang maramdaman ang matinding antok. Sa wakas, makakapagpahinga na ako.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now