May kung ano-ano pa siyang sinabi bago ako pakawalan. Tango lang ako nang tango doon sa mga sinasabi niya.

Para akong lutang habang naglalakad kami ni Hera palabas ng clinic. So I have a baby in my tummy? I'm pregnant and I'm gonna be a Mom?

“Sabihin mo na sa boyfriend mo iyan.”sabi ni Hera kaya napatingin ako sakan'ya.

“Natatakot ako.”sabi ko kaya sumimangot siya.

“Ikaw pa natakot eh mahal na mahal ka no'n.”sabi niya kaya pinalobo ko ang pisnge ko. Hindi parin ako makapaniwalang magkakaanak na kami ni Xavier.

Sa kompanya ako ni Xavier pumunta habang si Hera ay umuwi na. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sakan'ya. Baka hindi niya magustuhan 'to, baka hindi niya gustong magka-anak ulit.

Napabuga ako ng hangin at nailing nalang. Pumasok ako sa loob ng elevator paakyat sa opisina niya.

Kumatok ako sa loob pero hindi siya sumasagot. Wala na akong nagawa kung hindi buksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at wala pa siya roon.

Nag-antay lang ako sa loob dahil baka may inasikaso lang siya.

Napaangat ang kilay ko noong pumasok siyang may kasamang ibang babae. Nagtatawanan pa sila na natigil lang noong makita niya akong nakaupo.

Agad na lumapad ang ngiti nito at lumapit sa pwesto ko. Umiwas ako ng tingin dahil baka mairapan ko sila ng wala sa oras.

“How are you, hmm?”agad niyang tanong at umupo sa tabi ko. Hinalikan niya pa iyong sentido ko pero napairap lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit umiinit ang ulo ko sakan'ya.

“Why aren't you answering me, love? Do we have a problem? May nagawa ba 'ko?”sunod-sunod niyang tanong.

Tinignan ko siya ng masama at tumingin sa babaeng nakatingin sa'min ngayon. I know it's kinda rude, but I just can't stop myself.

“Are you jealous?”saad niya at inilapit ang mukha sa'kin.

“Hindi kaya!”medyo tumaas ang boses ko. Tinignan ko siya at mas lalong uminit ang ulo ko dahil nakangiti pa siya.

“Nasisiyahan kaba?”inis na tanong ko.

“My baby is jealous huh?”he teased that makes my cheeks flushed.

“Dari, pwede ka bang lumabas muna? My woman is jealous of you. She's Dari by the way, she's my cousin.”sabi niya kaya mas lalong namula ang pisnge ko.

Naiiling naman habang may ngiti sa labi na lumabas ang babae. Agad akong ngumuso at tumingin kay Xavier.

“I'm not jealous.”sabi ko na ikinatawa niya.

“Okay you're not. Kumain tayo, where do you want to eat?”tanong niya.

“Carbonara please?”tanong ko na ikinatango niya.

“Okay stop sulking, we'll get a carbonara for you.”saad niya at hinalikan ang labi ko.

Our hands are intertwined while heading out on the building. Agad siyang nagmaneho papuntang restaurant ni Dheo. Hanggang ngayon ay saulog ko parin ang daan papunta rito.

Tumigil kami sa parking area at agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Awtomatikong yumakap ang kamay niya sa bewang ko noong bumaba ako. Ang PDA talaga ng taong 'to.

Pumasok kami sa loob at agad naghanap ng upuan doon. Doon kami umupo malapit sa garden dahil parang ang calming niya.

Nag-order na si Xavier ng carbonara at iba pang pagkain. Noong maiserve ang carbonara ay agad na nag salubong ang kilay ko noong makakita ng sushi. Agad akong napangiwi dahil tila kakaiba ang amoy no'n.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now