Basta ang alam ko lang ay galit ako at gusto kong sumigaw.

At iyon ang gagawin ko.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at tumuntong ako dito.

"WAAAAAAH! GALIT NA TALAGA AKO SAYO! HINDI KITA MAPAPATAWAD SA GINAWA MO! PARURUSAHAN KITA!!"

Ang malakas kong sigaw na umalingawngaw sa buong paligid.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Yamato dahil sa aking pagsigaw.

Muling napunta sa akin ang atensyon ng ibang tao dito sa loob ng resto bar ngunit wala akong pakialam sa kanila.

Basta ako gusto kong sumigaw at pakawalan ang galit sa dibdib ko.

Nataranta naman si Yamato at dali-dali akong pinababa sa upuan at hinawakan ang aking palapulsuhan.

"Mukhang lasing kana, Cane."

"Ang mabuti pa'y ihahatid na kita pauwi sa inyo." ang sabi ni Yamato.

Sinimulan niya akong akayin palabas sa resto bar na iyon habang patuloy pa rin siyang yumuyuko yuko sa mga tao upang humingi ng paumanhin sa mga ito.

Bakit ba siya humihingi ng paumanhin sa kanila eh, mas malaki pa nga ang kasalanan niya sa akin.

Inakay niya ako hanggang sa labas at dinala sa gilid ng resto bar kung saan madilim at walang masyadong tao na dumadaan.

"Hindi mo naman sinabi sa akin agad na iinom ka pala."

"Hahaha! Nakakatawa iyong ginawa mo doon kanina. Marami ka bang nainom? Lasing na lasing ka hehe."

"Gusto mo muna bang magpahinga?"

Tumango naman ako kaya inakay niya ako paupo sa isang lumang upuan sa may gilid ng resto bar.

"I-Ikaw ayos ka lang ba? A-Ang asawa mo?" ang utal-utal ko namang tanong.

"Noong nagpapasundo ka sa akin kanina ay sinabi ko sa asawa kong uminom ka nang marami at naihian mo ang sarili mo kaya hindi ka makauwi ng mag isa." ang sabi naman ni Yamato na ikinagulantang ko.

"Tangina! Bakit ganoon naman ang dinahilan mo?! Nakakahiya...!" ang sabi ko sa kaniya na hindi mapigilang pamulahan ng aking mukha.

"Anong gusto mong idahilan ko? Eh napaka seloso ngayon ng asawa ko."

"Akala pa noon may kinikita akong babae."

"Saka hindi naman ikaw iyong tipong magaaya ng inuman ng ganitong oras kaya paniguradong magtataka iyon."

Napailing naman ako at napahilamos ng sariling mukha dahil sa kahihiyan.

"Ang mabuti pa ay dito muna tayo para mausawan ka kahit kaunti."

"Alam ko naman na ayaw mong umuwi sa ganiyang kalagayan dahil ayaw mong makita ka ng ganiyan ng asawa mo." ang wika pa ni Yamato bago ako bigyan ng isang tapik sa aking balikat.

Huminga naman ako ng malalim at napatitig sa kalangitan, bilog na bilog ang buwan at walang mga ulap kaya't kitang kita ang mga bituin sa langit.

"Nagpapasalamat ako sa pagaalala mo sa akin ngunit...H-Hindi naman talaga ako ganoong kalasing."

"Kaunti lang talaga ang nainom kong alak, pinepeke ko lang na lasing ako at gumawa lamang ako ng eksena doon kanina upang sa unang pagkakataon naman ay ako ang magbigay ng problema sayo...Pasensya na..." ang wika ko habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Yamato.

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz