Chapter 4

265 8 0
                                    

Chapter 4

"Wynnona Snow Fierro."

"Sino ba 'yun?" Tanong ko kay Briggs. Wala rin napala 'yung naging lakad namin kanina dahil hindi rin naman nakausap ni Nikolaus 'yung Wynnona Snow na sinasabi nila.

"Naalala mo 'yung VIP clients ni Nikolaus?" Tumango tango ako. "Anak 'yun ni Mr. Balderick Fierro. Kapatid niya sina Islwynn at Evander." Napaawang ang labi ko.

"Totoo ba?" Hindi makapaniwalang sabi ko, nakikipagchismisan dito kay Briggs. Seryoso pa ako at magkakrus pa ang mga braso.

"Oo. Ang kaso, may sariling buhay daw 'yung Snow. Na ultimo Dad niya, hindi siya napapasunod. No men can demand her even his Dad. 'Yun ang balita." Pagchismis naman nito ni Briggs.

"Ibig sabihin, hindi kasama 'yung Snow sa magiging business partners ni Nikolaus?" Tumango naman si Briggs. "E 'di, business partners with the Fierro's except her? Tama?"

"Exactly. Nakuha mo!"

"Bakit ayaw niya? May issue ba siya sa family niya?"

"Masyado lang daw independent itong si Snow kaya gano'n."

"Eh, bakit naman daw gustong makausap ni Nikolaus si Snow?" Tanong ko pa.

"Iyon ang hindi ko alam. Sina Nikolaus at Theron lang ang nakakaalam." Napakunot ang noo ko. Bakit naman kaya gustong gustong makausap ni Nikolaus si Snow? Sa anong kadahilanan?

Nikolaus was the boss...

The mafia boss of the Cassano's Organization

Si Theron naman ang kanang kamay.

Briggs was his personal secretary.

Avel as his all around driver.

While Faolan, Nero, and Ryker is one of his loyal and trusted men. They are been working with him for a long time.

Pero 'yung Theron, ramdam ko talaga na ayaw niya sa akin. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman nila ako lubos na kilala.

"There will be a party tonight. Cassano's are invited."

I am having a breakfast with Nikolaus while texting to Manang Lina. Tinatanong ko kung kumusta na si Tatay kaya abala ako sa pagpo-phone habang kumakain ng umagahan.

"Ikaw nalang ang pumunta," sagot ko pero wala ang paningin sa kanya. Panigurado, wala naman akong gagawin doon. Palagi naman kasing ganoon kpag sinasama ako ni Nikolaus sa meeting niya.

"You'll come with me." Seryosong sabi niya kaya napunta sa kanya ang tingin ko. Naramdaman ko rin kasing nakatingin siya sa akin.

"Kailangan ba talaga ako ro'n? Kung hindi naman, 'di na 'ko sasama." Sabi ko sabay subo. Wala naman akong gagawin doon kung hindi ang tumunganga lang pagkatapos niya akong ipakilala bilang asawa niya. Ganoon naman kasi palagi ang papel ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Parang sinasabi niya na alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"Sasama na," pilit kong sabi. Wala naman kasi akong choice. Iyon nga pala ang trabaho ko rito. Asawa niya.

Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa taas para kuhanin ang gamit ko. Balak ko kasing puntahan si Tatay ngayon sa hospital. Mahigit isang linggo na rin kasi akong hindi nakakadalaw sa kanya. Baka nagtatampo na 'yun sa akin. Tsaka mamayang gabi pa naman 'yung party na pupuntahan namin ni Nikolaus.

"Where are you going?" Saktong pagbaba ko ay naroon si Nikolaus sa may sala habang umiinom ng tsaa.

"Sa hospital. Bibisitahin ko lang saglit si Tatay." Sagot ko.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon